Master of Arts in Education major in Filipino
Permanent URI for this collectionhttps://dspace.uc-bcf.edu.ph/handle/123456789/119
Browse
Item Ang apat na dimensiyon sa pagsukat sa binasa sa unang taon ng mataas na paaralan(1990-04) Cortez, Daisy B.Binubuo ng pag-aaral na matunghayan ng mga aytem sa pagsubok sa mga literal, paghinuha, mapanuri at paglalapat na dimensiyon sa pagbasa at kaugnay ang pagbibigay ng pagsubok sa mga mag-aaral sa unang taon upang makuha ang kasagutan sa mga sumusunod na tiyak na katanungan: 1. Anu-ano ang mga iskor na nakuha ng mga kalahok na mag-aaral sa kinalabasan na pagsubok sa bawat dimensiyon sa pagbasa? 2. Sa anong dimensiyon pinakamataas ang “mean” ng mga nakuhang iskor sa kinalabasan ng pagsubok? 3. Sa anong dimensiyon pinakamababa anq "mean" ng mga nakuhanq iskor sa kinalabasn nq pagsubok? Kinuha ang mqa seleksyong ginamit bilang lunsaran sa mga aklat na ginamit sa unang taon ng mga mag-aaral sa Baguio Colleges Foundation sa ilalim ng SEDP. Doon na rin isinagawa ang "dry-run" ng pagsubok a 60 na mag-aaral sa unang taon at ang nakuhanq average na oras sa pagsubok ay dalawang oras. Isinagawa ang test-retest sa 290 na mag-aaral sa unang taon ng Mataas na Paaralan ng Lungsod ng Baguio. Sa pamamaraang index of difficulty at index of discrimination, lumabas na 25 na aytem ang rejek - 17 na bahagdan - ng 147 na aytem. Upang mapantay ang dami ng mga aytem, ginawang 100 na aytem tig-25 na aytem 5a bawat dimensiyon. Sa pagsusuri ng kinalabasan ng unang pagsubok at mulinq pagsubok, napag-alamang pinakamataas ang "mean" ng mqa iskor sa literal na dimensiyon at pinakamababa ang "mean" ng mqa iskor sa mapanuri ng dimensiyon. Gumamit ng surbey sa larangan ng deskriptibong pananaliksik. Upang maipatupad ang pamamaraan, bumuo ng pagsubok sa literal, panghinuha, mapanuri at paglalapat na dimensiyon. Gumamit ng unang pagsubok, muling pagsubok at sa pagbabalido ng mga aytem sa unang pagsubok, ginamit ang instrumentong istatistikal sa aklat ni Robert Ebel sa pagkuha ng indices of difficulty and discrimination. Ginamit ang Pearson 's product - moment coefficient sa una at muling pagsubok. "Mean" ang qinamit sa mga iskor at ginamit ang percentile sa pagpapakahulugan ng mga nakuhang iskor. Kinuha ang bilang ng sampling sa pamamagitan ng pagtiyak sa kasapatan ng bilang ng mga mag-aaral sa pangkalahatang 1,030. Lumabas na 288 ang kinakailangang bilang ng mga mag-aaral sa naturang populasyon at ang pitong seksiyon ay may kabuuang 290 na mag-aaral. Sa pangkalahatan, pinakamarami anq mga aytem na ideyal (76 na aytem), na aytem anq tinatanggap ngunit mahirap. Sa 147 na aytem sa kabuuan, 25 aytem ang rejek. Sa 40 na aytem sa literal na dimensiyon, 13 na aytem ang rejek, anim (6) na aytem ang tinatanggap ngunit madali, isang aytem ang tinatanggap ngunit mahirap at 20 aytem ang ideyal. May 39 na aytem ang paghinuhang dimensiyon, 21 na aytem ang ideyal, 13 na aytem ang tinatanggap ngunit madali, isang (1) aytem antinatanggap ngunit mahirap at apat (4) na aytem ang rejek. May 738 na aytem ang mapanuring dimensiyon, 24 na aytem anq ideyal, anim (6) na aytem anq tinatanggap ngunit madali, apat. (4) anc tinatanggap ngunit manirap at apat (4) na aytem anq rejek. Sa paglalapat na dimensiyon ay lumabas na 11 na aytem anq ideyal at 11 na aytem ang tinatanggap bagamat madali habang apat (4) na aytem anq tinatanggap bagamat mahirap. May apat (4) na aytem ang rejek. Ginanap ang “dry-run” sa mga mag-aaral ng unang taon sa Mataas na Paaralan ng Baguio Colleges Foundation noong Disyembre 5, 1989 sa pamamagitan ng random sampling. Isinagawa ang pagsubok sa Mataas na Paaralan ng Lungsod ng Baguio sa pito (7) na seksiyon na may 290 na mag-aaral. Iniwasto ang mga talasagutan ng mga mag-aaral. Kinuha ang mga indeces of difficulty and discrimination at lumabas na 25 aytem ang rejek. Ibinigay anq muling pagsubok noong Enero 5, 1990 at iniwasto naman ang alga talasagutan ng mga mag-aaral. Kinuha ang co-efficient ng pagsubok - muling pagsubok. Muling sinuri ang pagsubok upang masagot ang mga katanungan sa pananaliksik. Pinakamataas na nakuhang iskor ng mga mag-aaraql ang 25 at ang pinakamababang iskor ay apat (4) sa literal na dimensiyon. Pinakamataas ang iskor na 24 sa paghinuhang dimensiyon at ang pinakambabang iskor ay dalawa (2) ganoon din sa mapanuring dimensiyon. Sa paglalapat na dimensiyon, pinakamataas na iskor ang 24 at ang pinakamababa ay apat (4). Batay sa kinalabasan ng pagsusuri, ang literal na dimensiyon ang pinakamataas na "mean" 14.93 ng mga iskor na nakuha ng mga mag-aaral at ang mapanuring dimensiyon ang may pinakamababang "mean" ng mga nakuhang iskor (12.59). Napakahalaga ang paqkakaroon nq pagtataya sa mga kagamitanq ipinababasa sa mga mag-aaral. Kailangang nakalilinang sa kaiSipan ng mqa mag-aaral ang mqa kagamitan. Napakahalaga rin ang pagkakaroon ng mga instrumento para sa pagsukat nq kakayahan ng mqa bata sa larangan ng pag-unawa sa binasa. Isang pangangailangan din ang pagpapadala ng mga guro sa mga seminar/workshop na may kinalaman sa programang pagbasa upanq malaman ang mga bagong palakad at matatalakay o mabigyanq kalutasan ang mga suliranin Ba pagtuturo nang sa gayon sama-samanq mapalaganap ang mqa bagong pal akad o pagbabago sa mga pamamaraan ng pagtuturo. Tungkulin ng mga gurong magpakabihasa sa pagtatanong upang mapalabas ang kritikal at mapanuring kaisipan ng mga mag-aaral sa kanilang binasa. Napakainam na bigyan ng sapat na panahon ang binasang seleksyon upang matalakay at mapag-usapang masinsinan ang binasa. Nararapat ding itugma ang mga kagamitan sa mga mag-aaral sa kanilang karanasan, kapaligiran at kaugalian upang sa gayon magiging kapaki-pakinabang at makahulugan ang pagbasa. Sa ganitong sitwasyon, mabigyan din ng kahalagahan ang binasa. Bilang panghuli, hindi rin maitatatwa anq kasahulan ng mga kagamitang pampagturo at pananaliksik sa larangan ng wikang Filipino at isang paghamon sa mga nagpapakadalubhasa sa wikang nabanggit ang pagkakaroon ng mga kagamitan lalo na sa mga maraming bahagi ng ating kapuluang pangalawang wika ang Filipino. Kailangan din ng mga administrador ang mga pag-aaral at mga surbey, mga pag-aaral na comparatibo at pagbuo ng mga kagamitan para sa "remedial reading". Matutulungan ang mga batang mahihina sa wikang Filipino at mapapayaman ang kanilang talasalitaan upang makasabay sa mga pagbabago sa larangan ng ating edukasyon na sa ngayon ay patungo na sa malawakang paggamit ng wikang Filipino anumang antas ng pag-aaral. Makakatulong ang mga pag-aara, pananaliksik at pagbuo ng mga kagamitang pampagturo at ganoon din sa "remedial reading" upang magkaroon ng katuparan ang mga isinasaan ng bagong plakad sa paggamit ng wikang Filipino sa makabagong edukasyon ng sambayang Filipino.Item Ang pagtuturo ng ekonomiks sa Pines City National High School : isang pagtataya(2008-08) Banheh, Lucia ChanAng buhay ay pinaiinog ng Ekonomiks. Lahat ng gawain, mula sa tahanan, sa paaralan at sa mas malaking lipunan ay apektado ng pananalapi at ng iba't ibang yaman. Dahil dito, kinakailangang maipamulat ang mahahalagang konsepto ng Ekonomiks sa kabataan dahil may malaki silang pananagutan sa ating pamayanan. Maisasagawa ang pagpapamulat na ito sa paaralan sa pamamagitan ng mahusay na pagtuturo ng Ekonomiks. Inaasahang ang pagtuturo nito ay magdudulot ng kasiyahan at kagustuhang matutuhan ang Ekonomiks; na magiging praktikal sa pagtugon sa mga pangangailangan at kagustuhan ng bawat mag-aaral at guro upang makasunod at makabahagi sa patuloy na mahahalagang pagbabagong nagaganap sa ating lipunan sa kasalukuyan. Pangunahin sa mga ito ang pagbabagong pang-ekonomiko na lubhang nakaaapekto sa pag- unlad ng bansa, at sa kabuuan, ang daigdig. Ang tesis na ito ay kinapapalooban ng Pagtuturo ng Ekonomiks sa Pines City National High School: Isang Pagtataya. Hangarin nitong masagot ang mga katanungan sa pagtuturo ng Ekonomiks ng taong Panuruan 2007 -2008. Ang pag-aaral na ito ay nagbibigay ng kasagutan sa mga sumusunod na mga katanungan: 1. Gaano kalawak ang naabot sa mga layuning Instruksyunal ng pagtuturo ng Ekonomiks sa Pines City National High School? Haypotesis: Naabot ang mga layuning Intruksyunal ng Pagtuturo ng Ekonomiks sa Pines City National High School. 2. Gaano kadalas ang paggamit sa mga Instruksyunal na Teknik sa pagtuturo ng Ekonomiks sa Pines City National High School? Haypotesis: Madalas ang paggamit ng mga iba't ibang Instruksyunal na teknik sa pagtuturo ng Ekonomiks sa Pines City National High School. 3. Ano ang antas ng kasapatan ng mga kagamitang. Panturo na ginamit sa pagtuturo ng Ekonomiks sa Pines City National High School? Haypotesis: Sapat ang mga kagamitang panturo na ginamit sa pagtuturo ng Pines City National High School. 4. Ano ang antas ng kalagayan ng mga suliraning kinakaharap ng pagtuturo ng Ekonomiks sa Pines City National High School? Haypotesis: Bahagyang malubha ang kalagayan ng mga Suliraning kinakaharap ng pagtuturo ng Ekonomiks sa Pines City National High School? Ang mga datos na nakalap mula sa pananaliksik na ito ay nahango mula sa paggamit ng mga katanungan at pakikipanayam ng guro sa mga kapwa guro. Ang 'descriptive-survey method' ang ginamit sa paraan ng pananaliksik. Ang statistical na kagamitan na ginamit ay ang average weighted mean'. Batay sa pananaliksik, nabuo ang mga sumusunod na kinalabasan: 1.Lubhang naabot ang mga layuning Instruksyunal ng pagtuturo ng Ekonomiks sa Pines City National High School. 2.Laging ginagamit ang mga iba't ibang Instruksyunal na teknik sa pagtuturo ng Ekonomiks sa Pines City National High School. 3.Sapat ang mga kagamitang panturo na ginamit sa pagtuturo ng Ekonomiks sa Pines City National High School. 4.Bahagyang malubha ang kalagayan ng mga suliraning kinakaharap ng pagtuturo ng Ekonomiks sa Pines City National High School. Mula sa mga kinalabasan ng pag-aaral, nabuo ang mga sumusunod na panlahat: 1.Nakatuon ang pokus ng mga guro sa kanilang layunin sa pagtuturo ng Ekonomiks kaya't ang mga gawaing pagkatuto na inihahanda nila para sa mga mag-aaral ay angkop. 2. Ang mga guro sa Pines City National High School ay mapamaraan upang mapabuti ang kanilang pagtuturo ng Ekonomiks. 3.Nakatutulong ang kasapatan sa Kagamitang panturo sa pagkamit ng mga guro ng kanilang layunin sa pagtuturo. 4.Sa kabila ng pagsisikap ng pamunuan ng Pines City National High School na malutas ang kakulangan ng mga kagamitang instruksyunal, nananatili pa rin itong suliranin na dapat na pagtuunang pansin sa pagtuturo ng Ekonomiks. Batay sa kinalabasan ng pag-aaral na ito, iminumungkahi ang mga sumusunod: 1.Kailangang panatilihin sa lubhang naabot ang mga Layuning Instruksyunal ng pagtuturo ng Ekonomiks sa Pines City National High school. 2. Kailangang ipagpatuloy at panatilihin ang laging paggamit ng mga iba-ibang teknik sa pagtuturo ng Ekonomiks. Ang mga teknik na madalas ginagamit ay dapat ding itaas sa antas na laging ginagamit. 3. Kailangang magkaroon ng karagdagang kagamitan sa pagtuturo at ipagpatuloy ang paglikom ng kagamitang instruksyunal. Sa ganito, maaabot ang antas na tunay na sapat. Ang antas na kulang sa sapat ay dapat ding pataasin kaya't pag-ibayuhin ang paggamit ng pelikula, audio at programmed instruction 4. Kailangang panatilihin ang patuloy na pagdagdag ng pagkamit ng mga aklat upang makamit ang ratio na isa-sa-isa o isang aklat sa isang mag-aaral. Nararapat bigyang-pansin ng pamunuan ng Pines City National High School at ng Department of Education ang kwalipikasyong edukasyunal ng mga guro upang hindi na ito maging suliranin ng mga guro. Bagama't ito ay may antas na bahagyang malubha, makabubuti kung ito ay hindi na maging isa pang suliranin. Dapat pang dagdagan ang seminar ng mga guro sa Ekonomiks. Gayundin, dapat pag-ibayuhin ng mga guro ang paggamit ng Filipino bilang midyum. Nararapat bigyan ng mas malawak na tungkulin ang mga ulong-guro sa mga Annexes ng Pines City National High School upang hindi laging nakaatang sa balikat ng punung-guro ang pamamahala sa buong paaralan. Sa gayon, higit na magiging maayos ang pamamahala sa mga annexes dahil may iba-iba rin namang pangangailagan at suliranin ang bawat isa sa mga ito. 5. Ang sistema ng pagsasanay o pagsubok ay baguhin sa pamamagitan ng pagbibigay ng iba't ibang uri ng pagsubok tulad ng praktikal na eksamen,portfolio, atbp. 6. Dapat makalikha ng iba pang makabuluhan gawain upang mahikayat ang mga mag-aaral na gawin ang buong kakayahan sa pag-aaral.Item Antas ng mga tanong sa markahang pagsusulit sa mataas na paaralang nasyonal ng Lungsod ng Baguio(2004-02) Guilanda, Myla Gabriel,Ang pagtatanong ay napakahalagang gawaing pangwika ng isang guro. Malaki ang naitutulong ng pagtatanong upang mapabuti ang proseso ng pagtuturo at pagkatuto. Isa ito sa mga instrumento sa pagtaya ng natutunan ng mag-aaral at sa paglinang ng kanilang pag-iisip. Dahil dito kailangang masuri ang mga tanong na ginagamit ng guro. Ang mga markahang pagsusulit ang pinagtuunan ng pansin sapagkat malaking papel ang ginagampanan ng mga tanong sa paggawa ng mga pagsusulit. Nilayon ng mananaliksik na anumang bunga ng pag-aaral na ito ay magsilbing gabay, patnubay at inspirasyon sa patuloy na pagpapaunlad ng pagtuturo tungo sa lubusang pagkatuto ng mga mag-aaral. Pangunahing layunin ng pag-aaral na ito na malaman ang antas ng mga tanong ng guro sa mga markahang pagsusulit sa asignaturang Filipino sa tatlong paaralang nasyunal sa Lungsod ng Baguio sa taong aralan 2002-2003. Tinangka ring sagutin ang mga sumusunod na suliranin: 1. Anu-anong antas batay sa pangkabatirang Taksonomiya ni Bloom ang ginamit na mga tanong pampanitikan sa mga markahang pagsusulit? 2. Anu-anong antas batay sa pangkabatirang Taksonomiya ni Bloom ang ginamit na mga tanong pangwika sa mga markahang pagsusulit? 3. Paano nagkakaiba ang mga antas ng tanong pampanitikang ginamit sa tatlong paaralan? 4. Paano nagkakaiba ang mga antas ng mga tanong pangwika na ginamit sa tatlong paaralan? Nangibabaw sa mga pagsusulit sa tatlong paaralan ang antas-kaalaman, antas-komprehensyon, at antas-aplikasyon. 1. Ginamit ang mga antas kaalaman, komprehensyon, aplikasyon at analisis sa mga tanong na pampanitikan sa mga markahang pagsusulit. 2. Ginamit ang mga antas kaalaman, komprehensyon, aplikasyon at analisis sa mga tanong pangwika sa mga markahang pagsusulit. 3. May makabuluhang pagkakaiba ang antas ng mga tanong na ginamit ng mga guro sa tatlong paaralan sa araling pampanitikan. Nagkakaiba ang mga ito sa antas at sa bilang ng mga tanong na ginamit sa mga pagsusulit. 4. May makabuluhang pagkakaiba ang antas n mga tanong na ginamit ng guro sa araling pangwika. Nagkakaiba ang mga ito sa antas at sa bilang ng mga tanong na ginamit sa mga pagsusulit. Mula sa kinalabasan ng pananaliksik na ito, naibigay ang mga sumusunod na kongklusyon: Ang mga guro sa sekondarya sa pampublikong paaralan ay nagbibigay-tuon sa paglinang sa mga kasanayan ng mga mag¬aaral sa mga faktwal na kaalaman, pag-unawa at aplikasyon. Ang mga ito ay sumusukat lamang sa mababang antas ng pag¬iisip. Hindi nabigyang pansin ang mga tanong na lumilinang sa mataas na antas ng pag-iisip tulad ng antas-analisis, antas-sintesis at antas-ebalwasyon. 1. Karamihan sa mga tanong pampanitikang ginamit ng guro sa mga markahang pagsusulit ay sumusukat lamang sa mga kakayahang pangkaalaman, pangkomprehensyon at pang-aplikasyon. Mangilan-ngilan lamang ang mga tanong na nagpahalaga sa kakayahang mag-analisa. 2. Ang antas ng mga tanong pangwikanq qinamit ng guro sa mga markahang pagsusulit ay sumu3ukat lamang sa mga kakayahang pangkaalaman, pangkomprehensyon at pang-aplikasyon. Mangilan-ngilan lamang ang mga tanong na nagpahalaga sa kakayahang mag-analisa. 3. Ang pagkakaiba ng antas ng mga tanong pampanitikang ginamit ng guro sa tatlong paaralan ay makabuluhan. Tinatanggap ang hipotesis na nagsasabing may makabuluhang pagkakaiba ang antas ng tanong sa tatlong paaralan. 4. Makabuluhan ang pagkakaiba ng antas ng mga tanong pangwika na ginamit ng guro sa tatlong paaralan kaya tinatanggap ang hipotesis na may makabuluhang pagkakaiba ang antas ng tanong sa tatlong paaralan. Mula sa pag-aaral, natuklasan ng mananaliksik ang malaking pangangailangang maiangat ang antas ng tanong na ginagamit ng mga guro at ang pangangailangang malinang sa mga guro ang pagkakaroon ng sapat na kaalaman at kasanayan sa pagbuo ng mga tanong. Iminumungkahi ang mga sumusunod: 1. Paggamit ng mga tanong na nasa antas-analisis, antas-sintesis at antas-ebalwasyon ng mga paaralang naging paksa ng pag-aaral, sa paggawa ng mga markahang pagususulit. 2. Pagpapadala ng mga guro sa mababa at mataas na paaralan sa mga seminar/worksyap tungkol sa paggawa ng mga pagsusulit at pamamaraan ng pagtatanong. 3. Na ipatupad ng mga ulongguro ang paggawa ng talahanayan ng Ispesipikasyon bago gurnawa ng pagsusulit nang sa ganoon ay makita kung paano nababahagi nang wasto ang mga tanong. 4. Na ang sining ng pagtatanong at paggawa ng pagsusulit ay gawing isang hiwalay na asignatura sa kurikulum sa kursong edukasyon upang matutukan ang kasanayan sa pagtatanong at paggawa ng pagsusulit. 5. Na magkaroon ng isang komiteng aalalay at mag-aaral ng mga pagsusulit bago ipagamit upang makita ang kahinaan at kahusayan ng mga ito. 6. Ang pagsasagawa ng malawakang pag-aaral tungkol sa sining at pamamaraan ng pagtatanong ng guro, ganoon din sa mga paksang may kinalaman sa mga teacher-made test, antas ng mga tanong na ginagamit ng mga guro sa interaksyong pangklase sa pampribadong paaralang sekondarya at kolehiyo.Item Antas ng pokus ng pandiwa sa wikang Aklanon at Filipino : isang pahambing na pagsusuri(1989-11) Flores, Fermina C.Ang naging pangunahin layunin ng pananaliksik na ito’y paghambingin ang antas ng pokus ng pandiwa sa dalawang wika-Aklanon at Filipino. Tinangkang masagot ang pagkakatulad ng Filipino at Aklanon sa ugnayang pambalarila ng pandiwa sa paksa ng pangungusapi; and pagkakahawig ng pokus ng pandiwa kung ito’y ginagamit sa pangungusap; and pagkakatulad ng mga panlaping makadiwa at ang paraan ng pagkakabit ng panlaping makadiwa sa Filipino at Aklanon. Gumamit ng pahambing na pagsusuri, mga kaalamang pangliggwistika at mga impormanteng kinapanayam sa pagtalakay ng paksa ang may-akda. Ginawan din ng mga hulwaran o modelong pangungusap na siyang pinagbatayan ng pagtalakay sap ag-alam ng pagkakatulad ng mga panlaping makadiwa, ang paraan ng pagkakabit ng mga panlapi at antas ng pokus ng pandiwa. Natuklasan sap ag-aaral na ito na may pagkakatulad sa paraan ng pagkakabit ng panlaping makadiwa sa salitang ugat; sa ugnayang pambalarila ng pandiwa, sa pokus ng pandiwa sa pangungusap at sa mga panlaping makadiwa sa dalawang wikang nabanggit- Filipino at Aklanon. Iminungkahi na ipagpatuloy pa ang pag-aaral sa suliranon ng pagtuturo ng pokus ng pandiwa para sa paggawa ng naaangkop na kagamitang pampagtuturo. Ang pag-aaral na ito’y gumamit ng pahambing na pagsusuri. Ang kaalamang linggwistika, mga nakalimbag na aklat gaya ng Makabagong Balarilang Filipino nina Santiago, Alfonso at Tiangco, Makabagong balarila ng Filipino ni Teresita Ramos, Linguistics Across Cultures ni Robert Lado, The Four Focus Transformation of Tagalog ni Teodoro Llamzon, at marami pang nakalimbag na aklat panlinggwistika ang ginamit ng mananaliksik sap ag-aaral na ito. Ang mga aklat na nabanggit at iba pa ay matutunghayan sa talaan ng mga sanggunian sa likuran ng aklat na ito. Nakatulong din ang kaalaman ng may-akda sapagkat ito ang kanyang unang wika (Aklanon) at ang kaalaman din ng ilang mga impormante sa pagtatalakay sa paksa. Ang mga impormanteng ito ay kinapanayam ng may-akda sa pamamagitan ng tape recorder at mga kwestyunaryo. Tinalakay at binigyan ng katuturan ang mga salitang ginamit sa pananaliksik at binigyan ng mga halimbawa ang mga salitang-ugat sa Aklanon at Filipino. Binanghay din ang pandiwa sa tatlong aspekto. Binigyan din ng halimbawa sa iba’t ibang antas ng pokus ng pandiwa sa wikang Aklanon at Filipino. Ginamit ng may-akda ang pamraan sa paghahambing ng dalawang istrakturang panggramatika. Ginawan ng aktwal na paghahambing sa dalawang wika- and Aklanon at Filipino, sa pamamagitan ng mga hulwaram o ng pagtalakay sa pag-alam ng pagkakatulad o pagkakapareho ng mg mga panlaping makadiwa, ang paraan ng pagkakabit ng mga panlapi at antas ng pokus ng pandiwa. Pagkatapos ng maingat at masusing pagsasaalang-alang sa mga datos ng pag-aaral, ang mananaliksik ay naglahad ng mga sumusunod na konklusyon: Ang wikang Aklanon at Filipino ay may pagkakatulad, sa anyo, kahulugan, at balangkas ng pangungusap na may pokus ng pandiwa. Ang pagkakatulad ng anyo at kahulugan ay sa pamamagitan ng panlaping makadiwa na ikinabit sa salitang-ugat na pandiwa. Nagkakatulad din sa balangkas ng pangungusap na may pokus ng pandiwa sa pangungusap na may simuno at panaguri. Aang pagkakatulad ng anyo at kahulugan ng panlaping makadiwa ay sa pamamagitan ng pokus ng pandiwa, sa pokus actor, /mag-/, /-um/ at /mang-/, sa pokus sa layon , /i-/ at sa pokus ng kaganapan, /-an/. Ang pagkakatulad ng balangkas ng pangungusap na may pokus ng pandiwa, ay sa pamamagitan ng pokus actor, pokus layon, pokus sa kaganapan, pokus sa kalanaanan, at pokus sa sanhi. Natuklasan din ng may-akda na may panlaping makadiwa na Filipino at Aklanon na may pagkakaiba ng anyo ngunit magkatulad ng kahulugan sa sandalling ikinabit ang mga panlaping ito sa salitang-ugat na pandiwa at ginamit sa pangungusap. Ang mga panlaping Aklanon na may pagkakaiba ng anyo sa Filipino ngunit magkakatulad ng kahulugan ay sa pamamagitan ng pandiwang nasa: una: pokus sa layon, /-in/ na may katumbas na /gin-/ sa Aklanon; ang panlaping /pa-, -an,/ na may katumbas na /pa-, -e/ sa Aklanon; ang panlaping /-han/ na may katumbas na /-nan/ at /-ne/ sa Aklanon. Pangalawa: ang pokus sa ganapan, ang mga panlaping /pa-, -an/ na may katumbas na /-an/ sa Aklanon; ang panlaping /-han/ na may katumabas na /-nan/ at /-ne/ sa Aklanon. Pangatlo: ang pokus sa kalaanan, ang mga panlaping /ipag-/ na may katumbas na /-an/ Sa Aklanonon, at panlaping /i-/ na may katumbas na /-hi/ at /-han/ sa Aklanon, at pang-apat: ang pokus sa sanhi, ang panlaping /ika-/ ay may katumbas na /gin-, -an/ sa Aklanon. Natuklasan din ng may-akda na ang balangkas ng pangungusap sa Filipino na nasa anyong pautos at nagtatglay ng pandiwang kasing-anyo ng pawatas ay may pagkakatulad sa balangkas ng pangungusap sa Aklanon. Ang pagkakatulad sa balangkas ng pangungusap na nasa anyong pautos ay sa pamamagitan ng pandiwa na nasa pokus sa layon, pokus sa ganapan at pokus sa kalaanan. Ang mga natuklasan sap ag-aaral na ito ay iminungkahi na; una: para sa mga mag-aaral na gumagawa ng tesis, dapat ipagpatuloy ang masusing pananaliksik sa unang wika ng mag-aaral, hindi lamang ang wikang Aklanon kundi maging ang iba’t ibang diyaleto ng ating bansa, sapagkat ito ay nakakatulog sa pagpapagaan ng pagtuturo ng wikang Filipino bilang pangalawang wika sa paaralan at sa pagpapalaganap ng wikang ito, bilang wikang Pambansa. Pangalawa: para sa mga guro na nagtuturo sa lalawigang Aklan, upang mapadali ang pagkakatuto ng mag-aaral, gamitin ang nabuong padron o hulwarang pangungusap batay sa isinagawang pag-aaral tungkol sa iba’t ibang pokus ng pandiwa. Pangatlo: para sa mga gurong Aklanon na nagtuturo ng Filipino sa mga pook na di-Tagalog tulad ng Baguio, iminungkahi rin ng may-akda na gamitin ang mga padron o hulwarang pangungusap tungkol sa iba’t ibang pokus ng pandiwa. Pang-apat: para sa lahat ng mga gurong nagtuturo ng Filipino, iminungkahi rin ng may akda na gamitin ang nabuong padron o hulwarang pangungusap tungkol sa iba’t ibang pokus ng pandiwa sapagkat naging mabisa ito sa may-akda sa pagtuturo niya ng iba’t ibang pokus ng pandiwa. Panlima: sa mga dalubwika o linggwistika, iminungkahi ng may-akda na ipagpatuloy ang pagsasaliksik sa Aklanon at iba pang kapatid na diyalekto ng Lalawigang Aklan at iba pang kapait na diyalekto ng Lalawigang Aklan upang matuklasan ang iba pang pagkakatulad nito hindi lamang sa antas ng pokus ng pandiwa kundi maging sa balangkas ng salita at pangungusap. Pang-anim: sa mga naglalayong mag-aral sa antas ng pokus ng pandiwa sa Aklanon, iminungkahi a isama ang pokus na instrumental sa isasagawang pag-aaral at Pampito: para sa mga mag-aaral na gumagawa ng tesis, iminungkahi nap ag-aralan ang mga suliranin sa pagtuturo ng iba’t ibang pokus ng pandiwa upng mabatid ang wastong pamamaraan sa pagtuturo nito at sa pagsasagawa ng naaangkop na mga kagamitang pampagtuturo.Item Estilo sa nalikhang tula ng mga kadeteng nasa ikaapat na antas sa Philippine Military Academy.(2011-04) De Castro, Johnna JamandronAng pananaliksik ay nakatuon sa pagtuklas sa estilo ng paglikha ng tula ng mga kadeteng nasa ikaapat na antas sa Philippine Military Academy, TP 2010-2011, Siklab-diwa class 2014. Iba't iba ang estilo sa nalikhang tula ng bawatmakata, kung kaya't iba't Mang taglay na bisa mayroon ang mga ito. Ang istilo ay nagkakaiba-iba kahit na iisang paksa lamang ang tinatalakay na para bang sumasabay sa pagbabago at paglipas ng panahon. Magkagayunman, kinikilala pa rin ang pagsulat ng tula bilang isang sining na maaaring manlibang, mangaral, manuri o manudyo. Ang mga kadete ay kinabakasan ng kasanayang sumulat ng tula. Pinabubulaanan nito na ang mga militar ay mga robot - manhid at walang pakiramdam. Ang mga kadete ay karaniwan ding nilalang na nakakaramdam ng iba’t ibang damdamin. At ito'y naibubulalas ng mga kadete sa pamamagitan ng pagsulat ng tula. Ang mga tula ay kinabakasan ng pagtutugma, pagtatalinghaga, pagsasagisag at pagtatayutay gamit ang diskors. Ang mga Ito ay kumakatawang estilo na tinangkang tuklasin ng mananaliksik. Naglalayon itong tumugon sa mga sumusunod: 1. Makikilala ang estilong nangingibabaw sa nalikhang tula ng mga kadeteng nasa ikaapat na antas. 2. Matutukoy ang uri ng diskors na nangingibabaw sa nalikhang tula ng mga kadeteng nasa ikaapat na antas sa PMA. 3. Matutukoy ang kaugnayan ng estilo sa antas ng kahusayan sa nalikhang tula ng mga kadeteng nasa ikaapat na antas. 4. Makapagmumungkahi ng mga gawaing pangklase na magiging mabisang panghikayat upang mapaunlad ang estilo sa paglikha ng tula ng mga kadeteng nasa ikaapat na antas. Ang pag-aaral na ito ay nagtangkang matuklasan ang estilo ng paglikha ng tula ng mga kadeteng nasa ikaapat na antas. Ninais ding masagot ang mga tiyak ng suliranin katulad ng mga sumusunod: 1. Ano ang estilong nangingibabaw sa nalikhang tula ng mga kadeteng nasa ikaapat na antas? Haypotesis: Ang kadalasang estilong nangingibabaw sa nalikhang tula ng mga kadeteng nasa ikaapat na antas ay ang paggamit ng pagtutugma. 2. Ano ang uri ng diskors na nangingibabaw sa nalikhang tula ng mga kadeteng nasa ikaapat na antas ng PMA? Haypotesis: Ang uri ng diskors na nangingibabaw sa nalikhang tula ng mga kadeteng nasa ikaapat na antas ay paglalahad. 3.Ano ang kaugnayan ng estilo sa antas ng kahusayan sa nalikhang tula ng mga kadeteng nasa ikaapat na antas? Haypotesis: May makabuluhang kaugnayan ang estilo sa antas ng kahusayan sa paglikha ng tula ng mga kadeteng nasa ikaapat na antas. 4. Anong gawaing pangklase ang mabisang makahihikayat upang mapaunlad ang estilo sa paglikha ng tula ng mga kadeteng nasa ikaapat na antas? Pangunahing ginamit ang pamamaraang deskriptib at korelasyunal upang matuklasan ang estilo ng mga kadete at kaugnayan ng estilo sa antas ng kanilang kahusayan sa paglikha ng tula. Ang mga respondente ay kinatawan ng 50 kadete na sumulat nq tigtatatlong malalayanq tula. Systematic random sampling ang ginamit sa pagpili ng mga respondenteng kabilang sa pag-aaral. Ginamit ang pamamaraang deskriptib sarbey upang matuklasan ang nangingibabaw na estilo at uri ng diskors. Ang pagbabahagdan ay batayan kung ano anq nangingibabaw n d estilo at madalas gamiting uri ng diskors. Ginamit ang pamamaraang korelasyunal upang malaman ang kaugnayan ng estilo sa antas ng kahusayan. Ginamit ang Pearson's R upang masubok ang haypotesis na may makabuluhang kaugnayan ang estilo sa antas ng kahusayan sa paglikha ng tula ng mga kadeteng nasa ikaapat na antas. Ang mga sumusunod ang mga pangunaning natuklasan sa pag-aaral: 1. Iba't ibang estilo ang ginamit ng mga kadete sa kanilang nalikhang tula: a. Nangibabaw ang pagtutugma na sangkap ng kariktan, pumangalawa ang pagtatayutay, pumapangatlo ang larawang diwa at panghuii ang pagsasagisag. b. Sa pagpapakahulugan higit na nagamit ang denotasyon kaysa konotasyon. 2. Pinakagamitin ang paglalahad sa mga nalikhang tula ng mga kadeteng nasa ikaapat na antas, pumangalawa ang pagsasalaysay at panghuli ang paglalarawan. 3. Lumabas sa pagsusuri na ang estilo at antas ng kahusayan sa paglikha ng tula ay may makabuluhang kaugnayan sa bawat isa. Batay sa kinalabasan ng pagsusuri, ang mga sumusunod ay mga nabuong kongklusyon: 1. Ang paglikha ng tula ay isang sining na kababakasan ng pansariling estilo at/o orihinalidad kung kaya't nagkakaiba-iba ang kinalabasang bisa na dapat umayon sa prinsipyo ng kawastuhan sa larangan ng linggwistiks at retorika. 2. May epekto ang pagpasok ng mga makabagong teknolohiya lalo na ng panonood sa telebisyon at paggamit ng kompyuter sa pagkakalantad ng mga kadete na naging sanhi ng malimit na paggamit ng diskors na palahad. 3. Ang kahusayan sa paglikha ng tula ay hindi lamang nakasalalay sa salik ng linggwistiks kundi pagsaalang- alang din sa mga salik na may kaugnayan sa retorika kung saan saklaw nito ang paggamit ng estilo. Batay sa mga natuklasan ng mananaliksik ay nabuo ang mga sumusunod na rekomendasyon upang mapabuti ang kasanayan ng mga kadeteng nasa ikaapat na antas sa paglikha ng tula. 1. Bago tuwirang pasulatin ang mga kadete ng kanilang tula nararapat muna silang magkaroon ng batayang kaalaman sa mga sangkap at estilong patula. 2. Magkaroon ng mga gawaing pang klase na tatalakay sa iba't ibang uri ng diskors tulad ng pagsasalaysay, paglalarawan, paglalahad at pangangatwiran. Bigyan ng mga huwarang akda ang mga kadete sa bawat uri ng diskors bago sila pasulatin upang magkaroon sila ng gabay sa mabisang paglikha ng isang tula. 3. Dapat maging isang hamon sa mga guro sa Filipino ang pagiging mapanlikha, mapamaraan at maalam kung papaano ituturo at hihikayatin ang mga mag-aaral na lumikha ng isang tula. 4. Maging bukas sa makabagong paglikha ng tula tulad ng paggamit ng mga teknolohiya upang higit na malantad, mapabuti at mabihasa ang pagkakasanib ng estilo sa kasanayang sumulat. 5. Iminumungkahi ang isa pang pag-aaral na nakakatulad nito kung saan ang pokus ay sa baryasyon ng estilo sa pagkakalikha ng tula upang mas mabisa at masining ang kalalabasang akdang patula.Item Isang pagsusuri sa mga pagpapahalagang natamo sa pag-aaral ng panitikang Filipino(1995-10) Panida, Ma. Jenny P.,Ang pagsusuri sa natamong pagpapahalaga sa pag-aaral ng Panitikang Filipino ng mga mag-aaral na babae at lalaki sa Dalubhasaang BCF ang pinag-ukulan ng pag-aaral. Natuklasan sap ag-aaral na ang mga kabataang mag-aaral na babae at lalaki sa Dalubhasang BCF ay may natamong pagpapahalaga sap ag-aaral ng ispiritwal, pagpapahalaga sa katotohanan, pag-big, kalusugan, pananagutang panlipunan, pang-ekonomikong pagsasarili, nasyonalismo, at pandaigdig na pagsasarili. Ang mga pagpapahalagang nabanggit ay nakalahad din sa Balangkas ng Edukasyong pagpapahalaga ng DECS na siyang naging batayan ng talatanungang ginamit. Natuklasan na sa panahon ng kasalukuyan bilang sakop sap ag-aaral ng panitikan higit na nakatamo ng pagpapahalaga ang mag-aaral. Napag-alaman ding may makabuluhang pagkakaiba ng mga pagpapahalagang natamo ng mga mag-aaral na babae at lalaki sa iba’t ibang sakop sa pag-aaral ng panitikan. Ang kinalabasan ng pag-aaral na ito, na may pagpapahalagang natamo ang mga kabataang mag-aaral na babae at lalaki sap ag-aaral ng Panitikan ay tumutugma sa layunin ng pamahalaan ukol sa pagkampanya sa program ana pagpapabuti sa moral na nakalahad sa Proklamasyon Bilang 62 na pinagtibay ng Pangulong Fidel V. Ramos. Ito rin ay may kaugnayan sa inilahad ng seksyon 13 ng Artikulo II ng konstitusyon ng 1987 ukol sa pagkilala ng pamahalaan sa mahalagang tungkulin ng kabataan sa paghubog ng isang nasyon kaya nararapat lamang na magtaglay sila ng mga pagpapahalagang makabuluhan sa pagsasakatuparan nito. Sa isinagawang pag-aaral, tinukoy ng mananaliksik ang mga pagpapahalagang nakapaloob sa mga aralin sa mga aklat pampanitikan. Inihanda at binuo ang instrumenting ginamit upang malikom ang mga natutuhang pagpapahalaga ng mga mag-aaral sap ag-aaral ng panitikan. Inihanay sa inihandang questionnaire checklist ang mga pagpapahalaga na ibinatay sa balangkas ng edukasyong pagpapahalaga ng DECS ukol s apitong pambuod na pagpapahalaga at ang mga kaugnay na pagpapahalaga nito gayundin ang panahon ng panitikan na kinapapalooban nito. Kumuha ng sampung mag-aaral ang mananaliksik mula sa tatlong departamento sa dalubhasaang BCF na ginamit sa pagsubok at sila na rin ang kinapanayam para sa pagbabalido ng instrumento. Sa pagkuha sa mga naging tagatugon ay inalam ng mananaliksik ang talaan ng pangalan ng lahat ng mga mag-aaral sa Departamento ng Edukasyon, Sining at Agham at Komersyo na kumuha ng Panitikan sa Ikalawang Semestre ng Taong-paaralan 1994-1995. Tinuos ang tiyak na bilang ng mga naging kalahok na siyang ginamit sa malawakang pag-aaral at inihiwalay ang mga naging tugon ng mga babae at lalaking mag-aaral upang makita ang pagkakaiba ng pagpapahalagang kanilang natamo. Ginamit ang paraang random sampling sa pagkuha ng mga kalahok para sa paglikom ng mga datos at ang “lottery sampling” o “fishbowl technique” na anyo nito ang tuwirang ginamit. Inalam din ng mananaliksik ang mga instrumenting istatistikal na ginamit upang higit na madali ang pag-unawa at pagpapakahulugan sa mga nalikom na datos. Ang “mean of combined groups” ang ginamit sa pagtutuos ng pinagsamang mean ng pagpapahalaga ng babae at lalaking mag-aaral sa iba’t ibang panahong sakop sa pag-aaral ng panitikang Filipino. Ang “Spearman’s Coefficient of Correlation with Tied Ranks” naman ang ginamit sa pagtutuos ng pagkakaiba ranggo ng mga pagpapahalagang natamo sap ag-aaral ng panitikan ng mga mag-aaral na babae at lalaki. Binigyan din ng kaukulang pagpapakahulugan ang t-test sa pamamagitan ng paghahambing ng tinuos na t sa nakatalang t sa antas .05 ng pagiging makabuluhan. Pinili ang antas na ito dahil ito ang katamtamang antas na nababagay sa ginawang pag-aaral. Ayon sa kinalabasan ng pag-aaral, ang asignaturang panitikan Filipino ay mabuting lunsaran upang maipagpatuloy ang layunin ng DECS ukol sa paglinang at paghubog sa mga pagpapahalagang nakapaloob sa balangkas ng edukasyong pagpapahalaga ng DECS sa kabataan. Higit ding naikintal sa mga kabataan ang pag-ibig at pananalig sa Diyos na kailangan sa makabagong panahon. Ang kasalukuyang panahon na sakop sa pag-aaral ng panitikan ay higit na nabigyan ng pansin ng mga mag-aaral. Napag-alaman na ang pagpapahalaga sa pang-ekonomikong pagsasarili, nasyonalismo at pandaigdig na pagkakaisa ang higit na naikintal sa kanilang isipan sa panahong ito dahil ito ay may kinalaman sa realidad. Natuklasan din na may makabuluhang pagkakaiba ang pagpapahalagang natamo ng mga mag-aaral na babae at lalaki sa pag-aaral ng panitikan. Batay sa kinalabasan ng pag-aaral, iminumungkahi ng mananaliksik na kailangang higit pang maipamulat sa mga kabataang mag-aaral sa kolehiyo na ang panitikang Filipino ay isang makabuluhang asignaturang kailangan nilang pahalagahan. Dapat ding isaalang-alang ng mga guro ang kahalagahan ng pitong pambuod na pagpapahalaga na nakapaloob sa Balangkas ng Edukasyong Pagpapahalaga ng DECS. Nararapat ding panatilihin ang mga pagpapahalagang masasalamin sap ag-aaral ng panitikan lalung-lalo na ang pang-ispiritwal na kailangan ng isang makabagong panahon. Kailangan ding maging mapanuri ang mga guro sa mga gagamiting lunsarang akda at magkaroon ng malawakang pagsusuri sa mga ito. Ang “role playing” bilang paraan ng pagbabatid sa mga pagpapahalaga ay Mabuti rin. Nararapat ding ipagpatuloy na linangin sa mga kabataan ang pag-ibig sa bayan at ang pagpapahalaga sa pagtitipid. Kaialangang maipaunawa sa mga kabataan na ang mga pagpapahalagang kanilang natutuhan ay hindi maluluma at dapat lamang na manguna ang mga edukador sa pagkampanya at pagpapatibay sa programa ng pagpapabuting moral. Kailangan pa ng higit na mahabang panahon sap ag-aaral ng panitikang Filipino upang mapatnubayan ang mga kabataang kumuha nito. Ang asignaturang Filipino 2a o kontemporaryong panitikan ay nararapat lamang na maisama sa kurikulum ng lahat ng departamento sa mga dalubhasaan. Iminumungkahi ring magsafawa ng isa pang-pagaaral na naglalayong tuklasin o alamin kung nagkakasama o nagkakatugma ang teorya at pagsasagawa ukol sa mga pagpapahalagang natutuhan ng mga mag-aaral.Item Komparatibong pag-aaral sa kabisaan ng Ingles at Flipino bilang midyum sa pagtuturo ng Araling Panlipunan II(2012-11) Espinueva, Blesilda Soriano.Ang ilang dekadang pagpapatupad ng Patakarang Bilinggwal sa Edukasyon ay lubos na nakaapekto sa paghulma ng paggamit ng Ingles at Filipino bilang midyum ng pagtuturo mula noong ipatupad ito. Kung babalikan ang ilang dekadang nakalipas hanggang sa kasalukuyan, mainit na paksa pa rin sa mga diskusyon at pagtatalo kung alin ang mas mabisang wikang panturo sa mga asignatura gaya ng Araling Panlipunan II. Ito ay sumasakop sa mga paksang may kinalaman sa sinaunang kabihasnan ng mga Asyano, heograpiya, pamamahala at kultura. Mahalagang maituro nang maayos ang mga ito dahil ito ang nagmumulat sa mga mag- aaral sa halaga ng pag-aaral ng kasaysayan at nagpapalalim din sa kanilang pag-unawa sa kanilang pagkakakilanlan. Upang maisagawa ito, mahalagang malaman kung sa aling wika mas mabisang ituro ang isang asignatura upang matiyak ang mabisang pagkatuto ng mga mag-aaral. Ang kabisaan ng pagtuturo ay madalas na ibinabatay sa antas ng pagkatuto ng mga mag-aaral. Isa sa mga paraan upang masukat ito ay ang resulta ng mga pagsusulit na ibinibigay ng Kagawaran ng Edukasyon at ng mga guro. Ang resulta ng mga pagsusulit at mga gradong ibinibigay ng guro sa pagtatapos ng bawat markahan ay naiimpluwensyahan ng iba't ibang salik gaya ng wikang ginagamit sa pagtuturo na isa sa mga tiningnan sa pag-aaral na ito. Ang paraan ng pagtuturo ng isang asignatura gamit ang isang wika kasama ang pagsasaalang-alang sa kaalaman at kasanayan ng mag-aaral sa wikang mas pamilyar sa kanya ay nakaaapekto nang malaki sa pagganap ng bawat mag-aaral. Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa antas ng kabisaan ng Ingles at Filipino bilang wikang panturo sa Araling Panlipunan II. Pinagtuunan ng pag-aaral ang pagtuklas ng mga kasagutan sa mga sumusunod na katanungan: 1. Ano ang antas ng pagkatuto sa Araling Panlipunan II ng mga mag-aaral sa mga piling paaralang sekondarya sa Dibisyon ng Baguio ayon sa: a. resulta ng achievement test, b. sariling pag-aantas, at c. grado ng mga mag-aaral? 2. Ano ang pagkakaiba ng antas ng pagkatuto ng mga mag-aaral sa Araling Panlipunan II batay sa resulta ng achievement test, grado, at sariling pag-aantas ayon sa: a. wikang panturo, at b. unang wika ng mga mag-aaral? 3. Ano ang tindi ng mga suliranin ng mga guro sa paggamit ng wikang Ingles at Filipino bilang midyum sa pagtuturo ng Araling Panlipunan II? 4. Ano ang mungkahing programa para sa kalutasan ng mga suliranin sa paggamit ng wikang Ingles at Filipino sa pagtuturo ng Araling Panlipunan II? Pagkatapos ng pagsusuri sa mga datos, lumabas ang mga sumusunod na resulta ng pag-aaral: 1. Katamtaman ang antas ng pagkatuto ng mga mag-aaral sa Araling Panlipunan II batay sa resulta ng National Achievement Test at grado nila sa Araling Panlipunan II ngunit mataas naman kung pagbabatayan ang sariling pag¬aantas ng mga mag-aaral. Makikita na mas marami sa mga mag¬aaral na may bilang na 1,754 a 77% ang may katamtamang masteri batay sa resulta ng NAT. Gayundin, 105 o 43.55% ang nakakuha ng gradong 81-86% na nangangahulugan ng katamtamang antas ng pagkatuto. Samantala, lumabas na ang kabuuang mean ng pagkatuto ng mga mag-aaral batay sa kanilang sariling pag-aantas ay 2.75 na nangangahulugang mataas. 2. May makabuluhang pagkakaiba ang resulta ng National Achievement Test ayon sa wikang panturong ginagamit sa Araling Panlipunan II na pinatunayan ng tabular computed value na 12.240 na mas mataas sa level of significance na 0.000. Samantala, hindi makabuluhan ang pagkakaiba ng antas ng pagkatuto ng mga mag-aaral batay sa kanilang mga grado dahil sa lumabas na tabular computed value na 0.441 na mas mababa kaysa sa level of significance na 0.661. Gayundin, hindi makabuluhan ang pagkakaiba ng antas ng pagkatuto ng mga mag-aaral ayon sa kanilang sariling pag-aantas batay sa lumabas na kabuuang tabular computed value na 0.019 na mas mababa kaysa sa level of significance na 0.985. Samantala, may makabuluhang pagkakaiba ang grado ng mga mag-aaral na ang unang wika ay Filipino at Ingles kung pagbabatayan ang resulta ng post hoc analysis kung saan ang mean difference ay .393 na may significance value na .037 (P<0.05) at masasabing higit na mataas ang antas ng pagkatuto ng mga mag-aaral na Filipino ang unang wika kaysa sa mga mag¬aaral ng Ingles ang unang wika. 3. Matindi ang epekto ng mga suliranin ng mga guro sa kabisaan ng pagtuturo kaugnay ng paggamit ng wikang Ingles at Filipino bilang midyum sa pagtuturo ng Araling Panlipunan II. 1. Hindi pa ganap na natamo ng mga mag-aaral ang mga inaasahang kasanayan o tunguhing dapat nilang matamo sa Araling Panlipunan II. 2. Nakaiimpluwensya ang wikang panturo sa antas ng pagkatuto ng mga mag-aaral sa Araling Panlipunan II samantalang hindi nakaiimpluwensya ang unang wika sa antas ng pagkatuto ng mga mag-aaral sa Araling Panlipunan II. 3. Nakasasagabal ang mga suliranin ng mga guro sa kabisaan ng pagtuturo ng Araling Panlipunan II. 4.Nangangailangan ng programang tutugon sa mga suliranin ng mga guro gamit ang wikang Ingles at Filipino sa pagtuturo ng Araling Panlipunan. Mula sa mga natuklasang resulta at nabuong kongklusyon, iminumungkahi ng mananaliksik ang mga sumusunod: 1.Cross-match na pagsusuri sa mga pangangailangang pampagkatuto (learning needs) ng mga mag-aaral at sa kasalukuyang lapit (approaches) gayundin sa nilalaman ng asignatura upang matukoy kung ang mga ito ay may makabuluhan at tumutugon sa pangangailangang pampagkatuto ng mga mag-aaral. 2. Pagsasagawa ng pagbabalik-aral at modipikasyon sa kasalukuyang silabus o hanay ng mga aralin upang matugunan ang mga pangangailangan at maiakma/maiangkop ito sa kakayahan ng mga mag-aaral. 3.Pagtukoy sa kaligirang pangwika ng mga mag-aaral sa pagsisimula pa lamang ng klase nang sa gayon ay matugunan ang pangangailangan ng mga mag-aaral na bahagi ng klaseng iba-iba ang wikang ginagamit. 4. Paggamit ng wikang pinakapamilyar at pinakamalapit sa pag-unawa ng mga mag-aaral gaya ng unang wika at Filipino. 5.Pagpapalimbag ng higit na marami pang aklat o sangguniang makatutugon sa pangangailangan ng mga guro para sa higit na malawakang pagtalakay at mabisang pagtuturo sa mga mag-aaral. 6. Pagpapatupad ng mungkahing programa para sa kalutasan ng mga suliranin sa paggamit ng wikang Ingles at Filipino sa pagtuturo ng Araling Panlipunan II.Item Larawan ng kababaihan sa mga nobela ni Lualhati Bautista : isang pagsusuri(1991-05) Picpican, Caridad M.,Pinag-ukulan ng pagsusuri sa pag-aaral na ito ang mga nobela ni Lualhati Bautista na nagkamit ng gantimpalang Palanca upang mailantad ang mga pangyayaring nagluwal ng larawan ng kababaihan batay sa pananaw ng isang kontemporaryong nobelistang babae. Natuklasan sap ag-aaral na ang tatlong nobela ay larawan ng kani-kanilang panahon sapagkat ang bawat isa ay naglalantad ng mga pangyayari sa panahong ang mga ito ay nasualt. Ang mga pangyayaring nauugnay sa lipunan, sa pulitika at sa ekonomiya ay binigyang-buhay ng may-akda sa pamamagitan ng mga babaeng tauhan na nagpamalas ng kani-kanilang sariling larawan. Sa paglalahad at paglalarawan ng nobelista ng mga pangyayari, itinampok niya ang diwa ng pagbabago. Ang pagbabagong naganap sa kababaihan ay bunga ng mga suliranin sa limpunang kanilang ginagalawan. Ang mga suliraning ito ang nagmulat sa mga tauhan sa mga tunay na nagaganap sa kanilang kapaligiran at gumising sa kanilang kamalayan panilipunan. Sa kanilang pagkamulat, bawat isa ay kumilos upang makapag-ambag para sa pagbabago ng lipunang kanilang ginagalawan. Dahil dito, sila ay nagpakita ng kanilang sariling kaakuhan at halaga hindi lamang bilang isang mamamayan kundi bilang miyembro ng itinuturing na mahinang kasarian- ang kababaihan. Sa ganitong paraan, pinatunayan ng bawat nobela ang kahalagahan ng kababaihan sa pagbuo ng isang maunlad na lipunan na siyang isinasaad ng Artikulo II, Seksyon 14 ng Saligang Batas ng Pilipinas. Nabigyan ng mag-akda ng element ng realism ang kanyang mga nobela sa pamamagitan ng paggamit niya ng mga tunay na pangyayari sa bansa at sa pagbibigay niya sa kanyang mga piksyunal na tauhan ng kanyang sariling mga katangian o katangian ng mga ibang tao subalit sa pag-unlad ng bawat nobela, ang ang mga tauhan ay nagkaroon na ng sariling kaakuhan. Gayundin, ginamit niya ang lingua franca na nakatulong din nang Malaki upang maging makatotohanan ang pagbibigay-buhay sa kanyang mga tauhan. Sa isinagawang pag-aaral, binasa ng mananaliksik ang tatlong nobela ni Lualhati Bautista na nagkamit ng gantimpalang Palanca sa mga taong 1979-80 (‘Gapo), 1980-81. (Dekada ’70) at 1983-84 (Bata, Bata… Paano ka Ginawa?). Sa pagbabasa ng mananaliksik, binigyang pansin ang diwa ng bawat nobela, ang paglalarawan at pagbibigay-buhay ng nobelistan sa mga tauhan at ang mga pangyayaring inilahad hindi lamang sa bawal nobela kundi gayundin ang pagkakaugnay-ugnay ng mga pangyayari sa tatlong nobela. Ang ilang aklat at mga isinagawang pag-aaral na nagtataglay ng katulad na diwang matatagpuan sa mga nobela ni Lualhati Bautista ay siniyasat din ng mananaliksik para lalong maging makahulugan ang pag-aaral. Nakatulong din nang Malaki ang isinagawang pakikipanayam sa may-akda para lalong maunawaan ang kabuuan ng mga nobela at ang mahalagang kaisipan ng may-akda. Bukod sa mga nabanggit, hindi naiwasang gamitin ng mananaliksik ang ilang pagdulog sa pagsusuri sapagkat ang mga ito ay kailangan upang buong-husay na maisagawa ang pag-aaral. Dito, ginamit ng mananaliksik ang pagdulog pangkasaysayan at pamaraang sosyo-kultural sapagkat sa pamamagitan ng mga ito, ang mga makasaysayang panyayari sa bawat nobela nauugnay sa lipunan, pulitika at ekonomiya ay binigyang-kahulugan sa paniniwalang ang bawat nobela ay larawan ng kanyang panahon. Ayon sa kinalabasan ng pag-aaral, ang mga panyayaring pampulitika, panlipunan at pang-ekonomiya na inilahad sa tatlong nobela ay nakaapekto nang malaki sa mga tauhan. Ang mga pangyayari ay siyang gumising sa kamalayan ng bawat isa at nagtulak sa kanilang kumilos para sa malawakang pagbabago. Sa ganitong paraan, sila ay nagpamalas ng natatanging larawan na nagpapatunay na sila ay may napakahalagang papel na dapat gampanan para sa pagbabago at pagpapabuti ng lipunang kanilang ginagalawan. Lumalabas din sa pagsusuri na dahil sa paglalantad ng mga nobela ni Lualhati Bautista ng mga makatotohanang pangyayari na nauugnay sa mga suliraning panlipunan, maaaring mauri ang mga ito bilang panitikang nagpoprotesta. Ngunit dahil ang kanyang mga nobela ay hindi lamang naglalantad ng mga suliraning panlipunan kundi nagbibigay din ng mga solusyong makalulutas sa mga suliranin, mauuri ring panitikang rebolusyunaryo ang mga ito. Ang mga ito ang nagbigay sa mga nobela ng matinding realismo. Batay sa kinalabasan ng pag-aaral, iminumungkahi ng mananaliksik na dapat pagtuunan ng pansin at pag-aralan ang mga nobelang tumatalakas sa mga napapanahong paksa tulad ng mga suliraning panlipunan at ang pagsibol ng natatanging larawan ng kababaihan upang magising ang kamalayang panlipunan ng mga mambabasa at upang mamulat din ang kababaihan sa katotohanang sila ay namumuhay sa papel na dapat gampanan. Maaari ring magamit na material ang mga nobela ni Lualhati Bautista sa mataas na paaralan lalung0lalo na sa ikaapat na taon at sa mga asignatura sa kolehiyo upang mapahalagahan din ng mga mag-aaral ang mahalagang diwang inilahat ng mga ito. Gayundin, ang pagsusuri sa mga nobela sa ibang aspekto ay iminumungkahi upang ang katangiang pampanitikan ng mga nobela ay mailabas bilang pagpapahalaga sa mga akdang ito na nagkamit ng gantimpalang Palanca.Item Mga piling katha ni Amor Cico : bisang paglalarawan at pahambing na pagsusuri(2006-03) Agbuya, Jenny Magalong,Bawat araw na dumaratal sa buhay ng tao ay nagbabago. Lahat ng pangyayari sa buhay ng bawat isa ay kaakibat ang malawak na konseptong ito. Ang pag-aaral na Ito na nakapokus sa mga piling maikling katha ni Amor Cico ay tumutugon at naglalayong makita at muling balikan ng tanaw at pansin ang mga kaisipan, kaugalian at pagpapahalaga na unti unti ng nililimot dulot ng nabanggit na pagbabago. Sa ikalilinaw ng pagsisiyasat na kinapapalooban ng anim na mga maikling kwento ng manunulat na si Amor Cico, sasagutin ang mga sumusunod na katanungan: 1. Anu-anong paksa ang napapaloob sa mga piling kwento ni Amor Cico? 2. Anu-anong istilo sa pagsulat ng may-akda ang ginamit sa paglalahad ng mga pangyayari sa mga piling akda? 3. Anu-anong tradisyon at kulturang kaakibat ng moralistiko, sikolohikal at sosyolohikal na pagdulog ang maaaring paghambingin upang maging lunsaran ng magandang kaasalan ng mga kabataan? 1. Ayon sa naging resulta ng pag-aaral, narito ang mga paksa sa bawat kuwento: Sa kwentong Maetan Panibeg nanguna ang paksang maghintay ng tamang panahon at kilalaning mabuti ang taong nais pag-ukulan ng panghabambuhay na pagmamahal. Ang Naibong Na Panibeg ay may paksang, maling akala, maling pananabik at nasayang na pagod dahil sa maling akala. Ang Betang Mb Pa Labat ay kinapapalooban ng mga paksang paghangang naudlot dahil sa maling akala at iluwa kapag napaso. Ang Aguik Itan, kwento na kinatatampukan ng paksang pagbibigayan at pagkakaunawaan ng tunay na magkaibigan sa panahong kailangan ng matatag na samahan. Ang Agui Ya Anggad Pagew ay may mga paksang natutungkol sa kapatid ng puso ang dibdib, ang kapatid ng tuksuan ay isang lambingan at tulak ng bibig kabig ng dibdib. Ang Ugaw Ni Tan ay kuwento na may mga paksang may gatas pa sa labi ang pag-ibig at makapaghihintay ang tunay na pag-ibig. 2.Ayon sa naging resulta ng pag-aaral,narito ang mga istilong nangibabaw sa bawat kwento: Sa kwentong Maetan Panibeg, nangibabaw ang istilong kumbensyonal. Ang Naibong Ya Panibeg ay may kumbensyonal at patumbalik isipan. Ang Betang Mo Pa Labat ay may kaayusang kumbensyonal. Ang Aguik Itan ay ginamitan ng may-akda ng mga istilong balak sa hinaharap at kombensyonal. Sa Agui Ya Anggad Pagew, nangibabaw naman ang istilong patumbalik isipan. Sa kwentong Ugaw Ni Itan, nanguna naman ang istilong daloy ng kamalayan. 3. Ang mga tradisyon at kulturang kaakibat ng moralistiko, sosyolohikal at sikolohikal na pagdulog ang maaaring paghahambing upang maging lunsaran ng kaasalan ay: Sa kwentong Maetan Panibeg nangibabaw ang kultura at tradisyon ng mga Pangasinense sa paniniwala sa mga sabi¬sabi o tsismis ng mga kapitbahay at pagsunod sa kagustuhan ng mga magulang na kaakibat ng moralistikong pagdulog. Sa kwento namang Betang Mo Pa Labat at Aguik Itan, masasalamin dito ang kultura at tradisyon ng mga Pangasinense partikular sa mga kabataan, ang pagiging padalus-dalos sa kanilang pagdedesisyon at sa paniniwala nilang "kapag napaso ay iniluluwa" na kaakibat din ng moralistikong pagdulog. Samantala, sa mga kwento namang Naibong Ya Panibeg, Agui Ya Anggad Pagew at Ugaw Ni Tan, masasalamin dito ang tradisyon at kulturang makalumang panliligaw ng mga Pangasinense na kaakibat ng sosyolohikal na pagdulog. Napatunayan din sa pag-aaral na ito, na bagamat ang anim na kwentong sinuri ay kinapapalooban ng moralistiko, sikolohikal at sosyolohikal na pagdulog, sosyolohikal na pagdulog ang siyang nangibabaw mula sa kabuuan ng pagsisiyasat. Napatunayan na ang napiling akda ni Amor Cico ay may mga paksaing natutungkol sa paghihintay ng tamang panahon kung pag-ibig ang pinag-uusapan dahil makapaghihintay ang pag-ibig. Nangibabaw naman ang istilong pinuputol ang wakas ng kuwento at ang istilong kumbensyonal na palasak din sa ibang akdang pampanitikan. Napatunayan din sa pag-aaral na ang mga tradisyon at kultura ng mga Pangasinense gaya ng magandang samahan ng mga magkapitbahay, pagsunod sa mga magulang at makalumang paraan ng panliligaw ay naging palasak sa anim na kwento. Kinapalooban naman ng moralistiko, sikolohikal at sosyolohikal na pagdulog ang bawat akda para mailarawan nang maayos ang mga nabanggit na tradisyon at kultura. Nangibabaw ang sosoyolohikal na pagdulog sa pag-aaral na ito. Batay sa nga naging resulta ng pag-aaral na ito, iminumungkahi ng mananaliksik ang mga sumusunod na tagubilin: 1. Na gamitin ng mga guro sa dalubhasaan at pamantasan ang nabanggit na mga paksa sa kanilang pagtatalakay ng mga akdang pampanitikan sa loob ng kanilang klase upang mapalawak at mahasa ang kanilang kaalaman ng mga mag-aaral sa larangan ng pagsusulat. At maging gabay sa pagbuo ng maikling kwentong kanilang naranasan sa kani-kanilang bayan. 3. Na bigyang-pansin ang mga kultura at tradisyon ng mga Pangasinense sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga akdang pampanitikan ng Wikang Panggalatoc. 4. Na isama sa kurikulum ng mga pamantasan at idagdag bilang isang asignatura sa pagtalakay sa kasaysayan, kultura at tradisyon ng mga Pangasinense. 5. Na gamitin bilang hanguan ng mga guri ng panitikan ang mga maikling kwento sa pagtuturo upang maikintal nila sa isipan ng kanilang mga mag-aaral ang mga kultura at tradisyon ng mga Pangasinense para maging sagisag ng kanilang idetidad. 6. Na maging lunsaran nq mga quro ng ibat ibang istratehiya sa pagtuturo ng panitikan upang maging masigla at kapakipakinabang ang talakayan at magkaroon pa lalo ng interes ang mga mag-aaral na pag-aralan and mga Panitikang Pangasinan.