DSpace 8 @UC
A University of the Cordilleras' digital space, powered by DSpace open source repository platform

Communities in DSpace
Select a community to browse its collections.
Recent Submissions
Antas ng mga tanong sa markahang pagsusulit sa mataas na paaralang nasyonal ng Lungsod ng Baguio
(2004-02) Guilanda, Myla Gabriel,
Ang pagtatanong ay napakahalagang gawaing pangwika ng isang guro. Malaki ang naitutulong ng pagtatanong upang mapabuti ang proseso ng pagtuturo at pagkatuto. Isa ito sa mga instrumento sa pagtaya ng natutunan ng mag-aaral at sa paglinang ng kanilang pag-iisip. Dahil dito kailangang masuri ang mga tanong na ginagamit ng guro. Ang mga markahang pagsusulit ang pinagtuunan ng pansin sapagkat malaking papel ang ginagampanan ng mga tanong sa paggawa ng mga pagsusulit. Nilayon ng mananaliksik na anumang bunga ng pag-aaral na ito ay magsilbing gabay, patnubay at inspirasyon sa patuloy na pagpapaunlad ng pagtuturo tungo sa lubusang pagkatuto ng mga mag-aaral. Pangunahing layunin ng pag-aaral na ito na malaman ang antas ng mga tanong ng guro sa mga markahang pagsusulit sa asignaturang Filipino sa tatlong paaralang nasyunal sa Lungsod ng Baguio sa taong aralan 2002-2003. Tinangka ring sagutin ang mga sumusunod na suliranin: 1. Anu-anong antas batay sa pangkabatirang Taksonomiya ni Bloom ang ginamit na mga tanong pampanitikan sa mga markahang pagsusulit? 2. Anu-anong antas batay sa pangkabatirang Taksonomiya ni Bloom ang ginamit na mga tanong pangwika sa mga markahang pagsusulit? 3. Paano nagkakaiba ang mga antas ng tanong pampanitikang ginamit sa tatlong paaralan? 4. Paano nagkakaiba ang mga antas ng mga tanong pangwika na ginamit sa tatlong paaralan? Nangibabaw sa mga pagsusulit sa tatlong paaralan ang antas-kaalaman, antas-komprehensyon, at antas-aplikasyon. 1. Ginamit ang mga antas kaalaman, komprehensyon, aplikasyon at analisis sa mga tanong na pampanitikan sa mga markahang pagsusulit. 2. Ginamit ang mga antas kaalaman, komprehensyon, aplikasyon at analisis sa mga tanong pangwika sa mga markahang pagsusulit. 3. May makabuluhang pagkakaiba ang antas ng mga tanong na ginamit ng mga guro sa tatlong paaralan sa araling pampanitikan. Nagkakaiba ang mga ito sa antas at sa bilang ng mga tanong na ginamit sa mga pagsusulit. 4. May makabuluhang pagkakaiba ang antas n mga tanong na ginamit ng guro sa araling pangwika. Nagkakaiba ang mga ito sa antas at sa bilang ng mga tanong na ginamit sa mga pagsusulit. Mula sa kinalabasan ng pananaliksik na ito, naibigay ang mga sumusunod na kongklusyon: Ang mga guro sa sekondarya sa pampublikong paaralan ay nagbibigay-tuon sa paglinang sa mga kasanayan ng mga mag¬aaral sa mga faktwal na kaalaman, pag-unawa at aplikasyon. Ang mga ito ay sumusukat lamang sa mababang antas ng pag¬iisip. Hindi nabigyang pansin ang mga tanong na lumilinang sa mataas na antas ng pag-iisip tulad ng antas-analisis, antas-sintesis at antas-ebalwasyon. 1. Karamihan sa mga tanong pampanitikang ginamit ng guro sa mga markahang pagsusulit ay sumusukat lamang sa mga kakayahang pangkaalaman, pangkomprehensyon at pang-aplikasyon. Mangilan-ngilan lamang ang mga tanong na nagpahalaga sa kakayahang mag-analisa. 2. Ang antas ng mga tanong pangwikanq qinamit ng guro sa mga markahang pagsusulit ay sumu3ukat lamang sa mga kakayahang pangkaalaman, pangkomprehensyon at pang-aplikasyon. Mangilan-ngilan lamang ang mga tanong na nagpahalaga sa kakayahang mag-analisa. 3. Ang pagkakaiba ng antas ng mga tanong pampanitikang ginamit ng guro sa tatlong paaralan ay makabuluhan. Tinatanggap ang hipotesis na nagsasabing may makabuluhang pagkakaiba ang antas ng tanong sa tatlong paaralan. 4. Makabuluhan ang pagkakaiba ng antas ng mga tanong pangwika na ginamit ng guro sa tatlong paaralan kaya tinatanggap ang hipotesis na may makabuluhang pagkakaiba ang antas ng tanong sa tatlong paaralan. Mula sa pag-aaral, natuklasan ng mananaliksik ang malaking pangangailangang maiangat ang antas ng tanong na ginagamit ng mga guro at ang pangangailangang malinang sa mga guro ang pagkakaroon ng sapat na kaalaman at kasanayan sa pagbuo ng mga tanong. Iminumungkahi ang mga sumusunod: 1. Paggamit ng mga tanong na nasa antas-analisis, antas-sintesis at antas-ebalwasyon ng mga paaralang naging paksa ng pag-aaral, sa paggawa ng mga markahang pagususulit. 2. Pagpapadala ng mga guro sa mababa at mataas na paaralan sa mga seminar/worksyap tungkol sa paggawa ng mga pagsusulit at pamamaraan ng pagtatanong. 3. Na ipatupad ng mga ulongguro ang paggawa ng talahanayan ng Ispesipikasyon bago gurnawa ng pagsusulit nang sa ganoon ay makita kung paano nababahagi nang wasto ang mga tanong. 4. Na ang sining ng pagtatanong at paggawa ng pagsusulit ay gawing isang hiwalay na asignatura sa kurikulum sa kursong edukasyon upang matutukan ang kasanayan sa pagtatanong at paggawa ng pagsusulit. 5. Na magkaroon ng isang komiteng aalalay at mag-aaral ng mga pagsusulit bago ipagamit upang makita ang kahinaan at kahusayan ng mga ito. 6. Ang pagsasagawa ng malawakang pag-aaral tungkol sa sining at pamamaraan ng pagtatanong ng guro, ganoon din sa mga paksang may kinalaman sa mga teacher-made test, antas ng mga tanong na ginagamit ng mga guro sa interaksyong pangklase sa pampribadong paaralang sekondarya at kolehiyo.
Antas ng pokus ng pandiwa sa wikang Aklanon at Filipino : isang pahambing na pagsusuri
(1989-11) Flores, Fermina C.
Ang naging pangunahin layunin ng pananaliksik na ito’y paghambingin ang antas ng pokus ng pandiwa sa dalawang wika-Aklanon at Filipino. Tinangkang masagot ang pagkakatulad ng Filipino at Aklanon sa ugnayang pambalarila ng pandiwa sa paksa ng pangungusapi; and pagkakahawig ng pokus ng pandiwa kung ito’y ginagamit sa pangungusap; and pagkakatulad ng mga panlaping makadiwa at ang paraan ng pagkakabit ng panlaping makadiwa sa Filipino at Aklanon. Gumamit ng pahambing na pagsusuri, mga kaalamang pangliggwistika at mga impormanteng kinapanayam sa pagtalakay ng paksa ang may-akda. Ginawan din ng mga hulwaran o modelong pangungusap na siyang pinagbatayan ng pagtalakay sap ag-alam ng pagkakatulad ng mga panlaping makadiwa, ang paraan ng pagkakabit ng mga panlapi at antas ng pokus ng pandiwa. Natuklasan sap ag-aaral na ito na may pagkakatulad sa paraan ng pagkakabit ng panlaping makadiwa sa salitang ugat; sa ugnayang pambalarila ng pandiwa, sa pokus ng pandiwa sa pangungusap at sa mga panlaping makadiwa sa dalawang wikang nabanggit- Filipino at Aklanon. Iminungkahi na ipagpatuloy pa ang pag-aaral sa suliranon ng pagtuturo ng pokus ng pandiwa para sa paggawa ng naaangkop na kagamitang pampagtuturo. Ang pag-aaral na ito’y gumamit ng pahambing na pagsusuri. Ang kaalamang linggwistika, mga nakalimbag na aklat gaya ng Makabagong Balarilang Filipino nina Santiago, Alfonso at Tiangco, Makabagong balarila ng Filipino ni Teresita Ramos, Linguistics Across Cultures ni Robert Lado, The Four Focus Transformation of Tagalog ni Teodoro Llamzon, at marami pang nakalimbag na aklat panlinggwistika ang ginamit ng mananaliksik sap ag-aaral na ito. Ang mga aklat na nabanggit at iba pa ay matutunghayan sa talaan ng mga sanggunian sa likuran ng aklat na ito. Nakatulong din ang kaalaman ng may-akda sapagkat ito ang kanyang unang wika (Aklanon) at ang kaalaman din ng ilang mga impormante sa pagtatalakay sa paksa. Ang mga impormanteng ito ay kinapanayam ng may-akda sa pamamagitan ng tape recorder at mga kwestyunaryo. Tinalakay at binigyan ng katuturan ang mga salitang ginamit sa pananaliksik at binigyan ng mga halimbawa ang mga salitang-ugat sa Aklanon at Filipino. Binanghay din ang pandiwa sa tatlong aspekto. Binigyan din ng halimbawa sa iba’t ibang antas ng pokus ng pandiwa sa wikang Aklanon at Filipino. Ginamit ng may-akda ang pamraan sa paghahambing ng dalawang istrakturang panggramatika. Ginawan ng aktwal na paghahambing sa dalawang wika- and Aklanon at Filipino, sa pamamagitan ng mga hulwaram o ng pagtalakay sa pag-alam ng pagkakatulad o pagkakapareho ng mg mga panlaping makadiwa, ang paraan ng pagkakabit ng mga panlapi at antas ng pokus ng pandiwa. Pagkatapos ng maingat at masusing pagsasaalang-alang sa mga datos ng pag-aaral, ang mananaliksik ay naglahad ng mga sumusunod na konklusyon: Ang wikang Aklanon at Filipino ay may pagkakatulad, sa anyo, kahulugan, at balangkas ng pangungusap na may pokus ng pandiwa. Ang pagkakatulad ng anyo at kahulugan ay sa pamamagitan ng panlaping makadiwa na ikinabit sa salitang-ugat na pandiwa. Nagkakatulad din sa balangkas ng pangungusap na may pokus ng pandiwa sa pangungusap na may simuno at panaguri. Aang pagkakatulad ng anyo at kahulugan ng panlaping makadiwa ay sa pamamagitan ng pokus ng pandiwa, sa pokus actor, /mag-/, /-um/ at /mang-/, sa pokus sa layon , /i-/ at sa pokus ng kaganapan, /-an/. Ang pagkakatulad ng balangkas ng pangungusap na may pokus ng pandiwa, ay sa pamamagitan ng pokus actor, pokus layon, pokus sa kaganapan, pokus sa kalanaanan, at pokus sa sanhi. Natuklasan din ng may-akda na may panlaping makadiwa na Filipino at Aklanon na may pagkakaiba ng anyo ngunit magkatulad ng kahulugan sa sandalling ikinabit ang mga panlaping ito sa salitang-ugat na pandiwa at ginamit sa pangungusap. Ang mga panlaping Aklanon na may pagkakaiba ng anyo sa Filipino ngunit magkakatulad ng kahulugan ay sa pamamagitan ng pandiwang nasa: una: pokus sa layon, /-in/ na may katumbas na /gin-/ sa Aklanon; ang panlaping /pa-, -an,/ na may katumbas na /pa-, -e/ sa Aklanon; ang panlaping /-han/ na may katumbas na /-nan/ at /-ne/ sa Aklanon. Pangalawa: ang pokus sa ganapan, ang mga panlaping /pa-, -an/ na may katumbas na /-an/ sa Aklanon; ang panlaping /-han/ na may katumabas na /-nan/ at /-ne/ sa Aklanon. Pangatlo: ang pokus sa kalaanan, ang mga panlaping /ipag-/ na may katumbas na /-an/ Sa Aklanonon, at panlaping /i-/ na may katumbas na /-hi/ at /-han/ sa Aklanon, at pang-apat: ang pokus sa sanhi, ang panlaping /ika-/ ay may katumbas na /gin-, -an/ sa Aklanon. Natuklasan din ng may-akda na ang balangkas ng pangungusap sa Filipino na nasa anyong pautos at nagtatglay ng pandiwang kasing-anyo ng pawatas ay may pagkakatulad sa balangkas ng pangungusap sa Aklanon. Ang pagkakatulad sa balangkas ng pangungusap na nasa anyong pautos ay sa pamamagitan ng pandiwa na nasa pokus sa layon, pokus sa ganapan at pokus sa kalaanan. Ang mga natuklasan sap ag-aaral na ito ay iminungkahi na; una: para sa mga mag-aaral na gumagawa ng tesis, dapat ipagpatuloy ang masusing pananaliksik sa unang wika ng mag-aaral, hindi lamang ang wikang Aklanon kundi maging ang iba’t ibang diyaleto ng ating bansa, sapagkat ito ay nakakatulog sa pagpapagaan ng pagtuturo ng wikang Filipino bilang pangalawang wika sa paaralan at sa pagpapalaganap ng wikang ito, bilang wikang Pambansa. Pangalawa: para sa mga guro na nagtuturo sa lalawigang Aklan, upang mapadali ang pagkakatuto ng mag-aaral, gamitin ang nabuong padron o hulwarang pangungusap batay sa isinagawang pag-aaral tungkol sa iba’t ibang pokus ng pandiwa. Pangatlo: para sa mga gurong Aklanon na nagtuturo ng Filipino sa mga pook na di-Tagalog tulad ng Baguio, iminungkahi rin ng may-akda na gamitin ang mga padron o hulwarang pangungusap tungkol sa iba’t ibang pokus ng pandiwa. Pang-apat: para sa lahat ng mga gurong nagtuturo ng Filipino, iminungkahi rin ng may akda na gamitin ang nabuong padron o hulwarang pangungusap tungkol sa iba’t ibang pokus ng pandiwa sapagkat naging mabisa ito sa may-akda sa pagtuturo niya ng iba’t ibang pokus ng pandiwa. Panlima: sa mga dalubwika o linggwistika, iminungkahi ng may-akda na ipagpatuloy ang pagsasaliksik sa Aklanon at iba pang kapatid na diyalekto ng Lalawigang Aklan at iba pang kapait na diyalekto ng Lalawigang Aklan upang matuklasan ang iba pang pagkakatulad nito hindi lamang sa antas ng pokus ng pandiwa kundi maging sa balangkas ng salita at pangungusap. Pang-anim: sa mga naglalayong mag-aral sa antas ng pokus ng pandiwa sa Aklanon, iminungkahi a isama ang pokus na instrumental sa isasagawang pag-aaral at Pampito: para sa mga mag-aaral na gumagawa ng tesis, iminungkahi nap ag-aralan ang mga suliranin sa pagtuturo ng iba’t ibang pokus ng pandiwa upng mabatid ang wastong pamamaraan sa pagtuturo nito at sa pagsasagawa ng naaangkop na mga kagamitang pampagtuturo.
Komparatibong pag-aaral sa kabisaan ng Ingles at Flipino bilang midyum sa pagtuturo ng Araling Panlipunan II
(2012-11) Espinueva, Blesilda Soriano.
Ang ilang dekadang pagpapatupad ng Patakarang Bilinggwal sa Edukasyon ay lubos na nakaapekto sa paghulma ng paggamit ng Ingles at Filipino bilang midyum ng pagtuturo mula noong ipatupad ito. Kung babalikan ang ilang dekadang nakalipas hanggang sa kasalukuyan, mainit na paksa pa rin sa mga diskusyon at pagtatalo kung alin ang mas mabisang wikang panturo sa mga asignatura gaya ng Araling Panlipunan II. Ito ay sumasakop sa mga paksang may kinalaman sa sinaunang kabihasnan ng mga Asyano, heograpiya, pamamahala at kultura. Mahalagang maituro nang maayos ang mga ito dahil ito ang nagmumulat sa mga mag- aaral sa halaga ng pag-aaral ng kasaysayan at nagpapalalim din sa kanilang pag-unawa sa kanilang pagkakakilanlan. Upang maisagawa ito, mahalagang malaman kung sa aling wika mas mabisang ituro ang isang asignatura upang matiyak ang mabisang pagkatuto ng mga mag-aaral. Ang kabisaan ng pagtuturo ay madalas na ibinabatay sa antas ng pagkatuto ng mga mag-aaral. Isa sa mga paraan upang masukat ito ay ang resulta ng mga pagsusulit na ibinibigay ng Kagawaran ng Edukasyon at ng mga guro. Ang resulta ng mga pagsusulit at mga gradong ibinibigay ng guro sa pagtatapos ng bawat markahan ay naiimpluwensyahan ng iba't ibang salik gaya ng wikang ginagamit sa pagtuturo na isa sa mga tiningnan sa pag-aaral na ito. Ang paraan ng pagtuturo ng isang asignatura gamit ang isang wika kasama ang pagsasaalang-alang sa kaalaman at kasanayan ng mag-aaral sa wikang mas pamilyar sa kanya ay nakaaapekto nang malaki sa pagganap ng bawat mag-aaral. Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa antas ng kabisaan ng Ingles at Filipino bilang wikang panturo sa Araling Panlipunan II. Pinagtuunan ng pag-aaral ang pagtuklas ng mga kasagutan sa mga sumusunod na katanungan: 1. Ano ang antas ng pagkatuto sa Araling Panlipunan II ng mga mag-aaral sa mga piling paaralang sekondarya sa Dibisyon ng Baguio ayon sa: a. resulta ng achievement test, b. sariling pag-aantas, at c. grado ng mga mag-aaral? 2. Ano ang pagkakaiba ng antas ng pagkatuto ng mga mag-aaral sa Araling Panlipunan II batay sa resulta ng achievement test, grado, at sariling pag-aantas ayon sa: a. wikang panturo, at b. unang wika ng mga mag-aaral? 3. Ano ang tindi ng mga suliranin ng mga guro sa paggamit ng wikang Ingles at Filipino bilang midyum sa pagtuturo ng Araling Panlipunan II? 4. Ano ang mungkahing programa para sa kalutasan ng mga suliranin sa paggamit ng wikang Ingles at Filipino sa pagtuturo ng Araling Panlipunan II? Pagkatapos ng pagsusuri sa mga datos, lumabas ang mga sumusunod na resulta ng pag-aaral: 1. Katamtaman ang antas ng pagkatuto ng mga mag-aaral sa Araling Panlipunan II batay sa resulta ng National Achievement Test at grado nila sa Araling Panlipunan II ngunit mataas naman kung pagbabatayan ang sariling pag¬aantas ng mga mag-aaral. Makikita na mas marami sa mga mag¬aaral na may bilang na 1,754 a 77% ang may katamtamang masteri batay sa resulta ng NAT. Gayundin, 105 o 43.55% ang nakakuha ng gradong 81-86% na nangangahulugan ng katamtamang antas ng pagkatuto. Samantala, lumabas na ang kabuuang mean ng pagkatuto ng mga mag-aaral batay sa kanilang sariling pag-aantas ay 2.75 na nangangahulugang mataas. 2. May makabuluhang pagkakaiba ang resulta ng National Achievement Test ayon sa wikang panturong ginagamit sa Araling Panlipunan II na pinatunayan ng tabular computed value na 12.240 na mas mataas sa level of significance na 0.000. Samantala, hindi makabuluhan ang pagkakaiba ng antas ng pagkatuto ng mga mag-aaral batay sa kanilang mga grado dahil sa lumabas na tabular computed value na 0.441 na mas mababa kaysa sa level of significance na 0.661. Gayundin, hindi makabuluhan ang pagkakaiba ng antas ng pagkatuto ng mga mag-aaral ayon sa kanilang sariling pag-aantas batay sa lumabas na kabuuang tabular computed value na 0.019 na mas mababa kaysa sa level of significance na 0.985. Samantala, may makabuluhang pagkakaiba ang grado ng mga mag-aaral na ang unang wika ay Filipino at Ingles kung pagbabatayan ang resulta ng post hoc analysis kung saan ang mean difference ay .393 na may significance value na .037 (P<0.05) at masasabing higit na mataas ang antas ng pagkatuto ng mga mag-aaral na Filipino ang unang wika kaysa sa mga mag¬aaral ng Ingles ang unang wika. 3. Matindi ang epekto ng mga suliranin ng mga guro sa kabisaan ng pagtuturo kaugnay ng paggamit ng wikang Ingles at Filipino bilang midyum sa pagtuturo ng Araling Panlipunan II. 1. Hindi pa ganap na natamo ng mga mag-aaral ang mga inaasahang kasanayan o tunguhing dapat nilang matamo sa Araling Panlipunan II. 2. Nakaiimpluwensya ang wikang panturo sa antas ng pagkatuto ng mga mag-aaral sa Araling Panlipunan II samantalang hindi nakaiimpluwensya ang unang wika sa antas ng pagkatuto ng mga mag-aaral sa Araling Panlipunan II. 3. Nakasasagabal ang mga suliranin ng mga guro sa kabisaan ng pagtuturo ng Araling Panlipunan II. 4.Nangangailangan ng programang tutugon sa mga suliranin ng mga guro gamit ang wikang Ingles at Filipino sa pagtuturo ng Araling Panlipunan. Mula sa mga natuklasang resulta at nabuong kongklusyon, iminumungkahi ng mananaliksik ang mga sumusunod: 1.Cross-match na pagsusuri sa mga pangangailangang pampagkatuto (learning needs) ng mga mag-aaral at sa kasalukuyang lapit (approaches) gayundin sa nilalaman ng asignatura upang matukoy kung ang mga ito ay may makabuluhan at tumutugon sa pangangailangang pampagkatuto ng mga mag-aaral. 2. Pagsasagawa ng pagbabalik-aral at modipikasyon sa kasalukuyang silabus o hanay ng mga aralin upang matugunan ang mga pangangailangan at maiakma/maiangkop ito sa kakayahan ng mga mag-aaral. 3.Pagtukoy sa kaligirang pangwika ng mga mag-aaral sa pagsisimula pa lamang ng klase nang sa gayon ay matugunan ang pangangailangan ng mga mag-aaral na bahagi ng klaseng iba-iba ang wikang ginagamit. 4. Paggamit ng wikang pinakapamilyar at pinakamalapit sa pag-unawa ng mga mag-aaral gaya ng unang wika at Filipino. 5.Pagpapalimbag ng higit na marami pang aklat o sangguniang makatutugon sa pangangailangan ng mga guro para sa higit na malawakang pagtalakay at mabisang pagtuturo sa mga mag-aaral. 6. Pagpapatupad ng mungkahing programa para sa kalutasan ng mga suliranin sa paggamit ng wikang Ingles at Filipino sa pagtuturo ng Araling Panlipunan II.
Estilo sa nalikhang tula ng mga kadeteng nasa ikaapat na antas sa Philippine Military Academy.
(2011-04) De Castro, Johnna Jamandron
Ang pananaliksik ay nakatuon sa pagtuklas sa estilo ng paglikha ng tula ng mga kadeteng nasa ikaapat na antas sa Philippine Military Academy, TP 2010-2011, Siklab-diwa class 2014. Iba't iba ang estilo sa nalikhang tula ng bawatmakata, kung kaya't iba't Mang taglay na bisa mayroon ang mga ito. Ang istilo ay nagkakaiba-iba kahit na iisang paksa lamang ang tinatalakay na para bang sumasabay sa pagbabago at paglipas ng panahon. Magkagayunman, kinikilala pa rin ang pagsulat ng tula bilang isang sining na maaaring manlibang, mangaral, manuri o manudyo. Ang mga kadete ay kinabakasan ng kasanayang sumulat ng tula. Pinabubulaanan nito na ang mga militar ay mga robot - manhid at walang pakiramdam. Ang mga kadete ay karaniwan ding nilalang na nakakaramdam ng iba’t ibang damdamin. At ito'y naibubulalas ng mga kadete sa pamamagitan ng pagsulat ng tula. Ang mga tula ay kinabakasan ng pagtutugma, pagtatalinghaga, pagsasagisag at pagtatayutay gamit ang diskors. Ang mga Ito ay kumakatawang estilo na tinangkang tuklasin ng mananaliksik. Naglalayon itong tumugon sa mga sumusunod: 1. Makikilala ang estilong nangingibabaw sa nalikhang tula ng mga kadeteng nasa ikaapat na antas. 2. Matutukoy ang uri ng diskors na nangingibabaw sa nalikhang tula ng mga kadeteng nasa ikaapat na antas sa PMA. 3. Matutukoy ang kaugnayan ng estilo sa antas ng kahusayan sa nalikhang tula ng mga kadeteng nasa ikaapat na antas. 4. Makapagmumungkahi ng mga gawaing pangklase na magiging mabisang panghikayat upang mapaunlad ang estilo sa paglikha ng tula ng mga kadeteng nasa ikaapat na antas. Ang pag-aaral na ito ay nagtangkang matuklasan ang estilo ng paglikha ng tula ng mga kadeteng nasa ikaapat na antas. Ninais ding masagot ang mga tiyak ng suliranin katulad ng mga sumusunod: 1. Ano ang estilong nangingibabaw sa nalikhang tula ng mga kadeteng nasa ikaapat na antas? Haypotesis: Ang kadalasang estilong nangingibabaw sa nalikhang tula ng mga kadeteng nasa ikaapat na antas ay ang paggamit ng pagtutugma. 2. Ano ang uri ng diskors na nangingibabaw sa nalikhang tula ng mga kadeteng nasa ikaapat na antas ng PMA? Haypotesis: Ang uri ng diskors na nangingibabaw sa nalikhang tula ng mga kadeteng nasa ikaapat na antas ay paglalahad. 3.Ano ang kaugnayan ng estilo sa antas ng kahusayan sa nalikhang tula ng mga kadeteng nasa ikaapat na antas? Haypotesis: May makabuluhang kaugnayan ang estilo sa antas ng kahusayan sa paglikha ng tula ng mga kadeteng nasa ikaapat na antas. 4. Anong gawaing pangklase ang mabisang makahihikayat upang mapaunlad ang estilo sa paglikha ng tula ng mga kadeteng nasa ikaapat na antas? Pangunahing ginamit ang pamamaraang deskriptib at korelasyunal upang matuklasan ang estilo ng mga kadete at kaugnayan ng estilo sa antas ng kanilang kahusayan sa paglikha ng tula. Ang mga respondente ay kinatawan ng 50 kadete na sumulat nq tigtatatlong malalayanq tula. Systematic random sampling ang ginamit sa pagpili ng mga respondenteng kabilang sa pag-aaral. Ginamit ang pamamaraang deskriptib sarbey upang matuklasan ang nangingibabaw na estilo at uri ng diskors. Ang pagbabahagdan ay batayan kung ano anq nangingibabaw n d estilo at madalas gamiting uri ng diskors. Ginamit ang pamamaraang korelasyunal upang malaman ang kaugnayan ng estilo sa antas ng kahusayan. Ginamit ang Pearson's R upang masubok ang haypotesis na may makabuluhang kaugnayan ang estilo sa antas ng kahusayan sa paglikha ng tula ng mga kadeteng nasa ikaapat na antas. Ang mga sumusunod ang mga pangunaning natuklasan sa pag-aaral: 1. Iba't ibang estilo ang ginamit ng mga kadete sa kanilang nalikhang tula: a. Nangibabaw ang pagtutugma na sangkap ng kariktan, pumangalawa ang pagtatayutay, pumapangatlo ang larawang diwa at panghuii ang pagsasagisag. b. Sa pagpapakahulugan higit na nagamit ang denotasyon kaysa konotasyon. 2. Pinakagamitin ang paglalahad sa mga nalikhang tula ng mga kadeteng nasa ikaapat na antas, pumangalawa ang pagsasalaysay at panghuli ang paglalarawan. 3. Lumabas sa pagsusuri na ang estilo at antas ng kahusayan sa paglikha ng tula ay may makabuluhang kaugnayan sa bawat isa. Batay sa kinalabasan ng pagsusuri, ang mga sumusunod ay mga nabuong kongklusyon: 1. Ang paglikha ng tula ay isang sining na kababakasan ng pansariling estilo at/o orihinalidad kung kaya't nagkakaiba-iba ang kinalabasang bisa na dapat umayon sa prinsipyo ng kawastuhan sa larangan ng linggwistiks at retorika. 2. May epekto ang pagpasok ng mga makabagong teknolohiya lalo na ng panonood sa telebisyon at paggamit ng kompyuter sa pagkakalantad ng mga kadete na naging sanhi ng malimit na paggamit ng diskors na palahad. 3. Ang kahusayan sa paglikha ng tula ay hindi lamang nakasalalay sa salik ng linggwistiks kundi pagsaalang- alang din sa mga salik na may kaugnayan sa retorika kung saan saklaw nito ang paggamit ng estilo. Batay sa mga natuklasan ng mananaliksik ay nabuo ang mga sumusunod na rekomendasyon upang mapabuti ang kasanayan ng mga kadeteng nasa ikaapat na antas sa paglikha ng tula. 1. Bago tuwirang pasulatin ang mga kadete ng kanilang tula nararapat muna silang magkaroon ng batayang kaalaman sa mga sangkap at estilong patula. 2. Magkaroon ng mga gawaing pang klase na tatalakay sa iba't ibang uri ng diskors tulad ng pagsasalaysay, paglalarawan, paglalahad at pangangatwiran. Bigyan ng mga huwarang akda ang mga kadete sa bawat uri ng diskors bago sila pasulatin upang magkaroon sila ng gabay sa mabisang paglikha ng isang tula. 3. Dapat maging isang hamon sa mga guro sa Filipino ang pagiging mapanlikha, mapamaraan at maalam kung papaano ituturo at hihikayatin ang mga mag-aaral na lumikha ng isang tula. 4. Maging bukas sa makabagong paglikha ng tula tulad ng paggamit ng mga teknolohiya upang higit na malantad, mapabuti at mabihasa ang pagkakasanib ng estilo sa kasanayang sumulat. 5. Iminumungkahi ang isa pang pag-aaral na nakakatulad nito kung saan ang pokus ay sa baryasyon ng estilo sa pagkakalikha ng tula upang mas mabisa at masining ang kalalabasang akdang patula.
Ang apat na dimensiyon sa pagsukat sa binasa sa unang taon ng mataas na paaralan
(1990-04) Cortez, Daisy B.
Binubuo ng pag-aaral na matunghayan ng mga aytem sa pagsubok sa mga literal, paghinuha, mapanuri at paglalapat na dimensiyon sa pagbasa at kaugnay ang pagbibigay ng pagsubok sa mga mag-aaral sa unang taon upang makuha ang kasagutan sa mga sumusunod na tiyak na katanungan: 1. Anu-ano ang mga iskor na nakuha ng mga kalahok na mag-aaral sa kinalabasan na pagsubok sa bawat dimensiyon sa pagbasa? 2. Sa anong dimensiyon pinakamataas ang “mean” ng mga nakuhang iskor sa kinalabasan ng pagsubok? 3. Sa anong dimensiyon pinakamababa anq "mean" ng mga nakuhanq iskor sa kinalabasn nq pagsubok? Kinuha ang mqa seleksyong ginamit bilang lunsaran sa mga aklat na ginamit sa unang taon ng mga mag-aaral sa Baguio Colleges Foundation sa ilalim ng SEDP. Doon na rin isinagawa ang "dry-run" ng pagsubok a 60 na mag-aaral sa unang taon at ang nakuhanq average na oras sa pagsubok ay dalawang oras. Isinagawa ang test-retest sa 290 na mag-aaral sa unang taon ng Mataas na Paaralan ng Lungsod ng Baguio. Sa pamamaraang index of difficulty at index of discrimination, lumabas na 25 na aytem ang rejek - 17 na bahagdan - ng 147 na aytem. Upang mapantay ang dami ng mga aytem, ginawang 100 na aytem tig-25 na aytem 5a bawat dimensiyon. Sa pagsusuri ng kinalabasan ng unang pagsubok at mulinq pagsubok, napag-alamang pinakamataas ang "mean" ng mqa iskor sa literal na dimensiyon at pinakamababa ang "mean" ng mqa iskor sa mapanuri ng dimensiyon. Gumamit ng surbey sa larangan ng deskriptibong pananaliksik. Upang maipatupad ang pamamaraan, bumuo ng pagsubok sa literal, panghinuha, mapanuri at paglalapat na dimensiyon. Gumamit ng unang pagsubok, muling pagsubok at sa pagbabalido ng mga aytem sa unang pagsubok, ginamit ang instrumentong istatistikal sa aklat ni Robert Ebel sa pagkuha ng indices of difficulty and discrimination. Ginamit ang Pearson 's product - moment coefficient sa una at muling pagsubok. "Mean" ang qinamit sa mga iskor at ginamit ang percentile sa pagpapakahulugan ng mga nakuhang iskor. Kinuha ang bilang ng sampling sa pamamagitan ng pagtiyak sa kasapatan ng bilang ng mga mag-aaral sa pangkalahatang 1,030. Lumabas na 288 ang kinakailangang bilang ng mga mag-aaral sa naturang populasyon at ang pitong seksiyon ay may kabuuang 290 na mag-aaral. Sa pangkalahatan, pinakamarami anq mga aytem na ideyal (76 na aytem), na aytem anq tinatanggap ngunit mahirap. Sa 147 na aytem sa kabuuan, 25 aytem ang rejek. Sa 40 na aytem sa literal na dimensiyon, 13 na aytem ang rejek, anim (6) na aytem ang tinatanggap ngunit madali, isang aytem ang tinatanggap ngunit mahirap at 20 aytem ang ideyal. May 39 na aytem ang paghinuhang dimensiyon, 21 na aytem ang ideyal, 13 na aytem ang tinatanggap ngunit madali, isang (1) aytem antinatanggap ngunit mahirap at apat (4) na aytem ang rejek. May 738 na aytem ang mapanuring dimensiyon, 24 na aytem anq ideyal, anim (6) na aytem anq tinatanggap ngunit madali, apat. (4) anc tinatanggap ngunit manirap at apat (4) na aytem anq rejek. Sa paglalapat na dimensiyon ay lumabas na 11 na aytem anq ideyal at 11 na aytem ang tinatanggap bagamat madali habang apat (4) na aytem anq tinatanggap bagamat mahirap. May apat (4) na aytem ang rejek. Ginanap ang “dry-run” sa mga mag-aaral ng unang taon sa Mataas na Paaralan ng Baguio Colleges Foundation noong Disyembre 5, 1989 sa pamamagitan ng random sampling. Isinagawa ang pagsubok sa Mataas na Paaralan ng Lungsod ng Baguio sa pito (7) na seksiyon na may 290 na mag-aaral. Iniwasto ang mga talasagutan ng mga mag-aaral. Kinuha ang mga indeces of difficulty and discrimination at lumabas na 25 aytem ang rejek. Ibinigay anq muling pagsubok noong Enero 5, 1990 at iniwasto naman ang alga talasagutan ng mga mag-aaral. Kinuha ang co-efficient ng pagsubok - muling pagsubok. Muling sinuri ang pagsubok upang masagot ang mga katanungan sa pananaliksik. Pinakamataas na nakuhang iskor ng mga mag-aaraql ang 25 at ang pinakamababang iskor ay apat (4) sa literal na dimensiyon. Pinakamataas ang iskor na 24 sa paghinuhang dimensiyon at ang pinakambabang iskor ay dalawa (2) ganoon din sa mapanuring dimensiyon. Sa paglalapat na dimensiyon, pinakamataas na iskor ang 24 at ang pinakamababa ay apat (4). Batay sa kinalabasan ng pagsusuri, ang literal na dimensiyon ang pinakamataas na "mean" 14.93 ng mga iskor na nakuha ng mga mag-aaral at ang mapanuring dimensiyon ang may pinakamababang "mean" ng mga nakuhang iskor (12.59). Napakahalaga ang paqkakaroon nq pagtataya sa mga kagamitanq ipinababasa sa mga mag-aaral. Kailangang nakalilinang sa kaiSipan ng mqa mag-aaral ang mqa kagamitan. Napakahalaga rin ang pagkakaroon ng mga instrumento para sa pagsukat nq kakayahan ng mqa bata sa larangan ng pag-unawa sa binasa. Isang pangangailangan din ang pagpapadala ng mga guro sa mga seminar/workshop na may kinalaman sa programang pagbasa upanq malaman ang mga bagong palakad at matatalakay o mabigyanq kalutasan ang mga suliranin Ba pagtuturo nang sa gayon sama-samanq mapalaganap ang mqa bagong pal akad o pagbabago sa mga pamamaraan ng pagtuturo. Tungkulin ng mga gurong magpakabihasa sa pagtatanong upang mapalabas ang kritikal at mapanuring kaisipan ng mga mag-aaral sa kanilang binasa. Napakainam na bigyan ng sapat na panahon ang binasang seleksyon upang matalakay at mapag-usapang masinsinan ang binasa. Nararapat ding itugma ang mga kagamitan sa mga mag-aaral sa kanilang karanasan, kapaligiran at kaugalian upang sa gayon magiging kapaki-pakinabang at makahulugan ang pagbasa. Sa ganitong sitwasyon, mabigyan din ng kahalagahan ang binasa. Bilang panghuli, hindi rin maitatatwa anq kasahulan ng mga kagamitang pampagturo at pananaliksik sa larangan ng wikang Filipino at isang paghamon sa mga nagpapakadalubhasa sa wikang nabanggit ang pagkakaroon ng mga kagamitan lalo na sa mga maraming bahagi ng ating kapuluang pangalawang wika ang Filipino. Kailangan din ng mga administrador ang mga pag-aaral at mga surbey, mga pag-aaral na comparatibo at pagbuo ng mga kagamitan para sa "remedial reading". Matutulungan ang mga batang mahihina sa wikang Filipino at mapapayaman ang kanilang talasalitaan upang makasabay sa mga pagbabago sa larangan ng ating edukasyon na sa ngayon ay patungo na sa malawakang paggamit ng wikang Filipino anumang antas ng pag-aaral. Makakatulong ang mga pag-aara, pananaliksik at pagbuo ng mga kagamitang pampagturo at ganoon din sa "remedial reading" upang magkaroon ng katuparan ang mga isinasaan ng bagong plakad sa paggamit ng wikang Filipino sa makabagong edukasyon ng sambayang Filipino.