Master of Arts in Education major in Filipino
Permanent URI for this collectionhttps://dspace.uc-bcf.edu.ph/handle/123456789/119
Browse
5 results
Search Results
Item Mga epekto ng saloobin ng mga edukador at mga mag-aaral sa Filipino : debelopmental na modelo(2004-05) Mendoza, Rosemarie Rivera,Sinasabi ng mga Pilipinong pro-Ingles na mas mabuti ang Ingles kaysa sa ating wikang pambansa ang Filipino¬bilang wikang panturo sapagkat ayon sa kanila, ang Ingles ay "susi sa mundo ng karunungan na higit na mas malawak kaysa sa maaasahang makamtan ng wikang Filipino." Dagdag pa nila, "na sa kasalukuyan at darating na panahon, hindi mabubuksan ng wikang Filipino sa ating mamamayan ang malawak na mundo ng karunungan na kailangan upang mabuhay sa isang moderno, komplikado at sayantipikong lipunan." Ang pinakagrabeng problema ng ating wikang pambansa bilang wikang panturo ay ang mali at negatibong atityud ng mga aura, magulang at mag-aaral sa paggamit ng ating wikang pambansa sa pagtuturo at pag-aaral. Bunsod ng katotohanang ito, isinagawa ang pag-aaral upang makapag-ambag ng epektibong paraan hinggil sa pagtanggap sa wikang Filipino bilang asignatura at wikang panturo. Hangarin ng pag-aaral na ito na tuklasin ang mga epekto ng saloobin ng mga edukador at mga mag-aaral sa DMMMSU-MLUC sa Filipino. Sa pag-aaral na ito, ang mga sumusunod na mga katanungan ay binigyan ng kasagutan. 1. Anu-ano ang saloobin ng mqa edukador sa mqa sumusunod na aspekto: a. sa pagtanggap sa pagtuturo ng Filipino; b. mga problemang natagpuan ng mga edukador sa pagtuturo ng Filipino; c. sa mga hakbang na panlunas sa mga problemang natagpuan ng mga edukador sa pagtuturo ng Filipino; at d. sa mga pangganyak na makapagbibigay-sigla sa mga edukador upang maging mahusay at mabisa ang pagtuturo sa Filipino? 2. Ano ang pagkakaiba ng saloobin ng mga edukador sa Filipino ayon sa sumusunod na salik personal? a. kahandaang pampropesyonal b. gulang c. haba ng karanasan sa pagtuturo 3. Ano ang pagkakaiba ng saloobin ng mga mag-aaral sa Filipino ayon sa sumusunod na baryabol? a. kasarian b. kolehiyong kinabibilangan c. unang wika 4. Anu-ano ang mga epekto ng saloobin ng mga edukador at mga mag-aaral sa Filipino? Ang pagsasaliksik ay nakapokus sa DMMMSU - MLUC, Lungsod ng San Fernando, La Union, isang pampublikong mas mataas na edukasyonal na institusyon na may iba't ibang kursong teknikal tulad ng Technology, Engineering, Technical Education, at Information Technology. Gayundin, ang kursonq di-teknikal tulad ng Arts and Management at Midwifery. Ang pag-aaral ay sumasaklaw ng 13 edukador at 298 na mag-aaral mula sa anim na iba't ibang kolehiyo para sa panuruang taon 2003-2004. Ang paraang ginamit ng mananaliksik sa pag-aaral na ito ay ang palarawang pagsusuri (descriptive survey). Sa pag-aaral na ito, ang talatanungan ang ginamit na instrumento sa pagkalap ng mga datos. Upang makamit ang layunin ng pagsasaliksik, ang mga sumusunod na pagsusuring istatistikal ang ginamit: t-test, frequency count, at weighted mean. 1. Saloobin ng mga edukador a. Lubusang sumasang-ayon ang mga edukador na mahalaga ang asignaturang Filipino at kailangang ituro ang Filipino sapagkat ito'y wikang pambansa. b. Bahagyang sumasang-ayon ang mga edukador sa mga problemang natagpuan sa pagtuturo gaya nq pagbibigay ng pangganyak sa Filipino; paapapadali ng pagkatuto at pagpapanatili ng interes ng mga mag-aaral; at sa pagpapabatid ng aralin sa Filipino nang maliwanag at wasto. c. Lubasang sumasang-ayon ang mga edukador sa mga hakbang na panlunas sa mga problemang natagpuan sa pagtuturo ng Filipino katulad ng pagdalo sa mga gawaing oang-edukasyon sa pariahon ng paglilingkod; pagbibigay-alam sa kinauukulan hinggil sa kakulangan ng kagamitan sa pagtuturo; at pagtutustos ng sapat na kopya ng mga aklat-sanggunian. d. Lubusang sumasang-ayon ang mga edukador sa mga pangganyak na makapagbibigay-sigla sa bahagi ng pagbibigay ng iskolarsip sa Filipino; pagdaraos ng palatuntunang pampanitikan; at paglalaan ng sapat na aklat-sanggunian na mga pangganyak na makapagbibigay-sigla upang maging mahusay at mabisa ang pagtuturo sa Filipino. 2. Pagkakaiba ng Saloobin ng mga Edukador Walang kinalaman ang kahandaang pampropesyonal, gulang, at haba ng karanasan sa pagtuturo ng mga edukador sa saloobin sa pagtanggap; sa mga problemang natagpuan sa pagtuturo ng Filipino; sa mga hakbang na panlunas sa mga problemang natagpuan; at sa mga pangganyak na makapagbibigay-sigla sa mga edukador upang maging mahusay at mabisa sa pagtuturo ng Filipino. Lumabas na mataas man o mababa ang tinapos na pag-aaral; nakatatanda man o nakababata; at mas matagal man o baguhan pa lamang sa pagtuturo ay pareho ang saloobin ng mga edukador sa mga nabanggit na aspeto. 3. Pagkakaiba ng Saloobin ng mga Mag-aaral Ang mga baryabol na kasarian, kolehiyong kinabibilangan at unang wika ay walang kapansin-pansing pagkakaiba sa saloobin ng mga mag-aaral. Lumabas na, ang mga mag-aaral na lalaki o babae na kumukuha ng kursong teknikal o di-teknikal anuman ang unang wikang kinagisnan Ilocano o Tagalog - ay sumasang-ayon na madaling maunawaan ang aralin sa Filipino; higit na magiging masigla kung Filipino ang wikang panturo at magiging kawili-wili ang pag-aaral. 4. Epekto ng saloobin Napag-alaman sa pag-aaral na lubusang sumasang¬ayon ang mga edukador at mag-aaral sa Filipino hinggil sa epekto ng saloobin na ang kahalagahan nq asignaturang Filipino sa kasalukuyang kurikulum at nakatutulong ang Filipino sa pagpapalawak ng kaalaman, kasanayan at: kakayahan ng bawat indibidwal. Hatay sa kinalabasan ng pag-aaral nabuo ang mga sumusunod na konklusyon: 1. Saloobin ng mga edukador a. Lubusang tinatanggap ng mga edukador ang Filipino bilang wikang panturo. b. Hindi dapat ipagwalang-bahala ng mga edukador at administrasyon ang mga problemang natagpuan sa pagtuturo. c. Ang pakikipag-ugnayan ng mga edukador sa administrasyon ay makatutulong na maisakatuparan ang mga hakbang panlunas sa mga problemang natagpuan sa pagtuturo d. Pinakamabuting pangganyak ang pagbibigay ng administrasyon sa mga edukador ng pagkakataon na mapagkalooban ng iskolarsip. 2. Hindi naaapektuhan ng kahandaang pampropesyonal, gulang, at haba ng karanasan sa pagtuturo ng mga edukador ang saloobin sa pagtanggap sa pagtuturo. 3. Hindi naiimpluwehsiyahan ng kasarian, kolehiyong kinabibilangan at unang wika ang saloobin ng mga mag-aaral sa Filipino. 4. Ang positibong epekto sa saloobin ng mga edukador at mga mag-aaral sa Filipino ay mahalagang mapanatili sa sistema ng institusyon. Ayon sa mga nabanggit na pagtalakay, ang mqa sumusunod ay iminungkahi: 1. Mapagtuunan ng pansin na pamunuan ng paaraalan ang mga problemang natagpuan ng mga edukador sa pagtuturo ng Filipino upang makamit ang mas mataas na antas ng pagtuturo. 2. Ang salik personal na kahandaang pampropesyonal ng edukador ay kinakailangang lalo pang palakasin sa pamamagitan ng paglalaan ng mga programang makatutulong sa pagpapakadalubhasa na may kaugnayan sa wika. 3. Nararapat na pag-ibayuhin and pagtangkilik sa wikang Filipino upang makatugon sa mas mahusay na pagkatuto at pagpapahalaga sa Filipino sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga gawaing pampaaralan. 4. Ayon sa lumalabas sa epekto ng saloobin ng mga edukador at mga mag-aaral kinakailangan pag-ibayuhin at panatilihin ng administrador na makapagtaguyod nang mas mabuting resulta sa larangan ng pagtuturo at pagkakatuto. 5. Kinakailangan ang dagliang pagsasakatuparan ng ginawang Debelopmental na Modelo sa Filipino upang matugunan ang pagpapalaganap ng paggamit ng Filipino bilang wika ng akademya.Item Antas ng mga tanong sa markahang pagsusulit sa mataas na paaralang nasyonal ng Lungsod ng Baguio(2004-02) Guilanda, Myla Gabriel,Ang pagtatanong ay napakahalagang gawaing pangwika ng isang guro. Malaki ang naitutulong ng pagtatanong upang mapabuti ang proseso ng pagtuturo at pagkatuto. Isa ito sa mga instrumento sa pagtaya ng natutunan ng mag-aaral at sa paglinang ng kanilang pag-iisip. Dahil dito kailangang masuri ang mga tanong na ginagamit ng guro. Ang mga markahang pagsusulit ang pinagtuunan ng pansin sapagkat malaking papel ang ginagampanan ng mga tanong sa paggawa ng mga pagsusulit. Nilayon ng mananaliksik na anumang bunga ng pag-aaral na ito ay magsilbing gabay, patnubay at inspirasyon sa patuloy na pagpapaunlad ng pagtuturo tungo sa lubusang pagkatuto ng mga mag-aaral. Pangunahing layunin ng pag-aaral na ito na malaman ang antas ng mga tanong ng guro sa mga markahang pagsusulit sa asignaturang Filipino sa tatlong paaralang nasyunal sa Lungsod ng Baguio sa taong aralan 2002-2003. Tinangka ring sagutin ang mga sumusunod na suliranin: 1. Anu-anong antas batay sa pangkabatirang Taksonomiya ni Bloom ang ginamit na mga tanong pampanitikan sa mga markahang pagsusulit? 2. Anu-anong antas batay sa pangkabatirang Taksonomiya ni Bloom ang ginamit na mga tanong pangwika sa mga markahang pagsusulit? 3. Paano nagkakaiba ang mga antas ng tanong pampanitikang ginamit sa tatlong paaralan? 4. Paano nagkakaiba ang mga antas ng mga tanong pangwika na ginamit sa tatlong paaralan? Nangibabaw sa mga pagsusulit sa tatlong paaralan ang antas-kaalaman, antas-komprehensyon, at antas-aplikasyon. 1. Ginamit ang mga antas kaalaman, komprehensyon, aplikasyon at analisis sa mga tanong na pampanitikan sa mga markahang pagsusulit. 2. Ginamit ang mga antas kaalaman, komprehensyon, aplikasyon at analisis sa mga tanong pangwika sa mga markahang pagsusulit. 3. May makabuluhang pagkakaiba ang antas ng mga tanong na ginamit ng mga guro sa tatlong paaralan sa araling pampanitikan. Nagkakaiba ang mga ito sa antas at sa bilang ng mga tanong na ginamit sa mga pagsusulit. 4. May makabuluhang pagkakaiba ang antas n mga tanong na ginamit ng guro sa araling pangwika. Nagkakaiba ang mga ito sa antas at sa bilang ng mga tanong na ginamit sa mga pagsusulit. Mula sa kinalabasan ng pananaliksik na ito, naibigay ang mga sumusunod na kongklusyon: Ang mga guro sa sekondarya sa pampublikong paaralan ay nagbibigay-tuon sa paglinang sa mga kasanayan ng mga mag¬aaral sa mga faktwal na kaalaman, pag-unawa at aplikasyon. Ang mga ito ay sumusukat lamang sa mababang antas ng pag¬iisip. Hindi nabigyang pansin ang mga tanong na lumilinang sa mataas na antas ng pag-iisip tulad ng antas-analisis, antas-sintesis at antas-ebalwasyon. 1. Karamihan sa mga tanong pampanitikang ginamit ng guro sa mga markahang pagsusulit ay sumusukat lamang sa mga kakayahang pangkaalaman, pangkomprehensyon at pang-aplikasyon. Mangilan-ngilan lamang ang mga tanong na nagpahalaga sa kakayahang mag-analisa. 2. Ang antas ng mga tanong pangwikanq qinamit ng guro sa mga markahang pagsusulit ay sumu3ukat lamang sa mga kakayahang pangkaalaman, pangkomprehensyon at pang-aplikasyon. Mangilan-ngilan lamang ang mga tanong na nagpahalaga sa kakayahang mag-analisa. 3. Ang pagkakaiba ng antas ng mga tanong pampanitikang ginamit ng guro sa tatlong paaralan ay makabuluhan. Tinatanggap ang hipotesis na nagsasabing may makabuluhang pagkakaiba ang antas ng tanong sa tatlong paaralan. 4. Makabuluhan ang pagkakaiba ng antas ng mga tanong pangwika na ginamit ng guro sa tatlong paaralan kaya tinatanggap ang hipotesis na may makabuluhang pagkakaiba ang antas ng tanong sa tatlong paaralan. Mula sa pag-aaral, natuklasan ng mananaliksik ang malaking pangangailangang maiangat ang antas ng tanong na ginagamit ng mga guro at ang pangangailangang malinang sa mga guro ang pagkakaroon ng sapat na kaalaman at kasanayan sa pagbuo ng mga tanong. Iminumungkahi ang mga sumusunod: 1. Paggamit ng mga tanong na nasa antas-analisis, antas-sintesis at antas-ebalwasyon ng mga paaralang naging paksa ng pag-aaral, sa paggawa ng mga markahang pagususulit. 2. Pagpapadala ng mga guro sa mababa at mataas na paaralan sa mga seminar/worksyap tungkol sa paggawa ng mga pagsusulit at pamamaraan ng pagtatanong. 3. Na ipatupad ng mga ulongguro ang paggawa ng talahanayan ng Ispesipikasyon bago gurnawa ng pagsusulit nang sa ganoon ay makita kung paano nababahagi nang wasto ang mga tanong. 4. Na ang sining ng pagtatanong at paggawa ng pagsusulit ay gawing isang hiwalay na asignatura sa kurikulum sa kursong edukasyon upang matutukan ang kasanayan sa pagtatanong at paggawa ng pagsusulit. 5. Na magkaroon ng isang komiteng aalalay at mag-aaral ng mga pagsusulit bago ipagamit upang makita ang kahinaan at kahusayan ng mga ito. 6. Ang pagsasagawa ng malawakang pag-aaral tungkol sa sining at pamamaraan ng pagtatanong ng guro, ganoon din sa mga paksang may kinalaman sa mga teacher-made test, antas ng mga tanong na ginagamit ng mga guro sa interaksyong pangklase sa pampribadong paaralang sekondarya at kolehiyo.Item Antas ng mga tanong sa markahang pagsusulit sa mataas na paaralang nasyonal ng Lungsod ng Baguio(2004-02) Guilanda, Myla Gabriel,Ang pagtatanong ay napakahalagang gawaing pangwika ng isang guro. Malaki ang naitutulong ng pagtatanong upang mapabuti ang proseso ng pagtuturo at pagkatuto. Isa ito sa mga instrumento sa pagtaya ng natutunan ng mag-aaral at sa paglinang ng kanilang pag-iisip. Dahil dito kailangang masuri ang mga tanong na ginagamit ng guro. Ang mga markahang pagsusulit ang pinagtuunan ng pansin sapagkat malaking papel ang ginagampanan ng mga tanong sa paggawa ng mga pagsusulit. Nilayon ng mananaliksik na anumang bunga ng pag-aaral na ito ay magsilbing gabay, patnubay at inspirasyon sa patuloy na pagpapaunlad ng pagtuturo tungo sa lubusang pagkatuto ng mga mag-aaral. Pangunahing layunin ng pag-aaral na ito na malaman ang antas ng mga tanong ng guro sa mga markahang pagsusulit sa asignaturang Filipino sa tatlong paaralang nasyunal sa Lungsod ng Baguio sa taong aralan 2002-2003. Tinangka ring sagutin ang mga sumusunod na suliranin: 1. Anu-anong antas batay sa pangkabatirang Taksonomiya ni Bloom ang ginamit na mga tanong pampanitikan sa mga markahang pagsusulit? 2. Anu-anong antas batay sa pangkabatirang Taksonomiya ni Bloom ang ginamit na mga tanong pangwika sa mga markahang pagsusulit? 3. Paano nagkakaiba ang mga antas ng tanong pampanitikang ginamit sa tatlong paaralan? 4. Paano nagkakaiba ang mga antas ng mga tanong pangwika na ginamit sa tatlong paaralan? Nangibabaw sa mga pagsusulit sa tatlong paaralan ang antas-kaalaman, antas-komprehensyon, at antas-aplikasyon. 1. Ginamit ang mga antas kaalaman, komprehensyon, aplikasyon at analisis sa mga tanong na pampanitikan sa mga markahang pagsusulit. 2. Ginamit ang mga antas kaalaman, komprehensyon, aplikasyon at analisis sa mga tanong pangwika sa mga markahang pagsusulit. 3. May makabuluhang pagkakaiba ang antas ng mga tanong na ginamit ng mga guro sa tatlong paaralan sa araling pampanitikan. Nagkakaiba ang mga ito sa antas at sa bilang ng mga tanong na ginamit sa mga pagsusulit. 4. May makabuluhang pagkakaiba ang antas n mga tanong na ginamit ng guro sa araling pangwika. Nagkakaiba ang mga ito sa antas at sa bilang ng mga tanong na ginamit sa mga pagsusulit. Mula sa kinalabasan ng pananaliksik na ito, naibigay ang mga sumusunod na kongklusyon: Ang mga guro sa sekondarya sa pampublikong paaralan ay nagbibigay-tuon sa paglinang sa mga kasanayan ng mga mag¬aaral sa mga faktwal na kaalaman, pag-unawa at aplikasyon. Ang mga ito ay sumusukat lamang sa mababang antas ng pag¬iisip. Hindi nabigyang pansin ang mga tanong na lumilinang sa mataas na antas ng pag-iisip tulad ng antas-analisis, antas-sintesis at antas-ebalwasyon. 1. Karamihan sa mga tanong pampanitikang ginamit ng guro sa mga markahang pagsusulit ay sumusukat lamang sa mga kakayahang pangkaalaman, pangkomprehensyon at pang-aplikasyon. Mangilan-ngilan lamang ang mga tanong na nagpahalaga sa kakayahang mag-analisa. 2. Ang antas ng mga tanong pangwikanq qinamit ng guro sa mga markahang pagsusulit ay sumu3ukat lamang sa mga kakayahang pangkaalaman, pangkomprehensyon at pang-aplikasyon. Mangilan-ngilan lamang ang mga tanong na nagpahalaga sa kakayahang mag-analisa. 3. Ang pagkakaiba ng antas ng mga tanong pampanitikang ginamit ng guro sa tatlong paaralan ay makabuluhan. Tinatanggap ang hipotesis na nagsasabing may makabuluhang pagkakaiba ang antas ng tanong sa tatlong paaralan. 4. Makabuluhan ang pagkakaiba ng antas ng mga tanong pangwika na ginamit ng guro sa tatlong paaralan kaya tinatanggap ang hipotesis na may makabuluhang pagkakaiba ang antas ng tanong sa tatlong paaralan. Mula sa pag-aaral, natuklasan ng mananaliksik ang malaking pangangailangang maiangat ang antas ng tanong na ginagamit ng mga guro at ang pangangailangang malinang sa mga guro ang pagkakaroon ng sapat na kaalaman at kasanayan sa pagbuo ng mga tanong. Iminumungkahi ang mga sumusunod: 1. Paggamit ng mga tanong na nasa antas-analisis, antas-sintesis at antas-ebalwasyon ng mga paaralang naging paksa ng pag-aaral, sa paggawa ng mga markahang pagususulit. 2. Pagpapadala ng mga guro sa mababa at mataas na paaralan sa mga seminar/worksyap tungkol sa paggawa ng mga pagsusulit at pamamaraan ng pagtatanong. 3. Na ipatupad ng mga ulongguro ang paggawa ng talahanayan ng Ispesipikasyon bago gurnawa ng pagsusulit nang sa ganoon ay makita kung paano nababahagi nang wasto ang mga tanong. 4. Na ang sining ng pagtatanong at paggawa ng pagsusulit ay gawing isang hiwalay na asignatura sa kurikulum sa kursong edukasyon upang matutukan ang kasanayan sa pagtatanong at paggawa ng pagsusulit. 5. Na magkaroon ng isang komiteng aalalay at mag-aaral ng mga pagsusulit bago ipagamit upang makita ang kahinaan at kahusayan ng mga ito. 6. Ang pagsasagawa ng malawakang pag-aaral tungkol sa sining at pamamaraan ng pagtatanong ng guro, ganoon din sa mga paksang may kinalaman sa mga teacher-made test, antas ng mga tanong na ginagamit ng mga guro sa interaksyong pangklase sa pampribadong paaralang sekondarya at kolehiyo.Item Ang pagtuturo ng ekonomiks sa Pines City National High School : isang pagtataya(2008-08) Banheh, Lucia ChanAng buhay ay pinaiinog ng Ekonomiks. Lahat ng gawain, mula sa tahanan, sa paaralan at sa mas malaking lipunan ay apektado ng pananalapi at ng iba't ibang yaman. Dahil dito, kinakailangang maipamulat ang mahahalagang konsepto ng Ekonomiks sa kabataan dahil may malaki silang pananagutan sa ating pamayanan. Maisasagawa ang pagpapamulat na ito sa paaralan sa pamamagitan ng mahusay na pagtuturo ng Ekonomiks. Inaasahang ang pagtuturo nito ay magdudulot ng kasiyahan at kagustuhang matutuhan ang Ekonomiks; na magiging praktikal sa pagtugon sa mga pangangailangan at kagustuhan ng bawat mag-aaral at guro upang makasunod at makabahagi sa patuloy na mahahalagang pagbabagong nagaganap sa ating lipunan sa kasalukuyan. Pangunahin sa mga ito ang pagbabagong pang-ekonomiko na lubhang nakaaapekto sa pag- unlad ng bansa, at sa kabuuan, ang daigdig. Ang tesis na ito ay kinapapalooban ng Pagtuturo ng Ekonomiks sa Pines City National High School: Isang Pagtataya. Hangarin nitong masagot ang mga katanungan sa pagtuturo ng Ekonomiks ng taong Panuruan 2007 -2008. Ang pag-aaral na ito ay nagbibigay ng kasagutan sa mga sumusunod na mga katanungan: 1. Gaano kalawak ang naabot sa mga layuning Instruksyunal ng pagtuturo ng Ekonomiks sa Pines City National High School? Haypotesis: Naabot ang mga layuning Intruksyunal ng Pagtuturo ng Ekonomiks sa Pines City National High School. 2. Gaano kadalas ang paggamit sa mga Instruksyunal na Teknik sa pagtuturo ng Ekonomiks sa Pines City National High School? Haypotesis: Madalas ang paggamit ng mga iba't ibang Instruksyunal na teknik sa pagtuturo ng Ekonomiks sa Pines City National High School. 3. Ano ang antas ng kasapatan ng mga kagamitang. Panturo na ginamit sa pagtuturo ng Ekonomiks sa Pines City National High School? Haypotesis: Sapat ang mga kagamitang panturo na ginamit sa pagtuturo ng Pines City National High School. 4. Ano ang antas ng kalagayan ng mga suliraning kinakaharap ng pagtuturo ng Ekonomiks sa Pines City National High School? Haypotesis: Bahagyang malubha ang kalagayan ng mga Suliraning kinakaharap ng pagtuturo ng Ekonomiks sa Pines City National High School? Ang mga datos na nakalap mula sa pananaliksik na ito ay nahango mula sa paggamit ng mga katanungan at pakikipanayam ng guro sa mga kapwa guro. Ang 'descriptive-survey method' ang ginamit sa paraan ng pananaliksik. Ang statistical na kagamitan na ginamit ay ang average weighted mean'. Batay sa pananaliksik, nabuo ang mga sumusunod na kinalabasan: 1.Lubhang naabot ang mga layuning Instruksyunal ng pagtuturo ng Ekonomiks sa Pines City National High School. 2.Laging ginagamit ang mga iba't ibang Instruksyunal na teknik sa pagtuturo ng Ekonomiks sa Pines City National High School. 3.Sapat ang mga kagamitang panturo na ginamit sa pagtuturo ng Ekonomiks sa Pines City National High School. 4.Bahagyang malubha ang kalagayan ng mga suliraning kinakaharap ng pagtuturo ng Ekonomiks sa Pines City National High School. Mula sa mga kinalabasan ng pag-aaral, nabuo ang mga sumusunod na panlahat: 1.Nakatuon ang pokus ng mga guro sa kanilang layunin sa pagtuturo ng Ekonomiks kaya't ang mga gawaing pagkatuto na inihahanda nila para sa mga mag-aaral ay angkop. 2. Ang mga guro sa Pines City National High School ay mapamaraan upang mapabuti ang kanilang pagtuturo ng Ekonomiks. 3.Nakatutulong ang kasapatan sa Kagamitang panturo sa pagkamit ng mga guro ng kanilang layunin sa pagtuturo. 4.Sa kabila ng pagsisikap ng pamunuan ng Pines City National High School na malutas ang kakulangan ng mga kagamitang instruksyunal, nananatili pa rin itong suliranin na dapat na pagtuunang pansin sa pagtuturo ng Ekonomiks. Batay sa kinalabasan ng pag-aaral na ito, iminumungkahi ang mga sumusunod: 1.Kailangang panatilihin sa lubhang naabot ang mga Layuning Instruksyunal ng pagtuturo ng Ekonomiks sa Pines City National High school. 2. Kailangang ipagpatuloy at panatilihin ang laging paggamit ng mga iba-ibang teknik sa pagtuturo ng Ekonomiks. Ang mga teknik na madalas ginagamit ay dapat ding itaas sa antas na laging ginagamit. 3. Kailangang magkaroon ng karagdagang kagamitan sa pagtuturo at ipagpatuloy ang paglikom ng kagamitang instruksyunal. Sa ganito, maaabot ang antas na tunay na sapat. Ang antas na kulang sa sapat ay dapat ding pataasin kaya't pag-ibayuhin ang paggamit ng pelikula, audio at programmed instruction 4. Kailangang panatilihin ang patuloy na pagdagdag ng pagkamit ng mga aklat upang makamit ang ratio na isa-sa-isa o isang aklat sa isang mag-aaral. Nararapat bigyang-pansin ng pamunuan ng Pines City National High School at ng Department of Education ang kwalipikasyong edukasyunal ng mga guro upang hindi na ito maging suliranin ng mga guro. Bagama't ito ay may antas na bahagyang malubha, makabubuti kung ito ay hindi na maging isa pang suliranin. Dapat pang dagdagan ang seminar ng mga guro sa Ekonomiks. Gayundin, dapat pag-ibayuhin ng mga guro ang paggamit ng Filipino bilang midyum. Nararapat bigyan ng mas malawak na tungkulin ang mga ulong-guro sa mga Annexes ng Pines City National High School upang hindi laging nakaatang sa balikat ng punung-guro ang pamamahala sa buong paaralan. Sa gayon, higit na magiging maayos ang pamamahala sa mga annexes dahil may iba-iba rin namang pangangailagan at suliranin ang bawat isa sa mga ito. 5. Ang sistema ng pagsasanay o pagsubok ay baguhin sa pamamagitan ng pagbibigay ng iba't ibang uri ng pagsubok tulad ng praktikal na eksamen,portfolio, atbp. 6. Dapat makalikha ng iba pang makabuluhan gawain upang mahikayat ang mga mag-aaral na gawin ang buong kakayahan sa pag-aaral.Item Mga piling katha ni Amor Cico : bisang paglalarawan at pahambing na pagsusuri(2006-03) Agbuya, Jenny Magalong,Bawat araw na dumaratal sa buhay ng tao ay nagbabago. Lahat ng pangyayari sa buhay ng bawat isa ay kaakibat ang malawak na konseptong ito. Ang pag-aaral na Ito na nakapokus sa mga piling maikling katha ni Amor Cico ay tumutugon at naglalayong makita at muling balikan ng tanaw at pansin ang mga kaisipan, kaugalian at pagpapahalaga na unti unti ng nililimot dulot ng nabanggit na pagbabago. Sa ikalilinaw ng pagsisiyasat na kinapapalooban ng anim na mga maikling kwento ng manunulat na si Amor Cico, sasagutin ang mga sumusunod na katanungan: 1. Anu-anong paksa ang napapaloob sa mga piling kwento ni Amor Cico? 2. Anu-anong istilo sa pagsulat ng may-akda ang ginamit sa paglalahad ng mga pangyayari sa mga piling akda? 3. Anu-anong tradisyon at kulturang kaakibat ng moralistiko, sikolohikal at sosyolohikal na pagdulog ang maaaring paghambingin upang maging lunsaran ng magandang kaasalan ng mga kabataan? 1. Ayon sa naging resulta ng pag-aaral, narito ang mga paksa sa bawat kuwento: Sa kwentong Maetan Panibeg nanguna ang paksang maghintay ng tamang panahon at kilalaning mabuti ang taong nais pag-ukulan ng panghabambuhay na pagmamahal. Ang Naibong Na Panibeg ay may paksang, maling akala, maling pananabik at nasayang na pagod dahil sa maling akala. Ang Betang Mb Pa Labat ay kinapapalooban ng mga paksang paghangang naudlot dahil sa maling akala at iluwa kapag napaso. Ang Aguik Itan, kwento na kinatatampukan ng paksang pagbibigayan at pagkakaunawaan ng tunay na magkaibigan sa panahong kailangan ng matatag na samahan. Ang Agui Ya Anggad Pagew ay may mga paksang natutungkol sa kapatid ng puso ang dibdib, ang kapatid ng tuksuan ay isang lambingan at tulak ng bibig kabig ng dibdib. Ang Ugaw Ni Tan ay kuwento na may mga paksang may gatas pa sa labi ang pag-ibig at makapaghihintay ang tunay na pag-ibig. 2.Ayon sa naging resulta ng pag-aaral,narito ang mga istilong nangibabaw sa bawat kwento: Sa kwentong Maetan Panibeg, nangibabaw ang istilong kumbensyonal. Ang Naibong Ya Panibeg ay may kumbensyonal at patumbalik isipan. Ang Betang Mo Pa Labat ay may kaayusang kumbensyonal. Ang Aguik Itan ay ginamitan ng may-akda ng mga istilong balak sa hinaharap at kombensyonal. Sa Agui Ya Anggad Pagew, nangibabaw naman ang istilong patumbalik isipan. Sa kwentong Ugaw Ni Itan, nanguna naman ang istilong daloy ng kamalayan. 3. Ang mga tradisyon at kulturang kaakibat ng moralistiko, sosyolohikal at sikolohikal na pagdulog ang maaaring paghahambing upang maging lunsaran ng kaasalan ay: Sa kwentong Maetan Panibeg nangibabaw ang kultura at tradisyon ng mga Pangasinense sa paniniwala sa mga sabi¬sabi o tsismis ng mga kapitbahay at pagsunod sa kagustuhan ng mga magulang na kaakibat ng moralistikong pagdulog. Sa kwento namang Betang Mo Pa Labat at Aguik Itan, masasalamin dito ang kultura at tradisyon ng mga Pangasinense partikular sa mga kabataan, ang pagiging padalus-dalos sa kanilang pagdedesisyon at sa paniniwala nilang "kapag napaso ay iniluluwa" na kaakibat din ng moralistikong pagdulog. Samantala, sa mga kwento namang Naibong Ya Panibeg, Agui Ya Anggad Pagew at Ugaw Ni Tan, masasalamin dito ang tradisyon at kulturang makalumang panliligaw ng mga Pangasinense na kaakibat ng sosyolohikal na pagdulog. Napatunayan din sa pag-aaral na ito, na bagamat ang anim na kwentong sinuri ay kinapapalooban ng moralistiko, sikolohikal at sosyolohikal na pagdulog, sosyolohikal na pagdulog ang siyang nangibabaw mula sa kabuuan ng pagsisiyasat. Napatunayan na ang napiling akda ni Amor Cico ay may mga paksaing natutungkol sa paghihintay ng tamang panahon kung pag-ibig ang pinag-uusapan dahil makapaghihintay ang pag-ibig. Nangibabaw naman ang istilong pinuputol ang wakas ng kuwento at ang istilong kumbensyonal na palasak din sa ibang akdang pampanitikan. Napatunayan din sa pag-aaral na ang mga tradisyon at kultura ng mga Pangasinense gaya ng magandang samahan ng mga magkapitbahay, pagsunod sa mga magulang at makalumang paraan ng panliligaw ay naging palasak sa anim na kwento. Kinapalooban naman ng moralistiko, sikolohikal at sosyolohikal na pagdulog ang bawat akda para mailarawan nang maayos ang mga nabanggit na tradisyon at kultura. Nangibabaw ang sosoyolohikal na pagdulog sa pag-aaral na ito. Batay sa nga naging resulta ng pag-aaral na ito, iminumungkahi ng mananaliksik ang mga sumusunod na tagubilin: 1. Na gamitin ng mga guro sa dalubhasaan at pamantasan ang nabanggit na mga paksa sa kanilang pagtatalakay ng mga akdang pampanitikan sa loob ng kanilang klase upang mapalawak at mahasa ang kanilang kaalaman ng mga mag-aaral sa larangan ng pagsusulat. At maging gabay sa pagbuo ng maikling kwentong kanilang naranasan sa kani-kanilang bayan. 3. Na bigyang-pansin ang mga kultura at tradisyon ng mga Pangasinense sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga akdang pampanitikan ng Wikang Panggalatoc. 4. Na isama sa kurikulum ng mga pamantasan at idagdag bilang isang asignatura sa pagtalakay sa kasaysayan, kultura at tradisyon ng mga Pangasinense. 5. Na gamitin bilang hanguan ng mga guri ng panitikan ang mga maikling kwento sa pagtuturo upang maikintal nila sa isipan ng kanilang mga mag-aaral ang mga kultura at tradisyon ng mga Pangasinense para maging sagisag ng kanilang idetidad. 6. Na maging lunsaran nq mga quro ng ibat ibang istratehiya sa pagtuturo ng panitikan upang maging masigla at kapakipakinabang ang talakayan at magkaroon pa lalo ng interes ang mga mag-aaral na pag-aralan and mga Panitikang Pangasinan.