Master of Arts in Education major in Filipino

Permanent URI for this collectionhttps://dspace.uc-bcf.edu.ph/handle/123456789/119

Browse

Search Results

Now showing 1 - 10 of 12
  • Item
    Isang pagsusuri sa bisang pangkaisipan at pangkaasalan ng Florante at Laura ni Francisco Balagtas
    (1984-03) Ramos, Florentina D.
    Ang pag-aaral na ito ay naglalayong tumulong sa paagsasakatuparan sa mga hangarin ng kabansang Pilipino, hinggil sa ating pambansang tunguhing nauukol sa pagpapaunlad at pagpapalakas sa pambansang kamalayan sa pamamagitan ng pagsusuri at pagpapakahulugan sa mga bisang pangkaisipan at pangkaasalang nakapaloob sa Florante at Laua ni Francisco Balagtas. Naglalayong sagutin sa pag-aaral na ito ang mga sumusunod na katanungan: 1. Anu-ano ang mga mahahalagang kaisipang inilahad sa Florante at Laura? 2. Paano mapapangkat-pangkat ang mga kaisipang ito? Paano mabibigyang-kahulugan ang mga ito upang higit na malinawan at maunawaan ng mga mag-aaral?
  • Item
    Mga epekto ng saloobin ng mga edukador at mga mag-aaral sa Filipino : debelopmental na modelo
    (2004-05) Mendoza, Rosemarie Rivera,
    Sinasabi ng mga Pilipinong pro-Ingles na mas mabuti ang Ingles kaysa sa ating wikang pambansa ang Filipino¬bilang wikang panturo sapagkat ayon sa kanila, ang Ingles ay "susi sa mundo ng karunungan na higit na mas malawak kaysa sa maaasahang makamtan ng wikang Filipino." Dagdag pa nila, "na sa kasalukuyan at darating na panahon, hindi mabubuksan ng wikang Filipino sa ating mamamayan ang malawak na mundo ng karunungan na kailangan upang mabuhay sa isang moderno, komplikado at sayantipikong lipunan." Ang pinakagrabeng problema ng ating wikang pambansa bilang wikang panturo ay ang mali at negatibong atityud ng mga aura, magulang at mag-aaral sa paggamit ng ating wikang pambansa sa pagtuturo at pag-aaral. Bunsod ng katotohanang ito, isinagawa ang pag-aaral upang makapag-ambag ng epektibong paraan hinggil sa pagtanggap sa wikang Filipino bilang asignatura at wikang panturo. Hangarin ng pag-aaral na ito na tuklasin ang mga epekto ng saloobin ng mga edukador at mga mag-aaral sa DMMMSU-MLUC sa Filipino. Sa pag-aaral na ito, ang mga sumusunod na mga katanungan ay binigyan ng kasagutan. 1. Anu-ano ang saloobin ng mqa edukador sa mqa sumusunod na aspekto: a. sa pagtanggap sa pagtuturo ng Filipino; b. mga problemang natagpuan ng mga edukador sa pagtuturo ng Filipino; c. sa mga hakbang na panlunas sa mga problemang natagpuan ng mga edukador sa pagtuturo ng Filipino; at d. sa mga pangganyak na makapagbibigay-sigla sa mga edukador upang maging mahusay at mabisa ang pagtuturo sa Filipino? 2. Ano ang pagkakaiba ng saloobin ng mga edukador sa Filipino ayon sa sumusunod na salik personal? a. kahandaang pampropesyonal b. gulang c. haba ng karanasan sa pagtuturo 3. Ano ang pagkakaiba ng saloobin ng mga mag-aaral sa Filipino ayon sa sumusunod na baryabol? a. kasarian b. kolehiyong kinabibilangan c. unang wika 4. Anu-ano ang mga epekto ng saloobin ng mga edukador at mga mag-aaral sa Filipino? Ang pagsasaliksik ay nakapokus sa DMMMSU - MLUC, Lungsod ng San Fernando, La Union, isang pampublikong mas mataas na edukasyonal na institusyon na may iba't ibang kursong teknikal tulad ng Technology, Engineering, Technical Education, at Information Technology. Gayundin, ang kursonq di-teknikal tulad ng Arts and Management at Midwifery. Ang pag-aaral ay sumasaklaw ng 13 edukador at 298 na mag-aaral mula sa anim na iba't ibang kolehiyo para sa panuruang taon 2003-2004. Ang paraang ginamit ng mananaliksik sa pag-aaral na ito ay ang palarawang pagsusuri (descriptive survey). Sa pag-aaral na ito, ang talatanungan ang ginamit na instrumento sa pagkalap ng mga datos. Upang makamit ang layunin ng pagsasaliksik, ang mga sumusunod na pagsusuring istatistikal ang ginamit: t-test, frequency count, at weighted mean. 1. Saloobin ng mga edukador a. Lubusang sumasang-ayon ang mga edukador na mahalaga ang asignaturang Filipino at kailangang ituro ang Filipino sapagkat ito'y wikang pambansa. b. Bahagyang sumasang-ayon ang mga edukador sa mga problemang natagpuan sa pagtuturo gaya nq pagbibigay ng pangganyak sa Filipino; paapapadali ng pagkatuto at pagpapanatili ng interes ng mga mag-aaral; at sa pagpapabatid ng aralin sa Filipino nang maliwanag at wasto. c. Lubasang sumasang-ayon ang mga edukador sa mga hakbang na panlunas sa mga problemang natagpuan sa pagtuturo ng Filipino katulad ng pagdalo sa mga gawaing oang-edukasyon sa pariahon ng paglilingkod; pagbibigay-alam sa kinauukulan hinggil sa kakulangan ng kagamitan sa pagtuturo; at pagtutustos ng sapat na kopya ng mga aklat-sanggunian. d. Lubusang sumasang-ayon ang mga edukador sa mga pangganyak na makapagbibigay-sigla sa bahagi ng pagbibigay ng iskolarsip sa Filipino; pagdaraos ng palatuntunang pampanitikan; at paglalaan ng sapat na aklat-sanggunian na mga pangganyak na makapagbibigay-sigla upang maging mahusay at mabisa ang pagtuturo sa Filipino. 2. Pagkakaiba ng Saloobin ng mga Edukador Walang kinalaman ang kahandaang pampropesyonal, gulang, at haba ng karanasan sa pagtuturo ng mga edukador sa saloobin sa pagtanggap; sa mga problemang natagpuan sa pagtuturo ng Filipino; sa mga hakbang na panlunas sa mga problemang natagpuan; at sa mga pangganyak na makapagbibigay-sigla sa mga edukador upang maging mahusay at mabisa sa pagtuturo ng Filipino. Lumabas na mataas man o mababa ang tinapos na pag-aaral; nakatatanda man o nakababata; at mas matagal man o baguhan pa lamang sa pagtuturo ay pareho ang saloobin ng mga edukador sa mga nabanggit na aspeto. 3. Pagkakaiba ng Saloobin ng mga Mag-aaral Ang mga baryabol na kasarian, kolehiyong kinabibilangan at unang wika ay walang kapansin-pansing pagkakaiba sa saloobin ng mga mag-aaral. Lumabas na, ang mga mag-aaral na lalaki o babae na kumukuha ng kursong teknikal o di-teknikal anuman ang unang wikang kinagisnan Ilocano o Tagalog - ay sumasang-ayon na madaling maunawaan ang aralin sa Filipino; higit na magiging masigla kung Filipino ang wikang panturo at magiging kawili-wili ang pag-aaral. 4. Epekto ng saloobin Napag-alaman sa pag-aaral na lubusang sumasang¬ayon ang mga edukador at mag-aaral sa Filipino hinggil sa epekto ng saloobin na ang kahalagahan nq asignaturang Filipino sa kasalukuyang kurikulum at nakatutulong ang Filipino sa pagpapalawak ng kaalaman, kasanayan at: kakayahan ng bawat indibidwal. Hatay sa kinalabasan ng pag-aaral nabuo ang mga sumusunod na konklusyon: 1. Saloobin ng mga edukador a. Lubusang tinatanggap ng mga edukador ang Filipino bilang wikang panturo. b. Hindi dapat ipagwalang-bahala ng mga edukador at administrasyon ang mga problemang natagpuan sa pagtuturo. c. Ang pakikipag-ugnayan ng mga edukador sa administrasyon ay makatutulong na maisakatuparan ang mga hakbang panlunas sa mga problemang natagpuan sa pagtuturo d. Pinakamabuting pangganyak ang pagbibigay ng administrasyon sa mga edukador ng pagkakataon na mapagkalooban ng iskolarsip. 2. Hindi naaapektuhan ng kahandaang pampropesyonal, gulang, at haba ng karanasan sa pagtuturo ng mga edukador ang saloobin sa pagtanggap sa pagtuturo. 3. Hindi naiimpluwehsiyahan ng kasarian, kolehiyong kinabibilangan at unang wika ang saloobin ng mga mag-aaral sa Filipino. 4. Ang positibong epekto sa saloobin ng mga edukador at mga mag-aaral sa Filipino ay mahalagang mapanatili sa sistema ng institusyon. Ayon sa mga nabanggit na pagtalakay, ang mqa sumusunod ay iminungkahi: 1. Mapagtuunan ng pansin na pamunuan ng paaraalan ang mga problemang natagpuan ng mga edukador sa pagtuturo ng Filipino upang makamit ang mas mataas na antas ng pagtuturo. 2. Ang salik personal na kahandaang pampropesyonal ng edukador ay kinakailangang lalo pang palakasin sa pamamagitan ng paglalaan ng mga programang makatutulong sa pagpapakadalubhasa na may kaugnayan sa wika. 3. Nararapat na pag-ibayuhin and pagtangkilik sa wikang Filipino upang makatugon sa mas mahusay na pagkatuto at pagpapahalaga sa Filipino sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga gawaing pampaaralan. 4. Ayon sa lumalabas sa epekto ng saloobin ng mga edukador at mga mag-aaral kinakailangan pag-ibayuhin at panatilihin ng administrador na makapagtaguyod nang mas mabuting resulta sa larangan ng pagtuturo at pagkakatuto. 5. Kinakailangan ang dagliang pagsasakatuparan ng ginawang Debelopmental na Modelo sa Filipino upang matugunan ang pagpapalaganap ng paggamit ng Filipino bilang wika ng akademya.
  • Item
    Isang paghahambing ng kakayahan sa pag-unawa sa pakikinig sa Ingles at Filipino ng mga batang di-tagalog sa ikatlong baitang
    (1989-02) Lamaton, Carmelita B.,
    Ang paghahambing ng kakayahan sa pag-unawa sa pakikinig sa Ingel at Filipino ng mga batang di-Tagalog sa ikatlong baitang ang pinag-ukulan ng pag-aaral. Naglalayong paghambingin ang kakayahan ng mga batang mag-aaral sa ikatlong baitang sa mga kuwentong inilahat sa Ingles at Filipino. Natuklasan sa pag-aaral na ang mga batang di-Tagalog ay nakauunawa sa dalawang wika (Filipino at Ingles) ngunit highit ang pag-unagawa nila sa wikang Filipino. Napag-alaman ding walang makabuluhang pagkakaiba ang kakayahan sa pag-unawa sa pakikinig ng mga lalaki at babaeng mag-aaral. Natuklasan sa pag-aaral na ito na may makabuluhang pagkakaiba ang pag-unawa sa pakikinig ng mga mag-aaral na di-Tagalog sa dalawang wika ayon sa kung sino ang tagapagsalaysay. Ang kinalabasan ng pag-aaral na ito, na higit and pag-unawa ng mga di-Tagalog na mag-aaral sa Filipino kaysa sa Inglesm ay tumutugma sa itinadhana ng Kautusang Pangkagawaran Blg. 25, s. 1974, na ang mga mga asignatura tulad ng Araling Panlipunan, Sining ng Komunikasyon, Sining at Musika, gayon din ang aralin sa Pagpapalakas ng Katawan ay nararapat ituro sa wikang Filipino. Higit na maraming sandali ang ginugugol ng mga mag-aaral sa pakikinig sa guro na ang ginagamit ay wikang Filipino. Sa mga kinalabasan ng pagtutuos na t, masasabing hindi sagabal ang kasarian kung pag-uusapan ang kakayahan sa pag-unawa sa pakikinig ng mga batang di-Tagalog. Mapupunang higit na mataas ang 'mean" sa salaysay ng bata kaysa sa salaysay ng matanda. Tumutugma ito sa pagtutuos na may kinalaman sa wika na higit ang pag-unawa ng mga mag-aaral sa batang nagsalaysay sa wikang Filipino kaysa sa nagsalaysay na matanda sa gayon ding wika. Pumili ang mag-aaral dalawang kuwentong angkop sa ikatlong baitang. Pawang pang-ikatlong baitang ang mga aklat na pinagkunan na hindi ginagamit bilang batayan ngunit mga sangguniang akiat lamang. Isinaayos ang mga kuwentu upang mapadali ang pag-unawa sa mga ito. Pumili ang mag-aaral ng isang guro at isang batang nasa ikatlong baitang na mahusay bumasa nang pabigkas sa Filipino at Ingles na siyang pinagsalaysay sa teyp rekorder. Pagkatapos mapakinggan ang naiteyp na mga kuwento, bumuo ng pagsusulit ang mag-aaral na siyang ginawang batayan kung hanggang saan ang kasanayan ng mga bata sa pag-unawa sa pakikinig sa dalawang wika. Uring pamilian ang angkop na pagsubok sa kakayahan ng mga bata sa pakikinig sa pagbasa. Ang pagsubok na binubuo ng 15 aytem ay unang ibinigay sa animnapung mag-aaral na nasa ikatlong baitang ng SLU Elementary Laboratory School sa kapahintulutan ng punungguro. Pagkatapos maibigay ang pagsubok at maiwasto ang mga papel. sinuri ng mananaliksik ang bawat aytem upang matiyak ang kahirapan ng aytem at ang indeks ng pagtatangi-tangi. Apatnapung bata ang pinili sa ikalawang pangkat na pawang nagsisipag-aral sa Paaralang Elementaryang Quezon na bibubuo ng dalawampung babae at dalawampung lalaki. Pagkatapos nito, iwinasto ng mag¬aaral ang papel ng mga bata at dito ibinatay ng mag-aaral kung sinu-sino ang mga batang isinali sa pag-aaral. Ganito ring bilang ng mag-aaral ang kinuha sa U.B. Elementary Laboratory School. Sa labinlimang aytem na ibinigay sa unang pagsubok, sampu ang itinira para sa pangwakas na pagsubok. Upang matiyak ang kabisaan ng sampung aytem na ibinigay sa 120 kalahok, binigyan silang muli ng gayunding pagsubok ngunit gumamit ang mananaliksik ng uring tama o mali. Ito’y ginawa upang matuklasan kung may panghuhulang naganap sa unang pagsubok. Bawat set ng mga sagot sa tatlong paaralan ay ginawan ng kaukulang pagtutuos at pagpapakahulugan. Ang bawat paghahambing ay ginawan ng kaukulang pagtutuos. Ginamit ang pagsusulit na t para sa magkaugnay na kalahok sa paghahambing ng kasanayan sa wika at sa kinalabasan ng pagsubok ayon sa tagapagsalaysay. Ang t-test ay binigyan ng kaukulang pagpapakahulugan sa pamamagitan ng paghahambing ng tinuos na t sa nakatalang t sa antas .05 ng pagiging makabuluhan. Pinili ang .05 na antas dahil ito ang katamtamang antas na nababagay sa ginawang paghahambing. Ayon sa kinalabasan ng pag-aaral, masasabing ang paggamit ng teyp rekorder ay malaking tulong sa pagtuturo. Hindi mahihirapan ang isang guro sa kanyang pagtuturo kung siya’y gagamit ng teyp rekorder paminsan-minsan. Natuklasan din ng mag-aaral na kasiya-siya ang disiplina ng mga bata kung magkakaroon ng ganitong uri ng pagtuturo. Napag-alaman na pantay ang pag-unawa ng mga babae at lalaki sa dalawang wika. Natuklasan ding higit ang pag¬unawa ng mga batang di-Tagalog sa wikang Filipino kaysa sa wikang Ingles. Nalaman ding higit ang pag-unawa ng mga batang di-Tagalog kalahok batang tagapagsalaysay kaysa sa matandang tagapagsalaysay. Talagang madali ang pag-unawa sa isang kasing-gulang anumang wika ang gamitin. Batay sa kinalabasan ng pag-aaral iminumungkahi ng mag-aaral na dapat ding bigyan ng pagkakataong makapag-salaysay ang mga bata dahil sa higit na nauunawaan ng mga bata ang salaysay ng kapwa bata. Dapat ding magkaroon ng paghahambing ng pag-unawa sa pakikinig at pagbasa ng mga mag-aaral sa ibait-ibang baitang. Magkaroon din ng tiyak na layunin kapag nakikinig sa isang salaysay sapagkat higit na nauunawaan ng mga bata ang babasahin kapag may tiyak na layunin. Dapat ding magkaroon ng higit pang mabisa at makabuluhang palatuntunan rig pag-unawa sa pakikinig sa paaralan. Dapat din nating isaisip na dahil sa ang mga batang di-Tagalog ay may higit na pag-unawa sa wikang Filipino, ang mga guro ay dapat bigyang-diin ang kasanayan sa pakikinig sa ingles dahil sa ito ay pangalawang wika rin ng mga mag-aaral tulad ng Filipino.
  • Item
    Tatlong mukha ng ina sa mga nobela ni Lualhati Bautista
    (2003-03) Garcia, Ma. Flora May Adaoag
    Ina, maliban kina Adan at Eba, bawat isa sa atin ay mayroon nito. Ibinigay sa ina ang taguring pinakaimportanteng babae sa buhay ng bawat tao. Sa inang ito nakasalalay ang buhay at ang bukas ng bawat anak na nailuluwal niya. Kung ang buhay na iniluwal ng ina ay nagtagumpay, utang ito sa ina, ngunit kung ang buhay na ito ay napariwara, ito ay dahil pa rin sa kanya. Ang pag-aaral na ito ay naglayong ilarawan ang tatlong mukha ng ina sa mga nobela ni Lualhati Bautista, si Dolores sa Gapo, si Amanda sa Dekada '70 at si Lea sa Bata, Bata Pa`no Ka Ginawa. Layunin ng pananaliksik na ito na bigyan ng katugunan ang mga sumusunod na tiyak na suliranin: 1. Sa tatlong nobela, anu-ano ang mga katangian ng ina bilang: a. asawa b. ina? 2. Sa anu-anong katangian nagkakatulad at/o nagkakaiba ang tatlong tauhan bilang a. asawa b. ina 3. Anu-anong mga katangian ang dapat taglayin ng isang ina ayon sa pamantayan ng nakararami? Taglay ba ng tatlong pangunahing ina ang mga katangiang Ito? Batay sa pag-aaral na isinagawa, bawat isa sa mga pangunahing ina sa mga nobela ni Lualhati Bautista ay nagsiganap ng dalawang tungkuling ibinigay sa kanila ng lipunan: bilang asawa at bilang ina- Ang mga inang ito ay nagkakaiba sa katangian bilang asawa dahil sila'y tumugon sa kalagayan nila bilang asawa. Subalit bilang ina, nagkakatulad sila kung ang pag-uusapan ay ang kanilang pagmamahal, pagkalinga at pagsuporta sa mga anak. Mula sa kinalabasan ng pag-aaral ay nabuo ang mga sumusunod na kongklusyon. Ang isang ina ay laging may dalawang tungkuling inaasahang gagampanan niya: una, ang kanyang pagiging asawa at pangalawa, ang kanyang pagiging ina. Mga Katangian ng Ina Bilang Asawa 1. May paghahangad na maging malaya sa kanyang desisyon. 2. Siya ay may hangaring magkaroon ng silbi sa kanyang sarili hindi lang yaong pagiging ina at asawa. 3. Nakikibahagi sa mas malaking lipunan. Mga Katangian ng Ina bilang Ina. Ang mga katangian ng ina bilang ina ay magluwal ng sanggol, bumuhay at mag-aruga, kumalinga, punong-abala sa mga gawaing ang sangkot ay mga anak, doktor, nars, guro, ingatyaman, tagahubog, kalaro, at kumpidante ng anak, kahati sa tagumpay, hirap at ginhawa,tagapagpagaan ng damdamin at buhay ng anak, lubusang nakakakilala sa anak, nakadarama at nakararamdam sa anumang nangyayari sa anak, at tagapagtanggol ng anak. Pagkakatulad at Pagkakaiba ng Tatlong Pangunahing Tauhan bilang Asawa 1. Ang bawat tauhan ay nagtataglay ng magkakaibang katangian bilang asawa dahil sa pagkakaiba-iba ng kalagayan nila bilang asawa. 2. Samantalang sina Lea at Dolores ay kapwa naghangad na manatili sa piling ng kani-kanilang asawa, si Amanda ay nagnais namang humiwalay nang tuluyan sa piling ng asawa. Pagkakatulad at Pagkakaiba ng tatlong pangunahing tauhan bilang Ina 1. Nagkakatulad ang tatlong ina bilang ina sa pagbibigay-halaga sa kani-kanilang mga anak. 2. Nagkakaiba sila sa paraan ng pagpapalaki sa kani-kanilang supling. Mga Katangiang dapat Taglayin ng isang Ina ayon sa pamantayan ng nakararami? Taglay ba ng tatlong pangunahing tauhang ina ang mga katangiang ito? Ang mga katangiang dapat taglayin ng isang ina ayon sa pamantayan ng nakararami ay ang mga sumusunod: Manganak, Magpasuso o magpakain, Magkaroon ng pisikal na ugnayan sa anak, Laging nandiyan para sa anak, Protektahan ang anak sa anumang sakit at kahirapan, Tagaturo at tagapayo ng anak, Nangangalaga sa lahat ng gawaing sangkot ang anak, May bukas na komunikasyon, Pinahahalagahan ang sarili, Tumatayong ama pag wala na ang ama, Matatag sa kabila ng pagsubok, Ina, hindi lang sa anak, kundi ina para sa iba. Tinataglay ng mga inang ito ang mga katangiang itinuturing na pamantayan ng nakararami, maliban sa katangiang pagkakaruon ng dangal, na mula sa pananaw ng mananaliksik ay di taglay ni Lea. Batay sa kinalabasan ng pag-aaral na ito, inihahanay ng mananaliksik ang mga sumusunod na mungkahi at tagubilin. 1. Magkaroon ng pagkakataon ang bawat mag-aaral sa elementarya at sekondarya na magbasa ng mga akdang tumatalakay sa ina upang higit nilang mapahalagahan at lubusang makilala ang kanilang mga ina. 2. Mabigyan ang mga mag-aaral ng pagkakataong magbasa ng mga nobela kahit ang mga ito ay mahahabang akda. 3. Mapahalagahan ang mga kontemporaryong nobela katulad ng pagpapahalaga sa mga sinaunang nobela. 4. Mabigyan din ng pagkakataon ang mga mag-aaral na makabasa at makasuri ng mga akdang tumatalakay sa kamalayang panlipunan upang higit silang makaangkop sa kanilang kapaligiran. 5. Na malaman ng bawat babaeng papasok sa pag-aasawa na ito ay hindi isang simpleng kasiyahan lamang, manapa ay malamang kaakibat ng pag-aasawa ang mabigat na tungkulin ng pagbuo ng pamilya. 6. Mabigyan ng pagkakataon ang mga babaeng mag-aaral na makapagbasa at makapagsuri ng mga akdang tumatalakay sa pagiging asawa at ina upang malaman nila ang naghihintay na responsibilidad kapag sila ay nagdesisyong pasukin ang pag-aasawa. 7. Na ang bawat babae ay huwag makuntentong maging pambahay na lang; kunin nila lahat ang mga oportunidad na inihahain sa kanila upang mapaunlad ang sarili. 8. Mabigyan din ng pagkakataon ang mga nagsisimulang manunulat na lumikha ng iba't ibang akdang magsisilbing inspirasyon sa iba tulad ng mga nobela ni Lualhati Bautista.
  • Item
    Antas ng mga tanong sa markahang pagsusulit sa mataas na paaralang nasyonal ng Lungsod ng Baguio
    (2004-02) Guilanda, Myla Gabriel,
    Ang pagtatanong ay napakahalagang gawaing pangwika ng isang guro. Malaki ang naitutulong ng pagtatanong upang mapabuti ang proseso ng pagtuturo at pagkatuto. Isa ito sa mga instrumento sa pagtaya ng natutunan ng mag-aaral at sa paglinang ng kanilang pag-iisip. Dahil dito kailangang masuri ang mga tanong na ginagamit ng guro. Ang mga markahang pagsusulit ang pinagtuunan ng pansin sapagkat malaking papel ang ginagampanan ng mga tanong sa paggawa ng mga pagsusulit. Nilayon ng mananaliksik na anumang bunga ng pag-aaral na ito ay magsilbing gabay, patnubay at inspirasyon sa patuloy na pagpapaunlad ng pagtuturo tungo sa lubusang pagkatuto ng mga mag-aaral. Pangunahing layunin ng pag-aaral na ito na malaman ang antas ng mga tanong ng guro sa mga markahang pagsusulit sa asignaturang Filipino sa tatlong paaralang nasyunal sa Lungsod ng Baguio sa taong aralan 2002-2003. Tinangka ring sagutin ang mga sumusunod na suliranin: 1. Anu-anong antas batay sa pangkabatirang Taksonomiya ni Bloom ang ginamit na mga tanong pampanitikan sa mga markahang pagsusulit? 2. Anu-anong antas batay sa pangkabatirang Taksonomiya ni Bloom ang ginamit na mga tanong pangwika sa mga markahang pagsusulit? 3. Paano nagkakaiba ang mga antas ng tanong pampanitikang ginamit sa tatlong paaralan? 4. Paano nagkakaiba ang mga antas ng mga tanong pangwika na ginamit sa tatlong paaralan? Nangibabaw sa mga pagsusulit sa tatlong paaralan ang antas-kaalaman, antas-komprehensyon, at antas-aplikasyon. 1. Ginamit ang mga antas kaalaman, komprehensyon, aplikasyon at analisis sa mga tanong na pampanitikan sa mga markahang pagsusulit. 2. Ginamit ang mga antas kaalaman, komprehensyon, aplikasyon at analisis sa mga tanong pangwika sa mga markahang pagsusulit. 3. May makabuluhang pagkakaiba ang antas ng mga tanong na ginamit ng mga guro sa tatlong paaralan sa araling pampanitikan. Nagkakaiba ang mga ito sa antas at sa bilang ng mga tanong na ginamit sa mga pagsusulit. 4. May makabuluhang pagkakaiba ang antas n mga tanong na ginamit ng guro sa araling pangwika. Nagkakaiba ang mga ito sa antas at sa bilang ng mga tanong na ginamit sa mga pagsusulit. Mula sa kinalabasan ng pananaliksik na ito, naibigay ang mga sumusunod na kongklusyon: Ang mga guro sa sekondarya sa pampublikong paaralan ay nagbibigay-tuon sa paglinang sa mga kasanayan ng mga mag¬aaral sa mga faktwal na kaalaman, pag-unawa at aplikasyon. Ang mga ito ay sumusukat lamang sa mababang antas ng pag¬iisip. Hindi nabigyang pansin ang mga tanong na lumilinang sa mataas na antas ng pag-iisip tulad ng antas-analisis, antas-sintesis at antas-ebalwasyon. 1. Karamihan sa mga tanong pampanitikang ginamit ng guro sa mga markahang pagsusulit ay sumusukat lamang sa mga kakayahang pangkaalaman, pangkomprehensyon at pang-aplikasyon. Mangilan-ngilan lamang ang mga tanong na nagpahalaga sa kakayahang mag-analisa. 2. Ang antas ng mga tanong pangwikanq qinamit ng guro sa mga markahang pagsusulit ay sumu3ukat lamang sa mga kakayahang pangkaalaman, pangkomprehensyon at pang-aplikasyon. Mangilan-ngilan lamang ang mga tanong na nagpahalaga sa kakayahang mag-analisa. 3. Ang pagkakaiba ng antas ng mga tanong pampanitikang ginamit ng guro sa tatlong paaralan ay makabuluhan. Tinatanggap ang hipotesis na nagsasabing may makabuluhang pagkakaiba ang antas ng tanong sa tatlong paaralan. 4. Makabuluhan ang pagkakaiba ng antas ng mga tanong pangwika na ginamit ng guro sa tatlong paaralan kaya tinatanggap ang hipotesis na may makabuluhang pagkakaiba ang antas ng tanong sa tatlong paaralan. Mula sa pag-aaral, natuklasan ng mananaliksik ang malaking pangangailangang maiangat ang antas ng tanong na ginagamit ng mga guro at ang pangangailangang malinang sa mga guro ang pagkakaroon ng sapat na kaalaman at kasanayan sa pagbuo ng mga tanong. Iminumungkahi ang mga sumusunod: 1. Paggamit ng mga tanong na nasa antas-analisis, antas-sintesis at antas-ebalwasyon ng mga paaralang naging paksa ng pag-aaral, sa paggawa ng mga markahang pagususulit. 2. Pagpapadala ng mga guro sa mababa at mataas na paaralan sa mga seminar/worksyap tungkol sa paggawa ng mga pagsusulit at pamamaraan ng pagtatanong. 3. Na ipatupad ng mga ulongguro ang paggawa ng talahanayan ng Ispesipikasyon bago gurnawa ng pagsusulit nang sa ganoon ay makita kung paano nababahagi nang wasto ang mga tanong. 4. Na ang sining ng pagtatanong at paggawa ng pagsusulit ay gawing isang hiwalay na asignatura sa kurikulum sa kursong edukasyon upang matutukan ang kasanayan sa pagtatanong at paggawa ng pagsusulit. 5. Na magkaroon ng isang komiteng aalalay at mag-aaral ng mga pagsusulit bago ipagamit upang makita ang kahinaan at kahusayan ng mga ito. 6. Ang pagsasagawa ng malawakang pag-aaral tungkol sa sining at pamamaraan ng pagtatanong ng guro, ganoon din sa mga paksang may kinalaman sa mga teacher-made test, antas ng mga tanong na ginagamit ng mga guro sa interaksyong pangklase sa pampribadong paaralang sekondarya at kolehiyo.
  • Thumbnail Image
    Item
    Antas ng mga tanong sa markahang pagsusulit sa mataas na paaralang nasyonal ng Lungsod ng Baguio
    (2004-02) Guilanda, Myla Gabriel,
    Ang pagtatanong ay napakahalagang gawaing pangwika ng isang guro. Malaki ang naitutulong ng pagtatanong upang mapabuti ang proseso ng pagtuturo at pagkatuto. Isa ito sa mga instrumento sa pagtaya ng natutunan ng mag-aaral at sa paglinang ng kanilang pag-iisip. Dahil dito kailangang masuri ang mga tanong na ginagamit ng guro. Ang mga markahang pagsusulit ang pinagtuunan ng pansin sapagkat malaking papel ang ginagampanan ng mga tanong sa paggawa ng mga pagsusulit. Nilayon ng mananaliksik na anumang bunga ng pag-aaral na ito ay magsilbing gabay, patnubay at inspirasyon sa patuloy na pagpapaunlad ng pagtuturo tungo sa lubusang pagkatuto ng mga mag-aaral. Pangunahing layunin ng pag-aaral na ito na malaman ang antas ng mga tanong ng guro sa mga markahang pagsusulit sa asignaturang Filipino sa tatlong paaralang nasyunal sa Lungsod ng Baguio sa taong aralan 2002-2003. Tinangka ring sagutin ang mga sumusunod na suliranin: 1. Anu-anong antas batay sa pangkabatirang Taksonomiya ni Bloom ang ginamit na mga tanong pampanitikan sa mga markahang pagsusulit? 2. Anu-anong antas batay sa pangkabatirang Taksonomiya ni Bloom ang ginamit na mga tanong pangwika sa mga markahang pagsusulit? 3. Paano nagkakaiba ang mga antas ng tanong pampanitikang ginamit sa tatlong paaralan? 4. Paano nagkakaiba ang mga antas ng mga tanong pangwika na ginamit sa tatlong paaralan? Nangibabaw sa mga pagsusulit sa tatlong paaralan ang antas-kaalaman, antas-komprehensyon, at antas-aplikasyon. 1. Ginamit ang mga antas kaalaman, komprehensyon, aplikasyon at analisis sa mga tanong na pampanitikan sa mga markahang pagsusulit. 2. Ginamit ang mga antas kaalaman, komprehensyon, aplikasyon at analisis sa mga tanong pangwika sa mga markahang pagsusulit. 3. May makabuluhang pagkakaiba ang antas ng mga tanong na ginamit ng mga guro sa tatlong paaralan sa araling pampanitikan. Nagkakaiba ang mga ito sa antas at sa bilang ng mga tanong na ginamit sa mga pagsusulit. 4. May makabuluhang pagkakaiba ang antas n mga tanong na ginamit ng guro sa araling pangwika. Nagkakaiba ang mga ito sa antas at sa bilang ng mga tanong na ginamit sa mga pagsusulit. Mula sa kinalabasan ng pananaliksik na ito, naibigay ang mga sumusunod na kongklusyon: Ang mga guro sa sekondarya sa pampublikong paaralan ay nagbibigay-tuon sa paglinang sa mga kasanayan ng mga mag¬aaral sa mga faktwal na kaalaman, pag-unawa at aplikasyon. Ang mga ito ay sumusukat lamang sa mababang antas ng pag¬iisip. Hindi nabigyang pansin ang mga tanong na lumilinang sa mataas na antas ng pag-iisip tulad ng antas-analisis, antas-sintesis at antas-ebalwasyon. 1. Karamihan sa mga tanong pampanitikang ginamit ng guro sa mga markahang pagsusulit ay sumusukat lamang sa mga kakayahang pangkaalaman, pangkomprehensyon at pang-aplikasyon. Mangilan-ngilan lamang ang mga tanong na nagpahalaga sa kakayahang mag-analisa. 2. Ang antas ng mga tanong pangwikanq qinamit ng guro sa mga markahang pagsusulit ay sumu3ukat lamang sa mga kakayahang pangkaalaman, pangkomprehensyon at pang-aplikasyon. Mangilan-ngilan lamang ang mga tanong na nagpahalaga sa kakayahang mag-analisa. 3. Ang pagkakaiba ng antas ng mga tanong pampanitikang ginamit ng guro sa tatlong paaralan ay makabuluhan. Tinatanggap ang hipotesis na nagsasabing may makabuluhang pagkakaiba ang antas ng tanong sa tatlong paaralan. 4. Makabuluhan ang pagkakaiba ng antas ng mga tanong pangwika na ginamit ng guro sa tatlong paaralan kaya tinatanggap ang hipotesis na may makabuluhang pagkakaiba ang antas ng tanong sa tatlong paaralan. Mula sa pag-aaral, natuklasan ng mananaliksik ang malaking pangangailangang maiangat ang antas ng tanong na ginagamit ng mga guro at ang pangangailangang malinang sa mga guro ang pagkakaroon ng sapat na kaalaman at kasanayan sa pagbuo ng mga tanong. Iminumungkahi ang mga sumusunod: 1. Paggamit ng mga tanong na nasa antas-analisis, antas-sintesis at antas-ebalwasyon ng mga paaralang naging paksa ng pag-aaral, sa paggawa ng mga markahang pagususulit. 2. Pagpapadala ng mga guro sa mababa at mataas na paaralan sa mga seminar/worksyap tungkol sa paggawa ng mga pagsusulit at pamamaraan ng pagtatanong. 3. Na ipatupad ng mga ulongguro ang paggawa ng talahanayan ng Ispesipikasyon bago gurnawa ng pagsusulit nang sa ganoon ay makita kung paano nababahagi nang wasto ang mga tanong. 4. Na ang sining ng pagtatanong at paggawa ng pagsusulit ay gawing isang hiwalay na asignatura sa kurikulum sa kursong edukasyon upang matutukan ang kasanayan sa pagtatanong at paggawa ng pagsusulit. 5. Na magkaroon ng isang komiteng aalalay at mag-aaral ng mga pagsusulit bago ipagamit upang makita ang kahinaan at kahusayan ng mga ito. 6. Ang pagsasagawa ng malawakang pag-aaral tungkol sa sining at pamamaraan ng pagtatanong ng guro, ganoon din sa mga paksang may kinalaman sa mga teacher-made test, antas ng mga tanong na ginagamit ng mga guro sa interaksyong pangklase sa pampribadong paaralang sekondarya at kolehiyo.
  • Thumbnail Image
    Item
    Antas ng pokus ng pandiwa sa wikang Aklanon at Filipino : isang pahambing na pagsusuri
    (1989-11) Flores, Fermina C.
    Ang naging pangunahin layunin ng pananaliksik na ito’y paghambingin ang antas ng pokus ng pandiwa sa dalawang wika-Aklanon at Filipino. Tinangkang masagot ang pagkakatulad ng Filipino at Aklanon sa ugnayang pambalarila ng pandiwa sa paksa ng pangungusapi; and pagkakahawig ng pokus ng pandiwa kung ito’y ginagamit sa pangungusap; and pagkakatulad ng mga panlaping makadiwa at ang paraan ng pagkakabit ng panlaping makadiwa sa Filipino at Aklanon. Gumamit ng pahambing na pagsusuri, mga kaalamang pangliggwistika at mga impormanteng kinapanayam sa pagtalakay ng paksa ang may-akda. Ginawan din ng mga hulwaran o modelong pangungusap na siyang pinagbatayan ng pagtalakay sap ag-alam ng pagkakatulad ng mga panlaping makadiwa, ang paraan ng pagkakabit ng mga panlapi at antas ng pokus ng pandiwa. Natuklasan sap ag-aaral na ito na may pagkakatulad sa paraan ng pagkakabit ng panlaping makadiwa sa salitang ugat; sa ugnayang pambalarila ng pandiwa, sa pokus ng pandiwa sa pangungusap at sa mga panlaping makadiwa sa dalawang wikang nabanggit- Filipino at Aklanon. Iminungkahi na ipagpatuloy pa ang pag-aaral sa suliranon ng pagtuturo ng pokus ng pandiwa para sa paggawa ng naaangkop na kagamitang pampagtuturo. Ang pag-aaral na ito’y gumamit ng pahambing na pagsusuri. Ang kaalamang linggwistika, mga nakalimbag na aklat gaya ng Makabagong Balarilang Filipino nina Santiago, Alfonso at Tiangco, Makabagong balarila ng Filipino ni Teresita Ramos, Linguistics Across Cultures ni Robert Lado, The Four Focus Transformation of Tagalog ni Teodoro Llamzon, at marami pang nakalimbag na aklat panlinggwistika ang ginamit ng mananaliksik sap ag-aaral na ito. Ang mga aklat na nabanggit at iba pa ay matutunghayan sa talaan ng mga sanggunian sa likuran ng aklat na ito. Nakatulong din ang kaalaman ng may-akda sapagkat ito ang kanyang unang wika (Aklanon) at ang kaalaman din ng ilang mga impormante sa pagtatalakay sa paksa. Ang mga impormanteng ito ay kinapanayam ng may-akda sa pamamagitan ng tape recorder at mga kwestyunaryo. Tinalakay at binigyan ng katuturan ang mga salitang ginamit sa pananaliksik at binigyan ng mga halimbawa ang mga salitang-ugat sa Aklanon at Filipino. Binanghay din ang pandiwa sa tatlong aspekto. Binigyan din ng halimbawa sa iba’t ibang antas ng pokus ng pandiwa sa wikang Aklanon at Filipino. Ginamit ng may-akda ang pamraan sa paghahambing ng dalawang istrakturang panggramatika. Ginawan ng aktwal na paghahambing sa dalawang wika- and Aklanon at Filipino, sa pamamagitan ng mga hulwaram o ng pagtalakay sa pag-alam ng pagkakatulad o pagkakapareho ng mg mga panlaping makadiwa, ang paraan ng pagkakabit ng mga panlapi at antas ng pokus ng pandiwa. Pagkatapos ng maingat at masusing pagsasaalang-alang sa mga datos ng pag-aaral, ang mananaliksik ay naglahad ng mga sumusunod na konklusyon: Ang wikang Aklanon at Filipino ay may pagkakatulad, sa anyo, kahulugan, at balangkas ng pangungusap na may pokus ng pandiwa. Ang pagkakatulad ng anyo at kahulugan ay sa pamamagitan ng panlaping makadiwa na ikinabit sa salitang-ugat na pandiwa. Nagkakatulad din sa balangkas ng pangungusap na may pokus ng pandiwa sa pangungusap na may simuno at panaguri. Aang pagkakatulad ng anyo at kahulugan ng panlaping makadiwa ay sa pamamagitan ng pokus ng pandiwa, sa pokus actor, /mag-/, /-um/ at /mang-/, sa pokus sa layon , /i-/ at sa pokus ng kaganapan, /-an/. Ang pagkakatulad ng balangkas ng pangungusap na may pokus ng pandiwa, ay sa pamamagitan ng pokus actor, pokus layon, pokus sa kaganapan, pokus sa kalanaanan, at pokus sa sanhi. Natuklasan din ng may-akda na may panlaping makadiwa na Filipino at Aklanon na may pagkakaiba ng anyo ngunit magkatulad ng kahulugan sa sandalling ikinabit ang mga panlaping ito sa salitang-ugat na pandiwa at ginamit sa pangungusap. Ang mga panlaping Aklanon na may pagkakaiba ng anyo sa Filipino ngunit magkakatulad ng kahulugan ay sa pamamagitan ng pandiwang nasa: una: pokus sa layon, /-in/ na may katumbas na /gin-/ sa Aklanon; ang panlaping /pa-, -an,/ na may katumbas na /pa-, -e/ sa Aklanon; ang panlaping /-han/ na may katumbas na /-nan/ at /-ne/ sa Aklanon. Pangalawa: ang pokus sa ganapan, ang mga panlaping /pa-, -an/ na may katumbas na /-an/ sa Aklanon; ang panlaping /-han/ na may katumabas na /-nan/ at /-ne/ sa Aklanon. Pangatlo: ang pokus sa kalaanan, ang mga panlaping /ipag-/ na may katumbas na /-an/ Sa Aklanonon, at panlaping /i-/ na may katumbas na /-hi/ at /-han/ sa Aklanon, at pang-apat: ang pokus sa sanhi, ang panlaping /ika-/ ay may katumbas na /gin-, -an/ sa Aklanon. Natuklasan din ng may-akda na ang balangkas ng pangungusap sa Filipino na nasa anyong pautos at nagtatglay ng pandiwang kasing-anyo ng pawatas ay may pagkakatulad sa balangkas ng pangungusap sa Aklanon. Ang pagkakatulad sa balangkas ng pangungusap na nasa anyong pautos ay sa pamamagitan ng pandiwa na nasa pokus sa layon, pokus sa ganapan at pokus sa kalaanan. Ang mga natuklasan sap ag-aaral na ito ay iminungkahi na; una: para sa mga mag-aaral na gumagawa ng tesis, dapat ipagpatuloy ang masusing pananaliksik sa unang wika ng mag-aaral, hindi lamang ang wikang Aklanon kundi maging ang iba’t ibang diyaleto ng ating bansa, sapagkat ito ay nakakatulog sa pagpapagaan ng pagtuturo ng wikang Filipino bilang pangalawang wika sa paaralan at sa pagpapalaganap ng wikang ito, bilang wikang Pambansa. Pangalawa: para sa mga guro na nagtuturo sa lalawigang Aklan, upang mapadali ang pagkakatuto ng mag-aaral, gamitin ang nabuong padron o hulwarang pangungusap batay sa isinagawang pag-aaral tungkol sa iba’t ibang pokus ng pandiwa. Pangatlo: para sa mga gurong Aklanon na nagtuturo ng Filipino sa mga pook na di-Tagalog tulad ng Baguio, iminungkahi rin ng may-akda na gamitin ang mga padron o hulwarang pangungusap tungkol sa iba’t ibang pokus ng pandiwa. Pang-apat: para sa lahat ng mga gurong nagtuturo ng Filipino, iminungkahi rin ng may akda na gamitin ang nabuong padron o hulwarang pangungusap tungkol sa iba’t ibang pokus ng pandiwa sapagkat naging mabisa ito sa may-akda sa pagtuturo niya ng iba’t ibang pokus ng pandiwa. Panlima: sa mga dalubwika o linggwistika, iminungkahi ng may-akda na ipagpatuloy ang pagsasaliksik sa Aklanon at iba pang kapatid na diyalekto ng Lalawigang Aklan at iba pang kapait na diyalekto ng Lalawigang Aklan upang matuklasan ang iba pang pagkakatulad nito hindi lamang sa antas ng pokus ng pandiwa kundi maging sa balangkas ng salita at pangungusap. Pang-anim: sa mga naglalayong mag-aral sa antas ng pokus ng pandiwa sa Aklanon, iminungkahi a isama ang pokus na instrumental sa isasagawang pag-aaral at Pampito: para sa mga mag-aaral na gumagawa ng tesis, iminungkahi nap ag-aralan ang mga suliranin sa pagtuturo ng iba’t ibang pokus ng pandiwa upng mabatid ang wastong pamamaraan sa pagtuturo nito at sa pagsasagawa ng naaangkop na mga kagamitang pampagtuturo.
  • Thumbnail Image
    Item
    Ang apat na dimensiyon sa pagsukat sa binasa sa unang taon ng mataas na paaralan
    (1990-04) Cortez, Daisy B.
    Binubuo ng pag-aaral na matunghayan ng mga aytem sa pagsubok sa mga literal, paghinuha, mapanuri at paglalapat na dimensiyon sa pagbasa at kaugnay ang pagbibigay ng pagsubok sa mga mag-aaral sa unang taon upang makuha ang kasagutan sa mga sumusunod na tiyak na katanungan: 1. Anu-ano ang mga iskor na nakuha ng mga kalahok na mag-aaral sa kinalabasan na pagsubok sa bawat dimensiyon sa pagbasa? 2. Sa anong dimensiyon pinakamataas ang “mean” ng mga nakuhang iskor sa kinalabasan ng pagsubok? 3. Sa anong dimensiyon pinakamababa anq "mean" ng mga nakuhanq iskor sa kinalabasn nq pagsubok? Kinuha ang mqa seleksyong ginamit bilang lunsaran sa mga aklat na ginamit sa unang taon ng mga mag-aaral sa Baguio Colleges Foundation sa ilalim ng SEDP. Doon na rin isinagawa ang "dry-run" ng pagsubok a 60 na mag-aaral sa unang taon at ang nakuhanq average na oras sa pagsubok ay dalawang oras. Isinagawa ang test-retest sa 290 na mag-aaral sa unang taon ng Mataas na Paaralan ng Lungsod ng Baguio. Sa pamamaraang index of difficulty at index of discrimination, lumabas na 25 na aytem ang rejek - 17 na bahagdan - ng 147 na aytem. Upang mapantay ang dami ng mga aytem, ginawang 100 na aytem tig-25 na aytem 5a bawat dimensiyon. Sa pagsusuri ng kinalabasan ng unang pagsubok at mulinq pagsubok, napag-alamang pinakamataas ang "mean" ng mqa iskor sa literal na dimensiyon at pinakamababa ang "mean" ng mqa iskor sa mapanuri ng dimensiyon. Gumamit ng surbey sa larangan ng deskriptibong pananaliksik. Upang maipatupad ang pamamaraan, bumuo ng pagsubok sa literal, panghinuha, mapanuri at paglalapat na dimensiyon. Gumamit ng unang pagsubok, muling pagsubok at sa pagbabalido ng mga aytem sa unang pagsubok, ginamit ang instrumentong istatistikal sa aklat ni Robert Ebel sa pagkuha ng indices of difficulty and discrimination. Ginamit ang Pearson 's product - moment coefficient sa una at muling pagsubok. "Mean" ang qinamit sa mga iskor at ginamit ang percentile sa pagpapakahulugan ng mga nakuhang iskor. Kinuha ang bilang ng sampling sa pamamagitan ng pagtiyak sa kasapatan ng bilang ng mga mag-aaral sa pangkalahatang 1,030. Lumabas na 288 ang kinakailangang bilang ng mga mag-aaral sa naturang populasyon at ang pitong seksiyon ay may kabuuang 290 na mag-aaral. Sa pangkalahatan, pinakamarami anq mga aytem na ideyal (76 na aytem), na aytem anq tinatanggap ngunit mahirap. Sa 147 na aytem sa kabuuan, 25 aytem ang rejek. Sa 40 na aytem sa literal na dimensiyon, 13 na aytem ang rejek, anim (6) na aytem ang tinatanggap ngunit madali, isang aytem ang tinatanggap ngunit mahirap at 20 aytem ang ideyal. May 39 na aytem ang paghinuhang dimensiyon, 21 na aytem ang ideyal, 13 na aytem ang tinatanggap ngunit madali, isang (1) aytem antinatanggap ngunit mahirap at apat (4) na aytem ang rejek. May 738 na aytem ang mapanuring dimensiyon, 24 na aytem anq ideyal, anim (6) na aytem anq tinatanggap ngunit madali, apat. (4) anc tinatanggap ngunit manirap at apat (4) na aytem anq rejek. Sa paglalapat na dimensiyon ay lumabas na 11 na aytem anq ideyal at 11 na aytem ang tinatanggap bagamat madali habang apat (4) na aytem anq tinatanggap bagamat mahirap. May apat (4) na aytem ang rejek. Ginanap ang “dry-run” sa mga mag-aaral ng unang taon sa Mataas na Paaralan ng Baguio Colleges Foundation noong Disyembre 5, 1989 sa pamamagitan ng random sampling. Isinagawa ang pagsubok sa Mataas na Paaralan ng Lungsod ng Baguio sa pito (7) na seksiyon na may 290 na mag-aaral. Iniwasto ang mga talasagutan ng mga mag-aaral. Kinuha ang mga indeces of difficulty and discrimination at lumabas na 25 aytem ang rejek. Ibinigay anq muling pagsubok noong Enero 5, 1990 at iniwasto naman ang alga talasagutan ng mga mag-aaral. Kinuha ang co-efficient ng pagsubok - muling pagsubok. Muling sinuri ang pagsubok upang masagot ang mga katanungan sa pananaliksik. Pinakamataas na nakuhang iskor ng mga mag-aaraql ang 25 at ang pinakamababang iskor ay apat (4) sa literal na dimensiyon. Pinakamataas ang iskor na 24 sa paghinuhang dimensiyon at ang pinakambabang iskor ay dalawa (2) ganoon din sa mapanuring dimensiyon. Sa paglalapat na dimensiyon, pinakamataas na iskor ang 24 at ang pinakamababa ay apat (4). Batay sa kinalabasan ng pagsusuri, ang literal na dimensiyon ang pinakamataas na "mean" 14.93 ng mga iskor na nakuha ng mga mag-aaral at ang mapanuring dimensiyon ang may pinakamababang "mean" ng mga nakuhang iskor (12.59). Napakahalaga ang paqkakaroon nq pagtataya sa mga kagamitanq ipinababasa sa mga mag-aaral. Kailangang nakalilinang sa kaiSipan ng mqa mag-aaral ang mqa kagamitan. Napakahalaga rin ang pagkakaroon ng mga instrumento para sa pagsukat nq kakayahan ng mqa bata sa larangan ng pag-unawa sa binasa. Isang pangangailangan din ang pagpapadala ng mga guro sa mga seminar/workshop na may kinalaman sa programang pagbasa upanq malaman ang mga bagong palakad at matatalakay o mabigyanq kalutasan ang mga suliranin Ba pagtuturo nang sa gayon sama-samanq mapalaganap ang mqa bagong pal akad o pagbabago sa mga pamamaraan ng pagtuturo. Tungkulin ng mga gurong magpakabihasa sa pagtatanong upang mapalabas ang kritikal at mapanuring kaisipan ng mga mag-aaral sa kanilang binasa. Napakainam na bigyan ng sapat na panahon ang binasang seleksyon upang matalakay at mapag-usapang masinsinan ang binasa. Nararapat ding itugma ang mga kagamitan sa mga mag-aaral sa kanilang karanasan, kapaligiran at kaugalian upang sa gayon magiging kapaki-pakinabang at makahulugan ang pagbasa. Sa ganitong sitwasyon, mabigyan din ng kahalagahan ang binasa. Bilang panghuli, hindi rin maitatatwa anq kasahulan ng mga kagamitang pampagturo at pananaliksik sa larangan ng wikang Filipino at isang paghamon sa mga nagpapakadalubhasa sa wikang nabanggit ang pagkakaroon ng mga kagamitan lalo na sa mga maraming bahagi ng ating kapuluang pangalawang wika ang Filipino. Kailangan din ng mga administrador ang mga pag-aaral at mga surbey, mga pag-aaral na comparatibo at pagbuo ng mga kagamitan para sa "remedial reading". Matutulungan ang mga batang mahihina sa wikang Filipino at mapapayaman ang kanilang talasalitaan upang makasabay sa mga pagbabago sa larangan ng ating edukasyon na sa ngayon ay patungo na sa malawakang paggamit ng wikang Filipino anumang antas ng pag-aaral. Makakatulong ang mga pag-aara, pananaliksik at pagbuo ng mga kagamitang pampagturo at ganoon din sa "remedial reading" upang magkaroon ng katuparan ang mga isinasaan ng bagong plakad sa paggamit ng wikang Filipino sa makabagong edukasyon ng sambayang Filipino.
  • Thumbnail Image
    Item
    Ang pagtuturo ng ekonomiks sa Pines City National High School : isang pagtataya
    (2008-08) Banheh, Lucia Chan
    Ang buhay ay pinaiinog ng Ekonomiks. Lahat ng gawain, mula sa tahanan, sa paaralan at sa mas malaking lipunan ay apektado ng pananalapi at ng iba't ibang yaman. Dahil dito, kinakailangang maipamulat ang mahahalagang konsepto ng Ekonomiks sa kabataan dahil may malaki silang pananagutan sa ating pamayanan. Maisasagawa ang pagpapamulat na ito sa paaralan sa pamamagitan ng mahusay na pagtuturo ng Ekonomiks. Inaasahang ang pagtuturo nito ay magdudulot ng kasiyahan at kagustuhang matutuhan ang Ekonomiks; na magiging praktikal sa pagtugon sa mga pangangailangan at kagustuhan ng bawat mag-aaral at guro upang makasunod at makabahagi sa patuloy na mahahalagang pagbabagong nagaganap sa ating lipunan sa kasalukuyan. Pangunahin sa mga ito ang pagbabagong pang-ekonomiko na lubhang nakaaapekto sa pag- unlad ng bansa, at sa kabuuan, ang daigdig. Ang tesis na ito ay kinapapalooban ng Pagtuturo ng Ekonomiks sa Pines City National High School: Isang Pagtataya. Hangarin nitong masagot ang mga katanungan sa pagtuturo ng Ekonomiks ng taong Panuruan 2007 -2008. Ang pag-aaral na ito ay nagbibigay ng kasagutan sa mga sumusunod na mga katanungan: 1. Gaano kalawak ang naabot sa mga layuning Instruksyunal ng pagtuturo ng Ekonomiks sa Pines City National High School? Haypotesis: Naabot ang mga layuning Intruksyunal ng Pagtuturo ng Ekonomiks sa Pines City National High School. 2. Gaano kadalas ang paggamit sa mga Instruksyunal na Teknik sa pagtuturo ng Ekonomiks sa Pines City National High School? Haypotesis: Madalas ang paggamit ng mga iba't ibang Instruksyunal na teknik sa pagtuturo ng Ekonomiks sa Pines City National High School. 3. Ano ang antas ng kasapatan ng mga kagamitang. Panturo na ginamit sa pagtuturo ng Ekonomiks sa Pines City National High School? Haypotesis: Sapat ang mga kagamitang panturo na ginamit sa pagtuturo ng Pines City National High School. 4. Ano ang antas ng kalagayan ng mga suliraning kinakaharap ng pagtuturo ng Ekonomiks sa Pines City National High School? Haypotesis: Bahagyang malubha ang kalagayan ng mga Suliraning kinakaharap ng pagtuturo ng Ekonomiks sa Pines City National High School? Ang mga datos na nakalap mula sa pananaliksik na ito ay nahango mula sa paggamit ng mga katanungan at pakikipanayam ng guro sa mga kapwa guro. Ang 'descriptive-survey method' ang ginamit sa paraan ng pananaliksik. Ang statistical na kagamitan na ginamit ay ang average weighted mean'. Batay sa pananaliksik, nabuo ang mga sumusunod na kinalabasan: 1.Lubhang naabot ang mga layuning Instruksyunal ng pagtuturo ng Ekonomiks sa Pines City National High School. 2.Laging ginagamit ang mga iba't ibang Instruksyunal na teknik sa pagtuturo ng Ekonomiks sa Pines City National High School. 3.Sapat ang mga kagamitang panturo na ginamit sa pagtuturo ng Ekonomiks sa Pines City National High School. 4.Bahagyang malubha ang kalagayan ng mga suliraning kinakaharap ng pagtuturo ng Ekonomiks sa Pines City National High School. Mula sa mga kinalabasan ng pag-aaral, nabuo ang mga sumusunod na panlahat: 1.Nakatuon ang pokus ng mga guro sa kanilang layunin sa pagtuturo ng Ekonomiks kaya't ang mga gawaing pagkatuto na inihahanda nila para sa mga mag-aaral ay angkop. 2. Ang mga guro sa Pines City National High School ay mapamaraan upang mapabuti ang kanilang pagtuturo ng Ekonomiks. 3.Nakatutulong ang kasapatan sa Kagamitang panturo sa pagkamit ng mga guro ng kanilang layunin sa pagtuturo. 4.Sa kabila ng pagsisikap ng pamunuan ng Pines City National High School na malutas ang kakulangan ng mga kagamitang instruksyunal, nananatili pa rin itong suliranin na dapat na pagtuunang pansin sa pagtuturo ng Ekonomiks. Batay sa kinalabasan ng pag-aaral na ito, iminumungkahi ang mga sumusunod: 1.Kailangang panatilihin sa lubhang naabot ang mga Layuning Instruksyunal ng pagtuturo ng Ekonomiks sa Pines City National High school. 2. Kailangang ipagpatuloy at panatilihin ang laging paggamit ng mga iba-ibang teknik sa pagtuturo ng Ekonomiks. Ang mga teknik na madalas ginagamit ay dapat ding itaas sa antas na laging ginagamit. 3. Kailangang magkaroon ng karagdagang kagamitan sa pagtuturo at ipagpatuloy ang paglikom ng kagamitang instruksyunal. Sa ganito, maaabot ang antas na tunay na sapat. Ang antas na kulang sa sapat ay dapat ding pataasin kaya't pag-ibayuhin ang paggamit ng pelikula, audio at programmed instruction 4. Kailangang panatilihin ang patuloy na pagdagdag ng pagkamit ng mga aklat upang makamit ang ratio na isa-sa-isa o isang aklat sa isang mag-aaral. Nararapat bigyang-pansin ng pamunuan ng Pines City National High School at ng Department of Education ang kwalipikasyong edukasyunal ng mga guro upang hindi na ito maging suliranin ng mga guro. Bagama't ito ay may antas na bahagyang malubha, makabubuti kung ito ay hindi na maging isa pang suliranin. Dapat pang dagdagan ang seminar ng mga guro sa Ekonomiks. Gayundin, dapat pag-ibayuhin ng mga guro ang paggamit ng Filipino bilang midyum. Nararapat bigyan ng mas malawak na tungkulin ang mga ulong-guro sa mga Annexes ng Pines City National High School upang hindi laging nakaatang sa balikat ng punung-guro ang pamamahala sa buong paaralan. Sa gayon, higit na magiging maayos ang pamamahala sa mga annexes dahil may iba-iba rin namang pangangailagan at suliranin ang bawat isa sa mga ito. 5. Ang sistema ng pagsasanay o pagsubok ay baguhin sa pamamagitan ng pagbibigay ng iba't ibang uri ng pagsubok tulad ng praktikal na eksamen,portfolio, atbp. 6. Dapat makalikha ng iba pang makabuluhan gawain upang mahikayat ang mga mag-aaral na gawin ang buong kakayahan sa pag-aaral.
  • Thumbnail Image
    Item
    Mga piling katha ni Amor Cico : bisang paglalarawan at pahambing na pagsusuri
    (2006-03) Agbuya, Jenny Magalong,
    Bawat araw na dumaratal sa buhay ng tao ay nagbabago. Lahat ng pangyayari sa buhay ng bawat isa ay kaakibat ang malawak na konseptong ito. Ang pag-aaral na Ito na nakapokus sa mga piling maikling katha ni Amor Cico ay tumutugon at naglalayong makita at muling balikan ng tanaw at pansin ang mga kaisipan, kaugalian at pagpapahalaga na unti unti ng nililimot dulot ng nabanggit na pagbabago. Sa ikalilinaw ng pagsisiyasat na kinapapalooban ng anim na mga maikling kwento ng manunulat na si Amor Cico, sasagutin ang mga sumusunod na katanungan: 1. Anu-anong paksa ang napapaloob sa mga piling kwento ni Amor Cico? 2. Anu-anong istilo sa pagsulat ng may-akda ang ginamit sa paglalahad ng mga pangyayari sa mga piling akda? 3. Anu-anong tradisyon at kulturang kaakibat ng moralistiko, sikolohikal at sosyolohikal na pagdulog ang maaaring paghambingin upang maging lunsaran ng magandang kaasalan ng mga kabataan? 1. Ayon sa naging resulta ng pag-aaral, narito ang mga paksa sa bawat kuwento: Sa kwentong Maetan Panibeg nanguna ang paksang maghintay ng tamang panahon at kilalaning mabuti ang taong nais pag-ukulan ng panghabambuhay na pagmamahal. Ang Naibong Na Panibeg ay may paksang, maling akala, maling pananabik at nasayang na pagod dahil sa maling akala. Ang Betang Mb Pa Labat ay kinapapalooban ng mga paksang paghangang naudlot dahil sa maling akala at iluwa kapag napaso. Ang Aguik Itan, kwento na kinatatampukan ng paksang pagbibigayan at pagkakaunawaan ng tunay na magkaibigan sa panahong kailangan ng matatag na samahan. Ang Agui Ya Anggad Pagew ay may mga paksang natutungkol sa kapatid ng puso ang dibdib, ang kapatid ng tuksuan ay isang lambingan at tulak ng bibig kabig ng dibdib. Ang Ugaw Ni Tan ay kuwento na may mga paksang may gatas pa sa labi ang pag-ibig at makapaghihintay ang tunay na pag-ibig. 2.Ayon sa naging resulta ng pag-aaral,narito ang mga istilong nangibabaw sa bawat kwento: Sa kwentong Maetan Panibeg, nangibabaw ang istilong kumbensyonal. Ang Naibong Ya Panibeg ay may kumbensyonal at patumbalik isipan. Ang Betang Mo Pa Labat ay may kaayusang kumbensyonal. Ang Aguik Itan ay ginamitan ng may-akda ng mga istilong balak sa hinaharap at kombensyonal. Sa Agui Ya Anggad Pagew, nangibabaw naman ang istilong patumbalik isipan. Sa kwentong Ugaw Ni Itan, nanguna naman ang istilong daloy ng kamalayan. 3. Ang mga tradisyon at kulturang kaakibat ng moralistiko, sosyolohikal at sikolohikal na pagdulog ang maaaring paghahambing upang maging lunsaran ng kaasalan ay: Sa kwentong Maetan Panibeg nangibabaw ang kultura at tradisyon ng mga Pangasinense sa paniniwala sa mga sabi¬sabi o tsismis ng mga kapitbahay at pagsunod sa kagustuhan ng mga magulang na kaakibat ng moralistikong pagdulog. Sa kwento namang Betang Mo Pa Labat at Aguik Itan, masasalamin dito ang kultura at tradisyon ng mga Pangasinense partikular sa mga kabataan, ang pagiging padalus-dalos sa kanilang pagdedesisyon at sa paniniwala nilang "kapag napaso ay iniluluwa" na kaakibat din ng moralistikong pagdulog. Samantala, sa mga kwento namang Naibong Ya Panibeg, Agui Ya Anggad Pagew at Ugaw Ni Tan, masasalamin dito ang tradisyon at kulturang makalumang panliligaw ng mga Pangasinense na kaakibat ng sosyolohikal na pagdulog. Napatunayan din sa pag-aaral na ito, na bagamat ang anim na kwentong sinuri ay kinapapalooban ng moralistiko, sikolohikal at sosyolohikal na pagdulog, sosyolohikal na pagdulog ang siyang nangibabaw mula sa kabuuan ng pagsisiyasat. Napatunayan na ang napiling akda ni Amor Cico ay may mga paksaing natutungkol sa paghihintay ng tamang panahon kung pag-ibig ang pinag-uusapan dahil makapaghihintay ang pag-ibig. Nangibabaw naman ang istilong pinuputol ang wakas ng kuwento at ang istilong kumbensyonal na palasak din sa ibang akdang pampanitikan. Napatunayan din sa pag-aaral na ang mga tradisyon at kultura ng mga Pangasinense gaya ng magandang samahan ng mga magkapitbahay, pagsunod sa mga magulang at makalumang paraan ng panliligaw ay naging palasak sa anim na kwento. Kinapalooban naman ng moralistiko, sikolohikal at sosyolohikal na pagdulog ang bawat akda para mailarawan nang maayos ang mga nabanggit na tradisyon at kultura. Nangibabaw ang sosoyolohikal na pagdulog sa pag-aaral na ito. Batay sa nga naging resulta ng pag-aaral na ito, iminumungkahi ng mananaliksik ang mga sumusunod na tagubilin: 1. Na gamitin ng mga guro sa dalubhasaan at pamantasan ang nabanggit na mga paksa sa kanilang pagtatalakay ng mga akdang pampanitikan sa loob ng kanilang klase upang mapalawak at mahasa ang kanilang kaalaman ng mga mag-aaral sa larangan ng pagsusulat. At maging gabay sa pagbuo ng maikling kwentong kanilang naranasan sa kani-kanilang bayan. 3. Na bigyang-pansin ang mga kultura at tradisyon ng mga Pangasinense sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga akdang pampanitikan ng Wikang Panggalatoc. 4. Na isama sa kurikulum ng mga pamantasan at idagdag bilang isang asignatura sa pagtalakay sa kasaysayan, kultura at tradisyon ng mga Pangasinense. 5. Na gamitin bilang hanguan ng mga guri ng panitikan ang mga maikling kwento sa pagtuturo upang maikintal nila sa isipan ng kanilang mga mag-aaral ang mga kultura at tradisyon ng mga Pangasinense para maging sagisag ng kanilang idetidad. 6. Na maging lunsaran nq mga quro ng ibat ibang istratehiya sa pagtuturo ng panitikan upang maging masigla at kapakipakinabang ang talakayan at magkaroon pa lalo ng interes ang mga mag-aaral na pag-aralan and mga Panitikang Pangasinan.