College of Teacher Education
Permanent URI for this communityhttps://dspace.uc-bcf.edu.ph/handle/123456789/10
Browse
58 results
Search Results
Item Isang pagsusuri sa bisang pangkaisipan at pangkaasalan ng Florante at Laura ni Francisco Balagtas(1984-03) Ramos, Florentina D.Ang pag-aaral na ito ay naglalayong tumulong sa paagsasakatuparan sa mga hangarin ng kabansang Pilipino, hinggil sa ating pambansang tunguhing nauukol sa pagpapaunlad at pagpapalakas sa pambansang kamalayan sa pamamagitan ng pagsusuri at pagpapakahulugan sa mga bisang pangkaisipan at pangkaasalang nakapaloob sa Florante at Laua ni Francisco Balagtas. Naglalayong sagutin sa pag-aaral na ito ang mga sumusunod na katanungan: 1. Anu-ano ang mga mahahalagang kaisipang inilahad sa Florante at Laura? 2. Paano mapapangkat-pangkat ang mga kaisipang ito? Paano mabibigyang-kahulugan ang mga ito upang higit na malinawan at maunawaan ng mga mag-aaral?Item Isang paghahambing ng kakayahan sa pag-unawa sa pakikinig sa Ingles at Filipino ng mga batang di-tagalog sa ikatlong baitang(1989-02) Lamaton, Carmelita B.,Ang paghahambing ng kakayahan sa pag-unawa sa pakikinig sa Ingel at Filipino ng mga batang di-Tagalog sa ikatlong baitang ang pinag-ukulan ng pag-aaral. Naglalayong paghambingin ang kakayahan ng mga batang mag-aaral sa ikatlong baitang sa mga kuwentong inilahat sa Ingles at Filipino. Natuklasan sa pag-aaral na ang mga batang di-Tagalog ay nakauunawa sa dalawang wika (Filipino at Ingles) ngunit highit ang pag-unagawa nila sa wikang Filipino. Napag-alaman ding walang makabuluhang pagkakaiba ang kakayahan sa pag-unawa sa pakikinig ng mga lalaki at babaeng mag-aaral. Natuklasan sa pag-aaral na ito na may makabuluhang pagkakaiba ang pag-unawa sa pakikinig ng mga mag-aaral na di-Tagalog sa dalawang wika ayon sa kung sino ang tagapagsalaysay. Ang kinalabasan ng pag-aaral na ito, na higit and pag-unawa ng mga di-Tagalog na mag-aaral sa Filipino kaysa sa Inglesm ay tumutugma sa itinadhana ng Kautusang Pangkagawaran Blg. 25, s. 1974, na ang mga mga asignatura tulad ng Araling Panlipunan, Sining ng Komunikasyon, Sining at Musika, gayon din ang aralin sa Pagpapalakas ng Katawan ay nararapat ituro sa wikang Filipino. Higit na maraming sandali ang ginugugol ng mga mag-aaral sa pakikinig sa guro na ang ginagamit ay wikang Filipino. Sa mga kinalabasan ng pagtutuos na t, masasabing hindi sagabal ang kasarian kung pag-uusapan ang kakayahan sa pag-unawa sa pakikinig ng mga batang di-Tagalog. Mapupunang higit na mataas ang 'mean" sa salaysay ng bata kaysa sa salaysay ng matanda. Tumutugma ito sa pagtutuos na may kinalaman sa wika na higit ang pag-unawa ng mga mag-aaral sa batang nagsalaysay sa wikang Filipino kaysa sa nagsalaysay na matanda sa gayon ding wika. Pumili ang mag-aaral dalawang kuwentong angkop sa ikatlong baitang. Pawang pang-ikatlong baitang ang mga aklat na pinagkunan na hindi ginagamit bilang batayan ngunit mga sangguniang akiat lamang. Isinaayos ang mga kuwentu upang mapadali ang pag-unawa sa mga ito. Pumili ang mag-aaral ng isang guro at isang batang nasa ikatlong baitang na mahusay bumasa nang pabigkas sa Filipino at Ingles na siyang pinagsalaysay sa teyp rekorder. Pagkatapos mapakinggan ang naiteyp na mga kuwento, bumuo ng pagsusulit ang mag-aaral na siyang ginawang batayan kung hanggang saan ang kasanayan ng mga bata sa pag-unawa sa pakikinig sa dalawang wika. Uring pamilian ang angkop na pagsubok sa kakayahan ng mga bata sa pakikinig sa pagbasa. Ang pagsubok na binubuo ng 15 aytem ay unang ibinigay sa animnapung mag-aaral na nasa ikatlong baitang ng SLU Elementary Laboratory School sa kapahintulutan ng punungguro. Pagkatapos maibigay ang pagsubok at maiwasto ang mga papel. sinuri ng mananaliksik ang bawat aytem upang matiyak ang kahirapan ng aytem at ang indeks ng pagtatangi-tangi. Apatnapung bata ang pinili sa ikalawang pangkat na pawang nagsisipag-aral sa Paaralang Elementaryang Quezon na bibubuo ng dalawampung babae at dalawampung lalaki. Pagkatapos nito, iwinasto ng mag¬aaral ang papel ng mga bata at dito ibinatay ng mag-aaral kung sinu-sino ang mga batang isinali sa pag-aaral. Ganito ring bilang ng mag-aaral ang kinuha sa U.B. Elementary Laboratory School. Sa labinlimang aytem na ibinigay sa unang pagsubok, sampu ang itinira para sa pangwakas na pagsubok. Upang matiyak ang kabisaan ng sampung aytem na ibinigay sa 120 kalahok, binigyan silang muli ng gayunding pagsubok ngunit gumamit ang mananaliksik ng uring tama o mali. Ito’y ginawa upang matuklasan kung may panghuhulang naganap sa unang pagsubok. Bawat set ng mga sagot sa tatlong paaralan ay ginawan ng kaukulang pagtutuos at pagpapakahulugan. Ang bawat paghahambing ay ginawan ng kaukulang pagtutuos. Ginamit ang pagsusulit na t para sa magkaugnay na kalahok sa paghahambing ng kasanayan sa wika at sa kinalabasan ng pagsubok ayon sa tagapagsalaysay. Ang t-test ay binigyan ng kaukulang pagpapakahulugan sa pamamagitan ng paghahambing ng tinuos na t sa nakatalang t sa antas .05 ng pagiging makabuluhan. Pinili ang .05 na antas dahil ito ang katamtamang antas na nababagay sa ginawang paghahambing. Ayon sa kinalabasan ng pag-aaral, masasabing ang paggamit ng teyp rekorder ay malaking tulong sa pagtuturo. Hindi mahihirapan ang isang guro sa kanyang pagtuturo kung siya’y gagamit ng teyp rekorder paminsan-minsan. Natuklasan din ng mag-aaral na kasiya-siya ang disiplina ng mga bata kung magkakaroon ng ganitong uri ng pagtuturo. Napag-alaman na pantay ang pag-unawa ng mga babae at lalaki sa dalawang wika. Natuklasan ding higit ang pag¬unawa ng mga batang di-Tagalog sa wikang Filipino kaysa sa wikang Ingles. Nalaman ding higit ang pag-unawa ng mga batang di-Tagalog kalahok batang tagapagsalaysay kaysa sa matandang tagapagsalaysay. Talagang madali ang pag-unawa sa isang kasing-gulang anumang wika ang gamitin. Batay sa kinalabasan ng pag-aaral iminumungkahi ng mag-aaral na dapat ding bigyan ng pagkakataong makapag-salaysay ang mga bata dahil sa higit na nauunawaan ng mga bata ang salaysay ng kapwa bata. Dapat ding magkaroon ng paghahambing ng pag-unawa sa pakikinig at pagbasa ng mga mag-aaral sa ibait-ibang baitang. Magkaroon din ng tiyak na layunin kapag nakikinig sa isang salaysay sapagkat higit na nauunawaan ng mga bata ang babasahin kapag may tiyak na layunin. Dapat ding magkaroon ng higit pang mabisa at makabuluhang palatuntunan rig pag-unawa sa pakikinig sa paaralan. Dapat din nating isaisip na dahil sa ang mga batang di-Tagalog ay may higit na pag-unawa sa wikang Filipino, ang mga guro ay dapat bigyang-diin ang kasanayan sa pakikinig sa ingles dahil sa ito ay pangalawang wika rin ng mga mag-aaral tulad ng Filipino.Item Antas ng pokus ng pandiwa sa wikang Aklanon at Filipino : isang pahambing na pagsusuri(1989-11) Flores, Fermina C.Ang naging pangunahin layunin ng pananaliksik na ito’y paghambingin ang antas ng pokus ng pandiwa sa dalawang wika-Aklanon at Filipino. Tinangkang masagot ang pagkakatulad ng Filipino at Aklanon sa ugnayang pambalarila ng pandiwa sa paksa ng pangungusapi; and pagkakahawig ng pokus ng pandiwa kung ito’y ginagamit sa pangungusap; and pagkakatulad ng mga panlaping makadiwa at ang paraan ng pagkakabit ng panlaping makadiwa sa Filipino at Aklanon. Gumamit ng pahambing na pagsusuri, mga kaalamang pangliggwistika at mga impormanteng kinapanayam sa pagtalakay ng paksa ang may-akda. Ginawan din ng mga hulwaran o modelong pangungusap na siyang pinagbatayan ng pagtalakay sap ag-alam ng pagkakatulad ng mga panlaping makadiwa, ang paraan ng pagkakabit ng mga panlapi at antas ng pokus ng pandiwa. Natuklasan sap ag-aaral na ito na may pagkakatulad sa paraan ng pagkakabit ng panlaping makadiwa sa salitang ugat; sa ugnayang pambalarila ng pandiwa, sa pokus ng pandiwa sa pangungusap at sa mga panlaping makadiwa sa dalawang wikang nabanggit- Filipino at Aklanon. Iminungkahi na ipagpatuloy pa ang pag-aaral sa suliranon ng pagtuturo ng pokus ng pandiwa para sa paggawa ng naaangkop na kagamitang pampagtuturo. Ang pag-aaral na ito’y gumamit ng pahambing na pagsusuri. Ang kaalamang linggwistika, mga nakalimbag na aklat gaya ng Makabagong Balarilang Filipino nina Santiago, Alfonso at Tiangco, Makabagong balarila ng Filipino ni Teresita Ramos, Linguistics Across Cultures ni Robert Lado, The Four Focus Transformation of Tagalog ni Teodoro Llamzon, at marami pang nakalimbag na aklat panlinggwistika ang ginamit ng mananaliksik sap ag-aaral na ito. Ang mga aklat na nabanggit at iba pa ay matutunghayan sa talaan ng mga sanggunian sa likuran ng aklat na ito. Nakatulong din ang kaalaman ng may-akda sapagkat ito ang kanyang unang wika (Aklanon) at ang kaalaman din ng ilang mga impormante sa pagtatalakay sa paksa. Ang mga impormanteng ito ay kinapanayam ng may-akda sa pamamagitan ng tape recorder at mga kwestyunaryo. Tinalakay at binigyan ng katuturan ang mga salitang ginamit sa pananaliksik at binigyan ng mga halimbawa ang mga salitang-ugat sa Aklanon at Filipino. Binanghay din ang pandiwa sa tatlong aspekto. Binigyan din ng halimbawa sa iba’t ibang antas ng pokus ng pandiwa sa wikang Aklanon at Filipino. Ginamit ng may-akda ang pamraan sa paghahambing ng dalawang istrakturang panggramatika. Ginawan ng aktwal na paghahambing sa dalawang wika- and Aklanon at Filipino, sa pamamagitan ng mga hulwaram o ng pagtalakay sa pag-alam ng pagkakatulad o pagkakapareho ng mg mga panlaping makadiwa, ang paraan ng pagkakabit ng mga panlapi at antas ng pokus ng pandiwa. Pagkatapos ng maingat at masusing pagsasaalang-alang sa mga datos ng pag-aaral, ang mananaliksik ay naglahad ng mga sumusunod na konklusyon: Ang wikang Aklanon at Filipino ay may pagkakatulad, sa anyo, kahulugan, at balangkas ng pangungusap na may pokus ng pandiwa. Ang pagkakatulad ng anyo at kahulugan ay sa pamamagitan ng panlaping makadiwa na ikinabit sa salitang-ugat na pandiwa. Nagkakatulad din sa balangkas ng pangungusap na may pokus ng pandiwa sa pangungusap na may simuno at panaguri. Aang pagkakatulad ng anyo at kahulugan ng panlaping makadiwa ay sa pamamagitan ng pokus ng pandiwa, sa pokus actor, /mag-/, /-um/ at /mang-/, sa pokus sa layon , /i-/ at sa pokus ng kaganapan, /-an/. Ang pagkakatulad ng balangkas ng pangungusap na may pokus ng pandiwa, ay sa pamamagitan ng pokus actor, pokus layon, pokus sa kaganapan, pokus sa kalanaanan, at pokus sa sanhi. Natuklasan din ng may-akda na may panlaping makadiwa na Filipino at Aklanon na may pagkakaiba ng anyo ngunit magkatulad ng kahulugan sa sandalling ikinabit ang mga panlaping ito sa salitang-ugat na pandiwa at ginamit sa pangungusap. Ang mga panlaping Aklanon na may pagkakaiba ng anyo sa Filipino ngunit magkakatulad ng kahulugan ay sa pamamagitan ng pandiwang nasa: una: pokus sa layon, /-in/ na may katumbas na /gin-/ sa Aklanon; ang panlaping /pa-, -an,/ na may katumbas na /pa-, -e/ sa Aklanon; ang panlaping /-han/ na may katumbas na /-nan/ at /-ne/ sa Aklanon. Pangalawa: ang pokus sa ganapan, ang mga panlaping /pa-, -an/ na may katumbas na /-an/ sa Aklanon; ang panlaping /-han/ na may katumabas na /-nan/ at /-ne/ sa Aklanon. Pangatlo: ang pokus sa kalaanan, ang mga panlaping /ipag-/ na may katumbas na /-an/ Sa Aklanonon, at panlaping /i-/ na may katumbas na /-hi/ at /-han/ sa Aklanon, at pang-apat: ang pokus sa sanhi, ang panlaping /ika-/ ay may katumbas na /gin-, -an/ sa Aklanon. Natuklasan din ng may-akda na ang balangkas ng pangungusap sa Filipino na nasa anyong pautos at nagtatglay ng pandiwang kasing-anyo ng pawatas ay may pagkakatulad sa balangkas ng pangungusap sa Aklanon. Ang pagkakatulad sa balangkas ng pangungusap na nasa anyong pautos ay sa pamamagitan ng pandiwa na nasa pokus sa layon, pokus sa ganapan at pokus sa kalaanan. Ang mga natuklasan sap ag-aaral na ito ay iminungkahi na; una: para sa mga mag-aaral na gumagawa ng tesis, dapat ipagpatuloy ang masusing pananaliksik sa unang wika ng mag-aaral, hindi lamang ang wikang Aklanon kundi maging ang iba’t ibang diyaleto ng ating bansa, sapagkat ito ay nakakatulog sa pagpapagaan ng pagtuturo ng wikang Filipino bilang pangalawang wika sa paaralan at sa pagpapalaganap ng wikang ito, bilang wikang Pambansa. Pangalawa: para sa mga guro na nagtuturo sa lalawigang Aklan, upang mapadali ang pagkakatuto ng mag-aaral, gamitin ang nabuong padron o hulwarang pangungusap batay sa isinagawang pag-aaral tungkol sa iba’t ibang pokus ng pandiwa. Pangatlo: para sa mga gurong Aklanon na nagtuturo ng Filipino sa mga pook na di-Tagalog tulad ng Baguio, iminungkahi rin ng may-akda na gamitin ang mga padron o hulwarang pangungusap tungkol sa iba’t ibang pokus ng pandiwa. Pang-apat: para sa lahat ng mga gurong nagtuturo ng Filipino, iminungkahi rin ng may akda na gamitin ang nabuong padron o hulwarang pangungusap tungkol sa iba’t ibang pokus ng pandiwa sapagkat naging mabisa ito sa may-akda sa pagtuturo niya ng iba’t ibang pokus ng pandiwa. Panlima: sa mga dalubwika o linggwistika, iminungkahi ng may-akda na ipagpatuloy ang pagsasaliksik sa Aklanon at iba pang kapatid na diyalekto ng Lalawigang Aklan at iba pang kapait na diyalekto ng Lalawigang Aklan upang matuklasan ang iba pang pagkakatulad nito hindi lamang sa antas ng pokus ng pandiwa kundi maging sa balangkas ng salita at pangungusap. Pang-anim: sa mga naglalayong mag-aral sa antas ng pokus ng pandiwa sa Aklanon, iminungkahi a isama ang pokus na instrumental sa isasagawang pag-aaral at Pampito: para sa mga mag-aaral na gumagawa ng tesis, iminungkahi nap ag-aralan ang mga suliranin sa pagtuturo ng iba’t ibang pokus ng pandiwa upng mabatid ang wastong pamamaraan sa pagtuturo nito at sa pagsasagawa ng naaangkop na mga kagamitang pampagtuturo.Item Ang apat na dimensiyon sa pagsukat sa binasa sa unang taon ng mataas na paaralan(1990-04) Cortez, Daisy B.Binubuo ng pag-aaral na matunghayan ng mga aytem sa pagsubok sa mga literal, paghinuha, mapanuri at paglalapat na dimensiyon sa pagbasa at kaugnay ang pagbibigay ng pagsubok sa mga mag-aaral sa unang taon upang makuha ang kasagutan sa mga sumusunod na tiyak na katanungan: 1. Anu-ano ang mga iskor na nakuha ng mga kalahok na mag-aaral sa kinalabasan na pagsubok sa bawat dimensiyon sa pagbasa? 2. Sa anong dimensiyon pinakamataas ang “mean” ng mga nakuhang iskor sa kinalabasan ng pagsubok? 3. Sa anong dimensiyon pinakamababa anq "mean" ng mga nakuhanq iskor sa kinalabasn nq pagsubok? Kinuha ang mqa seleksyong ginamit bilang lunsaran sa mga aklat na ginamit sa unang taon ng mga mag-aaral sa Baguio Colleges Foundation sa ilalim ng SEDP. Doon na rin isinagawa ang "dry-run" ng pagsubok a 60 na mag-aaral sa unang taon at ang nakuhanq average na oras sa pagsubok ay dalawang oras. Isinagawa ang test-retest sa 290 na mag-aaral sa unang taon ng Mataas na Paaralan ng Lungsod ng Baguio. Sa pamamaraang index of difficulty at index of discrimination, lumabas na 25 na aytem ang rejek - 17 na bahagdan - ng 147 na aytem. Upang mapantay ang dami ng mga aytem, ginawang 100 na aytem tig-25 na aytem 5a bawat dimensiyon. Sa pagsusuri ng kinalabasan ng unang pagsubok at mulinq pagsubok, napag-alamang pinakamataas ang "mean" ng mqa iskor sa literal na dimensiyon at pinakamababa ang "mean" ng mqa iskor sa mapanuri ng dimensiyon. Gumamit ng surbey sa larangan ng deskriptibong pananaliksik. Upang maipatupad ang pamamaraan, bumuo ng pagsubok sa literal, panghinuha, mapanuri at paglalapat na dimensiyon. Gumamit ng unang pagsubok, muling pagsubok at sa pagbabalido ng mga aytem sa unang pagsubok, ginamit ang instrumentong istatistikal sa aklat ni Robert Ebel sa pagkuha ng indices of difficulty and discrimination. Ginamit ang Pearson 's product - moment coefficient sa una at muling pagsubok. "Mean" ang qinamit sa mga iskor at ginamit ang percentile sa pagpapakahulugan ng mga nakuhang iskor. Kinuha ang bilang ng sampling sa pamamagitan ng pagtiyak sa kasapatan ng bilang ng mga mag-aaral sa pangkalahatang 1,030. Lumabas na 288 ang kinakailangang bilang ng mga mag-aaral sa naturang populasyon at ang pitong seksiyon ay may kabuuang 290 na mag-aaral. Sa pangkalahatan, pinakamarami anq mga aytem na ideyal (76 na aytem), na aytem anq tinatanggap ngunit mahirap. Sa 147 na aytem sa kabuuan, 25 aytem ang rejek. Sa 40 na aytem sa literal na dimensiyon, 13 na aytem ang rejek, anim (6) na aytem ang tinatanggap ngunit madali, isang aytem ang tinatanggap ngunit mahirap at 20 aytem ang ideyal. May 39 na aytem ang paghinuhang dimensiyon, 21 na aytem ang ideyal, 13 na aytem ang tinatanggap ngunit madali, isang (1) aytem antinatanggap ngunit mahirap at apat (4) na aytem ang rejek. May 738 na aytem ang mapanuring dimensiyon, 24 na aytem anq ideyal, anim (6) na aytem anq tinatanggap ngunit madali, apat. (4) anc tinatanggap ngunit manirap at apat (4) na aytem anq rejek. Sa paglalapat na dimensiyon ay lumabas na 11 na aytem anq ideyal at 11 na aytem ang tinatanggap bagamat madali habang apat (4) na aytem anq tinatanggap bagamat mahirap. May apat (4) na aytem ang rejek. Ginanap ang “dry-run” sa mga mag-aaral ng unang taon sa Mataas na Paaralan ng Baguio Colleges Foundation noong Disyembre 5, 1989 sa pamamagitan ng random sampling. Isinagawa ang pagsubok sa Mataas na Paaralan ng Lungsod ng Baguio sa pito (7) na seksiyon na may 290 na mag-aaral. Iniwasto ang mga talasagutan ng mga mag-aaral. Kinuha ang mga indeces of difficulty and discrimination at lumabas na 25 aytem ang rejek. Ibinigay anq muling pagsubok noong Enero 5, 1990 at iniwasto naman ang alga talasagutan ng mga mag-aaral. Kinuha ang co-efficient ng pagsubok - muling pagsubok. Muling sinuri ang pagsubok upang masagot ang mga katanungan sa pananaliksik. Pinakamataas na nakuhang iskor ng mga mag-aaraql ang 25 at ang pinakamababang iskor ay apat (4) sa literal na dimensiyon. Pinakamataas ang iskor na 24 sa paghinuhang dimensiyon at ang pinakambabang iskor ay dalawa (2) ganoon din sa mapanuring dimensiyon. Sa paglalapat na dimensiyon, pinakamataas na iskor ang 24 at ang pinakamababa ay apat (4). Batay sa kinalabasan ng pagsusuri, ang literal na dimensiyon ang pinakamataas na "mean" 14.93 ng mga iskor na nakuha ng mga mag-aaral at ang mapanuring dimensiyon ang may pinakamababang "mean" ng mga nakuhang iskor (12.59). Napakahalaga ang paqkakaroon nq pagtataya sa mga kagamitanq ipinababasa sa mga mag-aaral. Kailangang nakalilinang sa kaiSipan ng mqa mag-aaral ang mqa kagamitan. Napakahalaga rin ang pagkakaroon ng mga instrumento para sa pagsukat nq kakayahan ng mqa bata sa larangan ng pag-unawa sa binasa. Isang pangangailangan din ang pagpapadala ng mga guro sa mga seminar/workshop na may kinalaman sa programang pagbasa upanq malaman ang mga bagong palakad at matatalakay o mabigyanq kalutasan ang mga suliranin Ba pagtuturo nang sa gayon sama-samanq mapalaganap ang mqa bagong pal akad o pagbabago sa mga pamamaraan ng pagtuturo. Tungkulin ng mga gurong magpakabihasa sa pagtatanong upang mapalabas ang kritikal at mapanuring kaisipan ng mga mag-aaral sa kanilang binasa. Napakainam na bigyan ng sapat na panahon ang binasang seleksyon upang matalakay at mapag-usapang masinsinan ang binasa. Nararapat ding itugma ang mga kagamitan sa mga mag-aaral sa kanilang karanasan, kapaligiran at kaugalian upang sa gayon magiging kapaki-pakinabang at makahulugan ang pagbasa. Sa ganitong sitwasyon, mabigyan din ng kahalagahan ang binasa. Bilang panghuli, hindi rin maitatatwa anq kasahulan ng mga kagamitang pampagturo at pananaliksik sa larangan ng wikang Filipino at isang paghamon sa mga nagpapakadalubhasa sa wikang nabanggit ang pagkakaroon ng mga kagamitan lalo na sa mga maraming bahagi ng ating kapuluang pangalawang wika ang Filipino. Kailangan din ng mga administrador ang mga pag-aaral at mga surbey, mga pag-aaral na comparatibo at pagbuo ng mga kagamitan para sa "remedial reading". Matutulungan ang mga batang mahihina sa wikang Filipino at mapapayaman ang kanilang talasalitaan upang makasabay sa mga pagbabago sa larangan ng ating edukasyon na sa ngayon ay patungo na sa malawakang paggamit ng wikang Filipino anumang antas ng pag-aaral. Makakatulong ang mga pag-aara, pananaliksik at pagbuo ng mga kagamitang pampagturo at ganoon din sa "remedial reading" upang magkaroon ng katuparan ang mga isinasaan ng bagong plakad sa paggamit ng wikang Filipino sa makabagong edukasyon ng sambayang Filipino.Item Larawan ng kababaihan sa mga nobela ni Lualhati Bautista : isang pagsusuri(1991-05) Picpican, Caridad M.,Pinag-ukulan ng pagsusuri sa pag-aaral na ito ang mga nobela ni Lualhati Bautista na nagkamit ng gantimpalang Palanca upang mailantad ang mga pangyayaring nagluwal ng larawan ng kababaihan batay sa pananaw ng isang kontemporaryong nobelistang babae. Natuklasan sap ag-aaral na ang tatlong nobela ay larawan ng kani-kanilang panahon sapagkat ang bawat isa ay naglalantad ng mga pangyayari sa panahong ang mga ito ay nasualt. Ang mga pangyayaring nauugnay sa lipunan, sa pulitika at sa ekonomiya ay binigyang-buhay ng may-akda sa pamamagitan ng mga babaeng tauhan na nagpamalas ng kani-kanilang sariling larawan. Sa paglalahad at paglalarawan ng nobelista ng mga pangyayari, itinampok niya ang diwa ng pagbabago. Ang pagbabagong naganap sa kababaihan ay bunga ng mga suliranin sa limpunang kanilang ginagalawan. Ang mga suliraning ito ang nagmulat sa mga tauhan sa mga tunay na nagaganap sa kanilang kapaligiran at gumising sa kanilang kamalayan panilipunan. Sa kanilang pagkamulat, bawat isa ay kumilos upang makapag-ambag para sa pagbabago ng lipunang kanilang ginagalawan. Dahil dito, sila ay nagpakita ng kanilang sariling kaakuhan at halaga hindi lamang bilang isang mamamayan kundi bilang miyembro ng itinuturing na mahinang kasarian- ang kababaihan. Sa ganitong paraan, pinatunayan ng bawat nobela ang kahalagahan ng kababaihan sa pagbuo ng isang maunlad na lipunan na siyang isinasaad ng Artikulo II, Seksyon 14 ng Saligang Batas ng Pilipinas. Nabigyan ng mag-akda ng element ng realism ang kanyang mga nobela sa pamamagitan ng paggamit niya ng mga tunay na pangyayari sa bansa at sa pagbibigay niya sa kanyang mga piksyunal na tauhan ng kanyang sariling mga katangian o katangian ng mga ibang tao subalit sa pag-unlad ng bawat nobela, ang ang mga tauhan ay nagkaroon na ng sariling kaakuhan. Gayundin, ginamit niya ang lingua franca na nakatulong din nang Malaki upang maging makatotohanan ang pagbibigay-buhay sa kanyang mga tauhan. Sa isinagawang pag-aaral, binasa ng mananaliksik ang tatlong nobela ni Lualhati Bautista na nagkamit ng gantimpalang Palanca sa mga taong 1979-80 (‘Gapo), 1980-81. (Dekada ’70) at 1983-84 (Bata, Bata… Paano ka Ginawa?). Sa pagbabasa ng mananaliksik, binigyang pansin ang diwa ng bawat nobela, ang paglalarawan at pagbibigay-buhay ng nobelistan sa mga tauhan at ang mga pangyayaring inilahad hindi lamang sa bawal nobela kundi gayundin ang pagkakaugnay-ugnay ng mga pangyayari sa tatlong nobela. Ang ilang aklat at mga isinagawang pag-aaral na nagtataglay ng katulad na diwang matatagpuan sa mga nobela ni Lualhati Bautista ay siniyasat din ng mananaliksik para lalong maging makahulugan ang pag-aaral. Nakatulong din nang Malaki ang isinagawang pakikipanayam sa may-akda para lalong maunawaan ang kabuuan ng mga nobela at ang mahalagang kaisipan ng may-akda. Bukod sa mga nabanggit, hindi naiwasang gamitin ng mananaliksik ang ilang pagdulog sa pagsusuri sapagkat ang mga ito ay kailangan upang buong-husay na maisagawa ang pag-aaral. Dito, ginamit ng mananaliksik ang pagdulog pangkasaysayan at pamaraang sosyo-kultural sapagkat sa pamamagitan ng mga ito, ang mga makasaysayang panyayari sa bawat nobela nauugnay sa lipunan, pulitika at ekonomiya ay binigyang-kahulugan sa paniniwalang ang bawat nobela ay larawan ng kanyang panahon. Ayon sa kinalabasan ng pag-aaral, ang mga panyayaring pampulitika, panlipunan at pang-ekonomiya na inilahad sa tatlong nobela ay nakaapekto nang malaki sa mga tauhan. Ang mga pangyayari ay siyang gumising sa kamalayan ng bawat isa at nagtulak sa kanilang kumilos para sa malawakang pagbabago. Sa ganitong paraan, sila ay nagpamalas ng natatanging larawan na nagpapatunay na sila ay may napakahalagang papel na dapat gampanan para sa pagbabago at pagpapabuti ng lipunang kanilang ginagalawan. Lumalabas din sa pagsusuri na dahil sa paglalantad ng mga nobela ni Lualhati Bautista ng mga makatotohanang pangyayari na nauugnay sa mga suliraning panlipunan, maaaring mauri ang mga ito bilang panitikang nagpoprotesta. Ngunit dahil ang kanyang mga nobela ay hindi lamang naglalantad ng mga suliraning panlipunan kundi nagbibigay din ng mga solusyong makalulutas sa mga suliranin, mauuri ring panitikang rebolusyunaryo ang mga ito. Ang mga ito ang nagbigay sa mga nobela ng matinding realismo. Batay sa kinalabasan ng pag-aaral, iminumungkahi ng mananaliksik na dapat pagtuunan ng pansin at pag-aralan ang mga nobelang tumatalakas sa mga napapanahong paksa tulad ng mga suliraning panlipunan at ang pagsibol ng natatanging larawan ng kababaihan upang magising ang kamalayang panlipunan ng mga mambabasa at upang mamulat din ang kababaihan sa katotohanang sila ay namumuhay sa papel na dapat gampanan. Maaari ring magamit na material ang mga nobela ni Lualhati Bautista sa mataas na paaralan lalung0lalo na sa ikaapat na taon at sa mga asignatura sa kolehiyo upang mapahalagahan din ng mga mag-aaral ang mahalagang diwang inilahat ng mga ito. Gayundin, ang pagsusuri sa mga nobela sa ibang aspekto ay iminumungkahi upang ang katangiang pampanitikan ng mga nobela ay mailabas bilang pagpapahalaga sa mga akdang ito na nagkamit ng gantimpalang Palanca.Item Isang pagsusuri sa mga pagpapahalagang natamo sa pag-aaral ng panitikang Filipino(1995-10) Panida, Ma. Jenny P.,Ang pagsusuri sa natamong pagpapahalaga sa pag-aaral ng Panitikang Filipino ng mga mag-aaral na babae at lalaki sa Dalubhasaang BCF ang pinag-ukulan ng pag-aaral. Natuklasan sap ag-aaral na ang mga kabataang mag-aaral na babae at lalaki sa Dalubhasang BCF ay may natamong pagpapahalaga sap ag-aaral ng ispiritwal, pagpapahalaga sa katotohanan, pag-big, kalusugan, pananagutang panlipunan, pang-ekonomikong pagsasarili, nasyonalismo, at pandaigdig na pagsasarili. Ang mga pagpapahalagang nabanggit ay nakalahad din sa Balangkas ng Edukasyong pagpapahalaga ng DECS na siyang naging batayan ng talatanungang ginamit. Natuklasan na sa panahon ng kasalukuyan bilang sakop sap ag-aaral ng panitikan higit na nakatamo ng pagpapahalaga ang mag-aaral. Napag-alaman ding may makabuluhang pagkakaiba ng mga pagpapahalagang natamo ng mga mag-aaral na babae at lalaki sa iba’t ibang sakop sa pag-aaral ng panitikan. Ang kinalabasan ng pag-aaral na ito, na may pagpapahalagang natamo ang mga kabataang mag-aaral na babae at lalaki sap ag-aaral ng Panitikan ay tumutugma sa layunin ng pamahalaan ukol sa pagkampanya sa program ana pagpapabuti sa moral na nakalahad sa Proklamasyon Bilang 62 na pinagtibay ng Pangulong Fidel V. Ramos. Ito rin ay may kaugnayan sa inilahad ng seksyon 13 ng Artikulo II ng konstitusyon ng 1987 ukol sa pagkilala ng pamahalaan sa mahalagang tungkulin ng kabataan sa paghubog ng isang nasyon kaya nararapat lamang na magtaglay sila ng mga pagpapahalagang makabuluhan sa pagsasakatuparan nito. Sa isinagawang pag-aaral, tinukoy ng mananaliksik ang mga pagpapahalagang nakapaloob sa mga aralin sa mga aklat pampanitikan. Inihanda at binuo ang instrumenting ginamit upang malikom ang mga natutuhang pagpapahalaga ng mga mag-aaral sap ag-aaral ng panitikan. Inihanay sa inihandang questionnaire checklist ang mga pagpapahalaga na ibinatay sa balangkas ng edukasyong pagpapahalaga ng DECS ukol s apitong pambuod na pagpapahalaga at ang mga kaugnay na pagpapahalaga nito gayundin ang panahon ng panitikan na kinapapalooban nito. Kumuha ng sampung mag-aaral ang mananaliksik mula sa tatlong departamento sa dalubhasaang BCF na ginamit sa pagsubok at sila na rin ang kinapanayam para sa pagbabalido ng instrumento. Sa pagkuha sa mga naging tagatugon ay inalam ng mananaliksik ang talaan ng pangalan ng lahat ng mga mag-aaral sa Departamento ng Edukasyon, Sining at Agham at Komersyo na kumuha ng Panitikan sa Ikalawang Semestre ng Taong-paaralan 1994-1995. Tinuos ang tiyak na bilang ng mga naging kalahok na siyang ginamit sa malawakang pag-aaral at inihiwalay ang mga naging tugon ng mga babae at lalaking mag-aaral upang makita ang pagkakaiba ng pagpapahalagang kanilang natamo. Ginamit ang paraang random sampling sa pagkuha ng mga kalahok para sa paglikom ng mga datos at ang “lottery sampling” o “fishbowl technique” na anyo nito ang tuwirang ginamit. Inalam din ng mananaliksik ang mga instrumenting istatistikal na ginamit upang higit na madali ang pag-unawa at pagpapakahulugan sa mga nalikom na datos. Ang “mean of combined groups” ang ginamit sa pagtutuos ng pinagsamang mean ng pagpapahalaga ng babae at lalaking mag-aaral sa iba’t ibang panahong sakop sa pag-aaral ng panitikang Filipino. Ang “Spearman’s Coefficient of Correlation with Tied Ranks” naman ang ginamit sa pagtutuos ng pagkakaiba ranggo ng mga pagpapahalagang natamo sap ag-aaral ng panitikan ng mga mag-aaral na babae at lalaki. Binigyan din ng kaukulang pagpapakahulugan ang t-test sa pamamagitan ng paghahambing ng tinuos na t sa nakatalang t sa antas .05 ng pagiging makabuluhan. Pinili ang antas na ito dahil ito ang katamtamang antas na nababagay sa ginawang pag-aaral. Ayon sa kinalabasan ng pag-aaral, ang asignaturang panitikan Filipino ay mabuting lunsaran upang maipagpatuloy ang layunin ng DECS ukol sa paglinang at paghubog sa mga pagpapahalagang nakapaloob sa balangkas ng edukasyong pagpapahalaga ng DECS sa kabataan. Higit ding naikintal sa mga kabataan ang pag-ibig at pananalig sa Diyos na kailangan sa makabagong panahon. Ang kasalukuyang panahon na sakop sa pag-aaral ng panitikan ay higit na nabigyan ng pansin ng mga mag-aaral. Napag-alaman na ang pagpapahalaga sa pang-ekonomikong pagsasarili, nasyonalismo at pandaigdig na pagkakaisa ang higit na naikintal sa kanilang isipan sa panahong ito dahil ito ay may kinalaman sa realidad. Natuklasan din na may makabuluhang pagkakaiba ang pagpapahalagang natamo ng mga mag-aaral na babae at lalaki sa pag-aaral ng panitikan. Batay sa kinalabasan ng pag-aaral, iminumungkahi ng mananaliksik na kailangang higit pang maipamulat sa mga kabataang mag-aaral sa kolehiyo na ang panitikang Filipino ay isang makabuluhang asignaturang kailangan nilang pahalagahan. Dapat ding isaalang-alang ng mga guro ang kahalagahan ng pitong pambuod na pagpapahalaga na nakapaloob sa Balangkas ng Edukasyong Pagpapahalaga ng DECS. Nararapat ding panatilihin ang mga pagpapahalagang masasalamin sap ag-aaral ng panitikan lalung-lalo na ang pang-ispiritwal na kailangan ng isang makabagong panahon. Kailangan ding maging mapanuri ang mga guro sa mga gagamiting lunsarang akda at magkaroon ng malawakang pagsusuri sa mga ito. Ang “role playing” bilang paraan ng pagbabatid sa mga pagpapahalaga ay Mabuti rin. Nararapat ding ipagpatuloy na linangin sa mga kabataan ang pag-ibig sa bayan at ang pagpapahalaga sa pagtitipid. Kaialangang maipaunawa sa mga kabataan na ang mga pagpapahalagang kanilang natutuhan ay hindi maluluma at dapat lamang na manguna ang mga edukador sa pagkampanya at pagpapatibay sa programa ng pagpapabuting moral. Kailangan pa ng higit na mahabang panahon sap ag-aaral ng panitikang Filipino upang mapatnubayan ang mga kabataang kumuha nito. Ang asignaturang Filipino 2a o kontemporaryong panitikan ay nararapat lamang na maisama sa kurikulum ng lahat ng departamento sa mga dalubhasaan. Iminumungkahi ring magsafawa ng isa pang-pagaaral na naglalayong tuklasin o alamin kung nagkakasama o nagkakatugma ang teorya at pagsasagawa ukol sa mga pagpapahalagang natutuhan ng mga mag-aaral.Item Teacher expectations and student achievement in mathematics(1994-02) Doctolero, Diosdado L.,Students upon entering college have different levels of competence in mathematics whereas teachers have expectations regarding the requisite skills in math the entering college freshmen should possess. The requisite skills are categorized into six areas of concern, namely: Finding Information, t6hinking Clearly, Communicating Effectively, Understanding Man and Society, Understanding Man and Environment, and Personal Competence. The scores garnered by freshmen in the Desired Learning Competencies (DLC) test represent the student achievement. On the other hand, the ratings assigned by the math instructors on the areas of DLC denote the teacher expectation. From the foregoing premise, a study was undertaken to analyze the performances of entering BCF freshmen in an achievement test and compared the results with the expectations of math teachers along the areas of concern under DLC. The descriptive-survey method of research was adopted. The analysis on the expectations of mathematics instructors and the math entry behavior of college freshmen was based on the results of a survey questionnaire for the respondent instructors and an achievement test administered to the students. Interpretation and implications of the data along the areas of concerns under the DLC were arrived at through statistical inferences. Treatment of data included Z-test analysis of variance and the multiple range test, and Spearman rank correlation. The BCF entering freshmen did not significantly differ as to how they perform in the DLC achievement test. However, the area of concern that brought about the significant change could be attributed to personal competence. The expectation pf BCF mathematics instructors on what competencies the entering freshmen should attain significantly differ along the areas of the DLC in terms of finding information, thinking clearly, understanding man and society, and understanding man and environment. There was no significant relationship between the performances of college freshmen and the expectations of BCF math instructors under the DLC. Secondary school teachers should constantly monitor the students in their mathematics performance and instill in them the significance of the subject and its usefulness in different fields of endeavor. Mathematics instructors should reinforce lectures with more drills and assignments along the areas where with more drills and assignments along the areas where students are weak.Item The Efficacy of pesticides against spider mites (Tetranychus urticae koch) on chrysanthemum (Chrysanthemum morifolium ramatuelle)(1992-04) Doctor, Teresita RubangChrysanthemum cut flower production is one of the sources of income of many local farmers in the cool regions of the country. The problem lies in the significant drop of production due to spider mite damage. These mites are difficult to control due to their rapid reproduction and their own protection and their protection underneath webs on the lower surfaces of leaves. Since these plants are reared for their aesthetic value, prompt and thorough protection is needed. The most practical means of control is the use of pesticide sprays. This study aimed to evaluate the efficacy of these pesticides on mites, which will serve as a guide for local farmers. The study aimed to find out the best pesticide against spider mites on Chrysanthemum morifolium. The subproblems are: (1) Is there a significant effect of the five pesticides namely Dicarzol, Vydate, Tedion, Kelthane and Karate against spider mites on Chrysanthemum morifolium? (2) Is there a significant difference in the effect of the five pesticides namely Dicarzol, Vydate, Tedion, Kelthane and Karate against spider mites on Chrysanthemum morifolium? (3) Is there a significant difference in the effect of the five pesticides against spider mites on Chrysanthemum morifolium varieties Taiwan yellow, Bangkok yellow and Spider white? (4) Is there a significant interaction and effect of the variety of the chrysanthemum and the pesticide against spider mites? This study made use of the experimental method of research using split plot in completely random design (CRD). The experiment started on October 21, 1991 and lasted until December 5, 1991 at the Baguio National Crop Research and Development Center, Baguio City, The data gathered were mite count a day before and after application of the pesticides for three-week, two-week and one-week intervals. The analysis of variance for split plot in completely random design was used to test the variety treatments, the Duncan’s Multiple Range Test (DMRT) was used to find out which among the treatments differed significantly from each other. There was a highly significant effect of the pesticides against spider miters on chrysanthemum morifolium. There was a significant difference in the effect of the five pesticides against spider mites on Chrysanthemum morifolium. However, Kelthane, Karate and Dicarzol did not differ significantly in their effect in the control of mite population. There was no significant difference in the effect of the pesticides against spider mites on varieties Taiwan yellow, Bangkok yellow, and spider white. There was no significant interaction effect of the variety of the chrysanthemum and the pesticide against spider mites. The use of the pesticides against spider mites sharply reduces the mite population on chrysanthemum plants below the untreated check. The efficacy of the pesticides against spider mites are significantly different from each other. Kelthane held a great potential in the control of mites. Dizcarzol and Karate were also as effective. Tedion was not so effective but has been found to have low toxicity to mammals. The variety of the chrysanthemum morifolium did not affect the efficacy of the pesticides against spider mites. Kelthance, a German product, should be introduced to local manufacturers in the Philippines for easy access to local farmers. Spraying at every two week interval is recommended until flowers emerge. The use of pesticides against spider mites is recommended until biological control is introduced. Students and researchers in the field should make follow-up research using another period of the year especially during the hot months. Similar researchers on other crops could also be done.Item Rites, practices and beliefs in the life cycle of the i-Sagada of Western Bontoc, Mountain Province(1981-12) Dizon, Shirley P.This research attempted to show the religious practices and beliefs of the i-Sagada from birth until death. It attempted to reveal how the i-Sagada is disciplined through religious rituals and beliefs. It also aimed to show that customs and traditions bind a tribe together, and that without such customs and traditions, Sagada would not be as peaceful as it is now. The study is an attempt to preserve in writing the customs and beliefs of the people of Sagada which to a great extent are vanishing. It has historical, anthropological as well as education values. Its historical importance lies in its attempt to trace the origin of such customs. Anthropologically, it is important because it preserves in writing such practices and beliefs. However, it is most important in the educational field because it can be a rich and authentic resource material on the culture of the Sagada people in the schools and in other entities of learning and research. This study further shows the changes that have taken place in Sagada customs and traditions as a result if Western influence and Christian education.Item Profile of elementary science teachers in the city schools of Baguio and their utilization of instructional resources(1980-03) Pimentel, Rosario J.,The purpose of this research was to study the profile of the elementary science teachers in the city schools of Baguio and to delve into the extent to which they utilize the instructional resources in their teaching. Specifically, it sought to answer the following questions: 1. What is the profile of the elementary science teachers of Baguio with respect to - a) Educational qualifications b) School assignments or positions held c) Length of service d) Civil service eligibility, and e) In-service education -- 2. What is the extent of utilization of instructional resources by the teachers, particularly - a) natural resources, b) human resources, c) institutional resources, and d) material or man-made objects -- 3. What are the problems met by teachers in elementary science teaching? -- 4. What are the implications of this study toward the current educational policies in the country? This study will give a profile of elementary science teachers in the city schools of Baguio and their utilization of instructional resources. The findings will serve as bases for school administrators, school supervisors, science teachers, barangay leaders, and school pupils to work out an effective science teaching-learning process that would meet the learners' need and to attain the objective of a community-based science education.