College of Teacher Education

Permanent URI for this communityhttps://dspace.uc-bcf.edu.ph/handle/123456789/10

Browse

Search Results

Now showing 1 - 10 of 19
  • Item
    Isang pagsusuri sa bisang pangkaisipan at pangkaasalan ng Florante at Laura ni Francisco Balagtas
    (1984-03) Ramos, Florentina D.
    Ang pag-aaral na ito ay naglalayong tumulong sa paagsasakatuparan sa mga hangarin ng kabansang Pilipino, hinggil sa ating pambansang tunguhing nauukol sa pagpapaunlad at pagpapalakas sa pambansang kamalayan sa pamamagitan ng pagsusuri at pagpapakahulugan sa mga bisang pangkaisipan at pangkaasalang nakapaloob sa Florante at Laua ni Francisco Balagtas. Naglalayong sagutin sa pag-aaral na ito ang mga sumusunod na katanungan: 1. Anu-ano ang mga mahahalagang kaisipang inilahad sa Florante at Laura? 2. Paano mapapangkat-pangkat ang mga kaisipang ito? Paano mabibigyang-kahulugan ang mga ito upang higit na malinawan at maunawaan ng mga mag-aaral?
  • Item
    Isang paghahambing ng kakayahan sa pag-unawa sa pakikinig sa Ingles at Filipino ng mga batang di-tagalog sa ikatlong baitang
    (1989-02) Lamaton, Carmelita B.,
    Ang paghahambing ng kakayahan sa pag-unawa sa pakikinig sa Ingel at Filipino ng mga batang di-Tagalog sa ikatlong baitang ang pinag-ukulan ng pag-aaral. Naglalayong paghambingin ang kakayahan ng mga batang mag-aaral sa ikatlong baitang sa mga kuwentong inilahat sa Ingles at Filipino. Natuklasan sa pag-aaral na ang mga batang di-Tagalog ay nakauunawa sa dalawang wika (Filipino at Ingles) ngunit highit ang pag-unagawa nila sa wikang Filipino. Napag-alaman ding walang makabuluhang pagkakaiba ang kakayahan sa pag-unawa sa pakikinig ng mga lalaki at babaeng mag-aaral. Natuklasan sa pag-aaral na ito na may makabuluhang pagkakaiba ang pag-unawa sa pakikinig ng mga mag-aaral na di-Tagalog sa dalawang wika ayon sa kung sino ang tagapagsalaysay. Ang kinalabasan ng pag-aaral na ito, na higit and pag-unawa ng mga di-Tagalog na mag-aaral sa Filipino kaysa sa Inglesm ay tumutugma sa itinadhana ng Kautusang Pangkagawaran Blg. 25, s. 1974, na ang mga mga asignatura tulad ng Araling Panlipunan, Sining ng Komunikasyon, Sining at Musika, gayon din ang aralin sa Pagpapalakas ng Katawan ay nararapat ituro sa wikang Filipino. Higit na maraming sandali ang ginugugol ng mga mag-aaral sa pakikinig sa guro na ang ginagamit ay wikang Filipino. Sa mga kinalabasan ng pagtutuos na t, masasabing hindi sagabal ang kasarian kung pag-uusapan ang kakayahan sa pag-unawa sa pakikinig ng mga batang di-Tagalog. Mapupunang higit na mataas ang 'mean" sa salaysay ng bata kaysa sa salaysay ng matanda. Tumutugma ito sa pagtutuos na may kinalaman sa wika na higit ang pag-unawa ng mga mag-aaral sa batang nagsalaysay sa wikang Filipino kaysa sa nagsalaysay na matanda sa gayon ding wika. Pumili ang mag-aaral dalawang kuwentong angkop sa ikatlong baitang. Pawang pang-ikatlong baitang ang mga aklat na pinagkunan na hindi ginagamit bilang batayan ngunit mga sangguniang akiat lamang. Isinaayos ang mga kuwentu upang mapadali ang pag-unawa sa mga ito. Pumili ang mag-aaral ng isang guro at isang batang nasa ikatlong baitang na mahusay bumasa nang pabigkas sa Filipino at Ingles na siyang pinagsalaysay sa teyp rekorder. Pagkatapos mapakinggan ang naiteyp na mga kuwento, bumuo ng pagsusulit ang mag-aaral na siyang ginawang batayan kung hanggang saan ang kasanayan ng mga bata sa pag-unawa sa pakikinig sa dalawang wika. Uring pamilian ang angkop na pagsubok sa kakayahan ng mga bata sa pakikinig sa pagbasa. Ang pagsubok na binubuo ng 15 aytem ay unang ibinigay sa animnapung mag-aaral na nasa ikatlong baitang ng SLU Elementary Laboratory School sa kapahintulutan ng punungguro. Pagkatapos maibigay ang pagsubok at maiwasto ang mga papel. sinuri ng mananaliksik ang bawat aytem upang matiyak ang kahirapan ng aytem at ang indeks ng pagtatangi-tangi. Apatnapung bata ang pinili sa ikalawang pangkat na pawang nagsisipag-aral sa Paaralang Elementaryang Quezon na bibubuo ng dalawampung babae at dalawampung lalaki. Pagkatapos nito, iwinasto ng mag¬aaral ang papel ng mga bata at dito ibinatay ng mag-aaral kung sinu-sino ang mga batang isinali sa pag-aaral. Ganito ring bilang ng mag-aaral ang kinuha sa U.B. Elementary Laboratory School. Sa labinlimang aytem na ibinigay sa unang pagsubok, sampu ang itinira para sa pangwakas na pagsubok. Upang matiyak ang kabisaan ng sampung aytem na ibinigay sa 120 kalahok, binigyan silang muli ng gayunding pagsubok ngunit gumamit ang mananaliksik ng uring tama o mali. Ito’y ginawa upang matuklasan kung may panghuhulang naganap sa unang pagsubok. Bawat set ng mga sagot sa tatlong paaralan ay ginawan ng kaukulang pagtutuos at pagpapakahulugan. Ang bawat paghahambing ay ginawan ng kaukulang pagtutuos. Ginamit ang pagsusulit na t para sa magkaugnay na kalahok sa paghahambing ng kasanayan sa wika at sa kinalabasan ng pagsubok ayon sa tagapagsalaysay. Ang t-test ay binigyan ng kaukulang pagpapakahulugan sa pamamagitan ng paghahambing ng tinuos na t sa nakatalang t sa antas .05 ng pagiging makabuluhan. Pinili ang .05 na antas dahil ito ang katamtamang antas na nababagay sa ginawang paghahambing. Ayon sa kinalabasan ng pag-aaral, masasabing ang paggamit ng teyp rekorder ay malaking tulong sa pagtuturo. Hindi mahihirapan ang isang guro sa kanyang pagtuturo kung siya’y gagamit ng teyp rekorder paminsan-minsan. Natuklasan din ng mag-aaral na kasiya-siya ang disiplina ng mga bata kung magkakaroon ng ganitong uri ng pagtuturo. Napag-alaman na pantay ang pag-unawa ng mga babae at lalaki sa dalawang wika. Natuklasan ding higit ang pag¬unawa ng mga batang di-Tagalog sa wikang Filipino kaysa sa wikang Ingles. Nalaman ding higit ang pag-unawa ng mga batang di-Tagalog kalahok batang tagapagsalaysay kaysa sa matandang tagapagsalaysay. Talagang madali ang pag-unawa sa isang kasing-gulang anumang wika ang gamitin. Batay sa kinalabasan ng pag-aaral iminumungkahi ng mag-aaral na dapat ding bigyan ng pagkakataong makapag-salaysay ang mga bata dahil sa higit na nauunawaan ng mga bata ang salaysay ng kapwa bata. Dapat ding magkaroon ng paghahambing ng pag-unawa sa pakikinig at pagbasa ng mga mag-aaral sa ibait-ibang baitang. Magkaroon din ng tiyak na layunin kapag nakikinig sa isang salaysay sapagkat higit na nauunawaan ng mga bata ang babasahin kapag may tiyak na layunin. Dapat ding magkaroon ng higit pang mabisa at makabuluhang palatuntunan rig pag-unawa sa pakikinig sa paaralan. Dapat din nating isaisip na dahil sa ang mga batang di-Tagalog ay may higit na pag-unawa sa wikang Filipino, ang mga guro ay dapat bigyang-diin ang kasanayan sa pakikinig sa ingles dahil sa ito ay pangalawang wika rin ng mga mag-aaral tulad ng Filipino.
  • Thumbnail Image
    Item
    Antas ng pokus ng pandiwa sa wikang Aklanon at Filipino : isang pahambing na pagsusuri
    (1989-11) Flores, Fermina C.
    Ang naging pangunahin layunin ng pananaliksik na ito’y paghambingin ang antas ng pokus ng pandiwa sa dalawang wika-Aklanon at Filipino. Tinangkang masagot ang pagkakatulad ng Filipino at Aklanon sa ugnayang pambalarila ng pandiwa sa paksa ng pangungusapi; and pagkakahawig ng pokus ng pandiwa kung ito’y ginagamit sa pangungusap; and pagkakatulad ng mga panlaping makadiwa at ang paraan ng pagkakabit ng panlaping makadiwa sa Filipino at Aklanon. Gumamit ng pahambing na pagsusuri, mga kaalamang pangliggwistika at mga impormanteng kinapanayam sa pagtalakay ng paksa ang may-akda. Ginawan din ng mga hulwaran o modelong pangungusap na siyang pinagbatayan ng pagtalakay sap ag-alam ng pagkakatulad ng mga panlaping makadiwa, ang paraan ng pagkakabit ng mga panlapi at antas ng pokus ng pandiwa. Natuklasan sap ag-aaral na ito na may pagkakatulad sa paraan ng pagkakabit ng panlaping makadiwa sa salitang ugat; sa ugnayang pambalarila ng pandiwa, sa pokus ng pandiwa sa pangungusap at sa mga panlaping makadiwa sa dalawang wikang nabanggit- Filipino at Aklanon. Iminungkahi na ipagpatuloy pa ang pag-aaral sa suliranon ng pagtuturo ng pokus ng pandiwa para sa paggawa ng naaangkop na kagamitang pampagtuturo. Ang pag-aaral na ito’y gumamit ng pahambing na pagsusuri. Ang kaalamang linggwistika, mga nakalimbag na aklat gaya ng Makabagong Balarilang Filipino nina Santiago, Alfonso at Tiangco, Makabagong balarila ng Filipino ni Teresita Ramos, Linguistics Across Cultures ni Robert Lado, The Four Focus Transformation of Tagalog ni Teodoro Llamzon, at marami pang nakalimbag na aklat panlinggwistika ang ginamit ng mananaliksik sap ag-aaral na ito. Ang mga aklat na nabanggit at iba pa ay matutunghayan sa talaan ng mga sanggunian sa likuran ng aklat na ito. Nakatulong din ang kaalaman ng may-akda sapagkat ito ang kanyang unang wika (Aklanon) at ang kaalaman din ng ilang mga impormante sa pagtatalakay sa paksa. Ang mga impormanteng ito ay kinapanayam ng may-akda sa pamamagitan ng tape recorder at mga kwestyunaryo. Tinalakay at binigyan ng katuturan ang mga salitang ginamit sa pananaliksik at binigyan ng mga halimbawa ang mga salitang-ugat sa Aklanon at Filipino. Binanghay din ang pandiwa sa tatlong aspekto. Binigyan din ng halimbawa sa iba’t ibang antas ng pokus ng pandiwa sa wikang Aklanon at Filipino. Ginamit ng may-akda ang pamraan sa paghahambing ng dalawang istrakturang panggramatika. Ginawan ng aktwal na paghahambing sa dalawang wika- and Aklanon at Filipino, sa pamamagitan ng mga hulwaram o ng pagtalakay sa pag-alam ng pagkakatulad o pagkakapareho ng mg mga panlaping makadiwa, ang paraan ng pagkakabit ng mga panlapi at antas ng pokus ng pandiwa. Pagkatapos ng maingat at masusing pagsasaalang-alang sa mga datos ng pag-aaral, ang mananaliksik ay naglahad ng mga sumusunod na konklusyon: Ang wikang Aklanon at Filipino ay may pagkakatulad, sa anyo, kahulugan, at balangkas ng pangungusap na may pokus ng pandiwa. Ang pagkakatulad ng anyo at kahulugan ay sa pamamagitan ng panlaping makadiwa na ikinabit sa salitang-ugat na pandiwa. Nagkakatulad din sa balangkas ng pangungusap na may pokus ng pandiwa sa pangungusap na may simuno at panaguri. Aang pagkakatulad ng anyo at kahulugan ng panlaping makadiwa ay sa pamamagitan ng pokus ng pandiwa, sa pokus actor, /mag-/, /-um/ at /mang-/, sa pokus sa layon , /i-/ at sa pokus ng kaganapan, /-an/. Ang pagkakatulad ng balangkas ng pangungusap na may pokus ng pandiwa, ay sa pamamagitan ng pokus actor, pokus layon, pokus sa kaganapan, pokus sa kalanaanan, at pokus sa sanhi. Natuklasan din ng may-akda na may panlaping makadiwa na Filipino at Aklanon na may pagkakaiba ng anyo ngunit magkatulad ng kahulugan sa sandalling ikinabit ang mga panlaping ito sa salitang-ugat na pandiwa at ginamit sa pangungusap. Ang mga panlaping Aklanon na may pagkakaiba ng anyo sa Filipino ngunit magkakatulad ng kahulugan ay sa pamamagitan ng pandiwang nasa: una: pokus sa layon, /-in/ na may katumbas na /gin-/ sa Aklanon; ang panlaping /pa-, -an,/ na may katumbas na /pa-, -e/ sa Aklanon; ang panlaping /-han/ na may katumbas na /-nan/ at /-ne/ sa Aklanon. Pangalawa: ang pokus sa ganapan, ang mga panlaping /pa-, -an/ na may katumbas na /-an/ sa Aklanon; ang panlaping /-han/ na may katumabas na /-nan/ at /-ne/ sa Aklanon. Pangatlo: ang pokus sa kalaanan, ang mga panlaping /ipag-/ na may katumbas na /-an/ Sa Aklanonon, at panlaping /i-/ na may katumbas na /-hi/ at /-han/ sa Aklanon, at pang-apat: ang pokus sa sanhi, ang panlaping /ika-/ ay may katumbas na /gin-, -an/ sa Aklanon. Natuklasan din ng may-akda na ang balangkas ng pangungusap sa Filipino na nasa anyong pautos at nagtatglay ng pandiwang kasing-anyo ng pawatas ay may pagkakatulad sa balangkas ng pangungusap sa Aklanon. Ang pagkakatulad sa balangkas ng pangungusap na nasa anyong pautos ay sa pamamagitan ng pandiwa na nasa pokus sa layon, pokus sa ganapan at pokus sa kalaanan. Ang mga natuklasan sap ag-aaral na ito ay iminungkahi na; una: para sa mga mag-aaral na gumagawa ng tesis, dapat ipagpatuloy ang masusing pananaliksik sa unang wika ng mag-aaral, hindi lamang ang wikang Aklanon kundi maging ang iba’t ibang diyaleto ng ating bansa, sapagkat ito ay nakakatulog sa pagpapagaan ng pagtuturo ng wikang Filipino bilang pangalawang wika sa paaralan at sa pagpapalaganap ng wikang ito, bilang wikang Pambansa. Pangalawa: para sa mga guro na nagtuturo sa lalawigang Aklan, upang mapadali ang pagkakatuto ng mag-aaral, gamitin ang nabuong padron o hulwarang pangungusap batay sa isinagawang pag-aaral tungkol sa iba’t ibang pokus ng pandiwa. Pangatlo: para sa mga gurong Aklanon na nagtuturo ng Filipino sa mga pook na di-Tagalog tulad ng Baguio, iminungkahi rin ng may-akda na gamitin ang mga padron o hulwarang pangungusap tungkol sa iba’t ibang pokus ng pandiwa. Pang-apat: para sa lahat ng mga gurong nagtuturo ng Filipino, iminungkahi rin ng may akda na gamitin ang nabuong padron o hulwarang pangungusap tungkol sa iba’t ibang pokus ng pandiwa sapagkat naging mabisa ito sa may-akda sa pagtuturo niya ng iba’t ibang pokus ng pandiwa. Panlima: sa mga dalubwika o linggwistika, iminungkahi ng may-akda na ipagpatuloy ang pagsasaliksik sa Aklanon at iba pang kapatid na diyalekto ng Lalawigang Aklan at iba pang kapait na diyalekto ng Lalawigang Aklan upang matuklasan ang iba pang pagkakatulad nito hindi lamang sa antas ng pokus ng pandiwa kundi maging sa balangkas ng salita at pangungusap. Pang-anim: sa mga naglalayong mag-aral sa antas ng pokus ng pandiwa sa Aklanon, iminungkahi a isama ang pokus na instrumental sa isasagawang pag-aaral at Pampito: para sa mga mag-aaral na gumagawa ng tesis, iminungkahi nap ag-aralan ang mga suliranin sa pagtuturo ng iba’t ibang pokus ng pandiwa upng mabatid ang wastong pamamaraan sa pagtuturo nito at sa pagsasagawa ng naaangkop na mga kagamitang pampagtuturo.
  • Thumbnail Image
    Item
    Rites, practices and beliefs in the life cycle of the i-Sagada of Western Bontoc, Mountain Province
    (1981-12) Dizon, Shirley P.
    This research attempted to show the religious practices and beliefs of the i-Sagada from birth until death. It attempted to reveal how the i-Sagada is disciplined through religious rituals and beliefs. It also aimed to show that customs and traditions bind a tribe together, and that without such customs and traditions, Sagada would not be as peaceful as it is now. The study is an attempt to preserve in writing the customs and beliefs of the people of Sagada which to a great extent are vanishing. It has historical, anthropological as well as education values. Its historical importance lies in its attempt to trace the origin of such customs. Anthropologically, it is important because it preserves in writing such practices and beliefs. However, it is most important in the educational field because it can be a rich and authentic resource material on the culture of the Sagada people in the schools and in other entities of learning and research. This study further shows the changes that have taken place in Sagada customs and traditions as a result if Western influence and Christian education.
  • Thumbnail Image
    Item
    Profile of elementary science teachers in the city schools of Baguio and their utilization of instructional resources
    (1980-03) Pimentel, Rosario J.,
    The purpose of this research was to study the profile of the elementary science teachers in the city schools of Baguio and to delve into the extent to which they utilize the instructional resources in their teaching. Specifically, it sought to answer the following questions: 1. What is the profile of the elementary science teachers of Baguio with respect to - a) Educational qualifications b) School assignments or positions held c) Length of service d) Civil service eligibility, and e) In-service education -- 2. What is the extent of utilization of instructional resources by the teachers, particularly - a) natural resources, b) human resources, c) institutional resources, and d) material or man-made objects -- 3. What are the problems met by teachers in elementary science teaching? -- 4. What are the implications of this study toward the current educational policies in the country? This study will give a profile of elementary science teachers in the city schools of Baguio and their utilization of instructional resources. The findings will serve as bases for school administrators, school supervisors, science teachers, barangay leaders, and school pupils to work out an effective science teaching-learning process that would meet the learners' need and to attain the objective of a community-based science education.
  • Thumbnail Image
    Item
    Social commentary in Leoncio P. Deriada's the road to Mawab and other stories
    (1986-03) Picart, Roland M.
    The purpose of this study is to examine the commentary on Philippine society as portrayed in the selected short stories of Leonicio P. Deriada. Specifically, this study seeks to answer the following questions: 1. What are the significant historical and socio-cultural trends in contemporary Philippine society during the 1970's that influenced short story writing in the Philippines during this period? 2. How are these trends reflected in the short stories of Leonicio P. Deriada? 3. What are the techniques employed by the writer in enhancing the meanings of his short stories?
  • Thumbnail Image
    Item
    The Search for life's meaning in Herman Hesse's Siddhartha
    (1983-10) Dacanay, Angelina D.
    This study will probe into the process and the result of the search for the meaning of life in SIDDHARTHA. Using the holistic approach, the researcher answers the following questions: 1. What is the socio-cultural milieu that shed light on the meaning of life as pursued by Siddhartha? 2. How did the author, Heman Hesse, integrate the various elements of the novel-- the setting, the plot, character, theme and symbol-- into the total framework to expound on the process of searching for the meaning of life.
  • Thumbnail Image
    Item
    Career preferences of high school junior students of Baguio Colleges Foundation school year 1982-1983
    (1984-03) Padilla, Angelita A.
    The study is intended to investigate the career preferences of the high-school junior students of Baguio Colleges Foundation enrolled during the school year 1982-1983. This will include the relationship of their expressed interests, aptitude, intelligence and age on their career preferences. Specifically, this study shed light on the following problems: 1. What are the career preferences of the junior high school students for school year 1982-1983? -- 2. What are the aptitude levels of the junior high school students for school year 1982-1983? -- 3. What are the courses suitable to the aptitude level of junior high school students for school year 1982-1983? -- 4. Are the expressed interests of junior high school students for school year 1982-1983 congruent with their inventoried interests? -- 5. Are the inventoried interests congruent with their aptitude? -- 6. What is the intelligence quotient of the junior high school students for school year 1982-1983? -- 7. Does any relationship exist between chosen aptitude factors (Verbal, Pilipino, Numeric, Verbal English) and the grades on corresponding academic subjects (English, Pilipino, Mathematics)? -- 8. Does any difference exist between the aptitude of males and females? -- 9. Do male responses differ from female responses with respect to career preferences? -- 10. Does age have any significant relationship on the congruence of aptitude and interest? This study will test the following hypotheses: 1. The career preferences of junior high school students are geared towards the academic and non-academic degree programs. 2. The courses suitable to the aptitude level of junior high school students for school year 1982-1983 are academic degree programs and non-academic. 3. The aptitude level of the junior high school students falls above the mean of 500. 4. There is no significant difference between the expressed and inventoried interest of junior high school students for school year 1982-1983. 5. There is no significant relationship between the inventoried interest and aptitude of junior high school students for school year 1982-1983. 6. There is no significant difference between the I.Q of males and females among the junior high school students for school year 1982-1983. 7. There is no significant relationship between chosen aptitude factors (Verbal Pilipino, Numeric, Verbal English) and the grades in corresponding academic subjects (Pilipino, Mathematics, English). 8. There is no significant difference between the aptitude of males and females. 9. There is no significant difference between the career preferences of males and females in the third year high school curriculum for school year 1982-1983. 10. There is no significant relationship between age and the congruence of aptitude and interest.
  • Thumbnail Image
    Item
    Possible factors of participant satisfaction and learning at the National Training Center of the Agricultural Training Institute, Department of Agriculture, La Trinidad, Benguet
    (1989-03) Flores, Arlene L.
    The study tried to confirm/disconfirm the researcher’s hypothesized factors of participant satisfaction and learning. These are: (a) congruence in resource person preference between trainers and participants and (b) congruence between actual and participant-preferred trainer personality characteristics. The study covered Regions I, II, and CAR, the area coverage of the center. Four training courses, consisting of 39-44 participants each conducted during the last quarter of 1987 (when the center changed status from regional to national), two task forces consisting of four trainers each, and two sets of resource persons consisting of six members were involved in the study. Only the eight trainers and the 164 participants were respondents, however. The data gathered from the participants were: resource persons preference, trainer personality preference, satisfaction on resource person’s performance presented by their resource person’s rating, satisfactory on trainer’s performance represented by their trainer’s rating and learning increments. The data gathered from the trainers were: resource person preference and actual trainer personality characteristics. The data were gathered during the last quarter of 1987. To determine congruence, the responses of the trainers were matched with that of their respective participant groups. Task force A trainers were matched with batches 1 and 2 participants, the groups they trained together with resource person set A. Task force set B trainers were matched with batches 3 and 4 participants, the groups they trained together with resource person set B. After establishing the level of congruence between task force A and batch 1, task force B and batch 4 in terms of resource person preference and trainer personality, each level of the congruence was correlated with the satisfaction levels of the participants on the performance of their respective resource persons and trainers. The satisfaction levels were further correlated with learning increments. The statistical tools used in the study were frequency counts, averaging, percentages, Z-test, Spearman Rank Correlation aided by the Standard for Correlation. Results showed that in terms of resource person preference, task force B and batch 3 registered the highest congruence level; followed by task force B and batch 4, task force A and batch 1 and last was task force A and batch 2. In terms of satisfaction on resource person’s performance (represented by their rating), resource persons set A by batch 2 ranked first; resource person set b by batch 3 was second; resource person set A by batch 1 was third and resource person set B by batch 4 was fourth. Highest learning increment was registered by batch 3, followed by batch 4, batch 2 then batch 1. The conclusions derived from this study were the following: 1. Congruence between trainers and participants in terms of resource preference moderately affects resource person performance ratings. 2. A high resource persons rating is not a guarantee to higher learning increments. Correlation was zero. 3. Congruence between actual and participant-preferred trainer personality greatly affects trainer performance ratings. Trainers who approximated the participant-preferred trainer personality characteristics were given higher performance ratings. 4. High task force rating positively affects learning increments but only very minimally. The recommendations of the study are as follows: 1. Trainers should take into consideration the preference of the participants in choosing resource persons. 2. Resource persons ratings and learning increments registered a zero correlation. It is therefor recommended that trainers and training institutions exert more effort n finding out what factors best influence learning and inject these during training sessions. 3. Trainers should take into consideration the trainer personality preference of participants in dispensing their functions. 4. Satisfaction on trainers’ performance should not be used as the sole basis in ensuring participants’ learning since positive correlation was very minimal.
  • Thumbnail Image
    Item
    Isang pagsusuri at pagpapakahulugan sa mga piling tula ni Emelita Perez Baes
    (1986-03) Dela Cruz, Evangeline L.
    Ang pagsusuri at pagpapakahulugan sa mga piling tula ni Emelita P Baes ay naglayong ipabatid sa mga mag-aaral ng panitikang Pilipino sa antas pandalubhasaan, ang mga kaisipang maaring makatulong at magkaruon ng kaugnayan sa pag-araw-araw nilang pamumuhay. Sa pag-aaral na ito, and mga mahahalagang kaisipang binibigyang-diin at inilahad sa mga tula ay pinangkat sa anim na kategorya: 1. Pag-ibig at pananalig sa Diyos a. may pakpak ang mga dalangin b. isang sulyap k. Panahon: alay ka ng Diyos d. Tuwina, pangambal e. Anghel, managhoy kaya? 2. Pag-ibig at tungkulin sa bayan a. Duwag sa bantayog ng wika b. Sa Paraiso k. Ako’y Pilipino d. Yapak ng bagyo 3. Sa Sydney: laglag na gunita. 3. Pag-ibig, paggalang at pagpapahalaga ng anak sa magulang. A. Kay Inay b. Kay Ama k. Supling ng isang supling d. Pagsilang e. Sa liwanag ng buwan 4. Pag-ibig sa kapuwa a. Guro b. Palukod, pag-asal k. Handog sa aking kabiyak na puso d. Tayong dalawa e. Pag-ibig, kinakalong kita! 5. Pagpapahalaga sa kalikasan a. sa isang paruparong nakadapo sa dingding b. Alapaaap k. Rosas: ngumiti ka, rosas: lumuha ka! D. Ano ka sa akin? e. Nag-alimpuyo ang dagat kanina 6. Pagpapahalaga sa mabubuting kaugalian a. Kung ang tao ay isinilang upang maging tao lamang b. Korona o karangalan k. Magdalena d. Pitik ng buhay sa lungsod e. Hindi ako luluha. Ang bawat kaisipang sinusuri at binigyang-kahulugan ay sinamahan ng limang piling tulang may kaugnayan sa diwang itinampok. Ang mga salitang ginamit sa pagpapaliwanag ay madaling maunawaan upang higi na malinawan ang mensahe ng bawat tula. Ang pagpapaliwanag sa mga tula ay ibinatay sa mga kinalabasan ng pakikipanayan sa may-akda at guidance counselor, pagmamasid at pagtatanong sa mga pamamaraang ginagamit ng mga kapwa guro sa pag-tuturo ng tula, at pagsisiyasat sa mga aklat na ang diwa at kaisipan ay tulad ng mga tulang sinuri. Ang mga kaisipang taglay ng bawat tula ay iniugnay ng mananaliksik sa kanyang sariling mga karanasan, sa matamang pagmamatyag at pag-aaral sa mga pangyayaring nagaganap sa kanyang kapaligiran, lalung-lalo na sa mga kilos at gawi ng mga mag-aaral na kanyang tinuturuan. Ang mga piling tula ni Emelita Perez Baes ay nagtataglay ng sampung pinakagamiting uri ng tayutay na pagpalit-tawag, pito sa pagwawangis, isa sa pagmamalabis, pito sa pagbibigay-katauhan, isa sa pasalungat, isa sa pag-uyam, tatlo sa pagtutulad, isa sa pagtatanong, dalawa sa pagdaramdam at isa sa pagpapalit-saklaw. Bawat tayutay ay nilakipan ng halimbawang hango sa mga saknong ng tatlumpung piniling tulang binigyan ng kaukulang pagpapakahulugan. Ayon sa kinalabasan ng pagsusuri, ang mga tulang binigyan ng matamang pag-aaral ay sumunod sa panuntunan ng pagsulat ng tula. Hinati ng makata ang kanyang mga tula sa dalawang anyo: ang may sukat at tugma at and malayong taludturan. Sinuri ng mag-aaral ang walong tulang may sukat at tugma at natuklasang anim sa mga ito ang may sukat at tugma at natuklasang anim sa mga ito and may sukat na lalabindalawang pantig sa bawat talutod, ang isang tula ay may sukat na pipituhing pantig sa apat na taludtod at lalabing-apating pantig sa iba pa nitong taludtog. Ang ikawalong tula ay may sukat na lalabingwaluhing pantig sa bawat taludtod. Sa tugma naman, dalawa ang tulang may tugma sa patinig na karaniwan, isa ang may tugma sa patinig na mabigat, dalawa sa mga tula ang may tugma sa katinig na malakas at tatlo sa tugmang ganap. Dalawampu’t dalawa ang tulang may anyong malayang taludturan. Sa mga tulang ito, labimpito ang may mga sakyong na nangingibabaw ang dalawa, tatlo at apat na bilang ng mga taludtod. Isang tula ang may magkakasamang bilang na isa, apat at pitong taludtod. May dalawang tulang kakikitaan ng mga taludtod na apat, limat at siyam na taludtod. May tula ring may dalawa tatlong bilang ng mga taludtod na may kasamang isang saknong na sampu ang taludtod. Napansin ng mag-aaral na higit na nakararama ang mga saknong na may bilang na apat na taludtod sa mga ulang may ganitong kaanyuan. Ang pagiiba-iba ng mga pamamaraan o istilo ng may akda sa paghahati-hati ng mga taludtod ay lalong nagpapatingkad sa kagandahan ng kanyang mga tula.