Master of Arts in Education major in Filipino
Permanent URI for this collectionhttps://dspace.uc-bcf.edu.ph/handle/123456789/119
Browse
3 results
Search Results
Item Isang pagsusuri sa bisang pangkaisipan at pangkaasalan ng Florante at Laura ni Francisco Balagtas(1984-03) Ramos, Florentina D.Ang pag-aaral na ito ay naglalayong tumulong sa paagsasakatuparan sa mga hangarin ng kabansang Pilipino, hinggil sa ating pambansang tunguhing nauukol sa pagpapaunlad at pagpapalakas sa pambansang kamalayan sa pamamagitan ng pagsusuri at pagpapakahulugan sa mga bisang pangkaisipan at pangkaasalang nakapaloob sa Florante at Laua ni Francisco Balagtas. Naglalayong sagutin sa pag-aaral na ito ang mga sumusunod na katanungan: 1. Anu-ano ang mga mahahalagang kaisipang inilahad sa Florante at Laura? 2. Paano mapapangkat-pangkat ang mga kaisipang ito? Paano mabibigyang-kahulugan ang mga ito upang higit na malinawan at maunawaan ng mga mag-aaral?Item Isang paghahambing ng kakayahan sa pag-unawa sa pakikinig sa Ingles at Filipino ng mga batang di-tagalog sa ikatlong baitang(1989-02) Lamaton, Carmelita B.,Ang paghahambing ng kakayahan sa pag-unawa sa pakikinig sa Ingel at Filipino ng mga batang di-Tagalog sa ikatlong baitang ang pinag-ukulan ng pag-aaral. Naglalayong paghambingin ang kakayahan ng mga batang mag-aaral sa ikatlong baitang sa mga kuwentong inilahat sa Ingles at Filipino. Natuklasan sa pag-aaral na ang mga batang di-Tagalog ay nakauunawa sa dalawang wika (Filipino at Ingles) ngunit highit ang pag-unagawa nila sa wikang Filipino. Napag-alaman ding walang makabuluhang pagkakaiba ang kakayahan sa pag-unawa sa pakikinig ng mga lalaki at babaeng mag-aaral. Natuklasan sa pag-aaral na ito na may makabuluhang pagkakaiba ang pag-unawa sa pakikinig ng mga mag-aaral na di-Tagalog sa dalawang wika ayon sa kung sino ang tagapagsalaysay. Ang kinalabasan ng pag-aaral na ito, na higit and pag-unawa ng mga di-Tagalog na mag-aaral sa Filipino kaysa sa Inglesm ay tumutugma sa itinadhana ng Kautusang Pangkagawaran Blg. 25, s. 1974, na ang mga mga asignatura tulad ng Araling Panlipunan, Sining ng Komunikasyon, Sining at Musika, gayon din ang aralin sa Pagpapalakas ng Katawan ay nararapat ituro sa wikang Filipino. Higit na maraming sandali ang ginugugol ng mga mag-aaral sa pakikinig sa guro na ang ginagamit ay wikang Filipino. Sa mga kinalabasan ng pagtutuos na t, masasabing hindi sagabal ang kasarian kung pag-uusapan ang kakayahan sa pag-unawa sa pakikinig ng mga batang di-Tagalog. Mapupunang higit na mataas ang 'mean" sa salaysay ng bata kaysa sa salaysay ng matanda. Tumutugma ito sa pagtutuos na may kinalaman sa wika na higit ang pag-unawa ng mga mag-aaral sa batang nagsalaysay sa wikang Filipino kaysa sa nagsalaysay na matanda sa gayon ding wika. Pumili ang mag-aaral dalawang kuwentong angkop sa ikatlong baitang. Pawang pang-ikatlong baitang ang mga aklat na pinagkunan na hindi ginagamit bilang batayan ngunit mga sangguniang akiat lamang. Isinaayos ang mga kuwentu upang mapadali ang pag-unawa sa mga ito. Pumili ang mag-aaral ng isang guro at isang batang nasa ikatlong baitang na mahusay bumasa nang pabigkas sa Filipino at Ingles na siyang pinagsalaysay sa teyp rekorder. Pagkatapos mapakinggan ang naiteyp na mga kuwento, bumuo ng pagsusulit ang mag-aaral na siyang ginawang batayan kung hanggang saan ang kasanayan ng mga bata sa pag-unawa sa pakikinig sa dalawang wika. Uring pamilian ang angkop na pagsubok sa kakayahan ng mga bata sa pakikinig sa pagbasa. Ang pagsubok na binubuo ng 15 aytem ay unang ibinigay sa animnapung mag-aaral na nasa ikatlong baitang ng SLU Elementary Laboratory School sa kapahintulutan ng punungguro. Pagkatapos maibigay ang pagsubok at maiwasto ang mga papel. sinuri ng mananaliksik ang bawat aytem upang matiyak ang kahirapan ng aytem at ang indeks ng pagtatangi-tangi. Apatnapung bata ang pinili sa ikalawang pangkat na pawang nagsisipag-aral sa Paaralang Elementaryang Quezon na bibubuo ng dalawampung babae at dalawampung lalaki. Pagkatapos nito, iwinasto ng mag¬aaral ang papel ng mga bata at dito ibinatay ng mag-aaral kung sinu-sino ang mga batang isinali sa pag-aaral. Ganito ring bilang ng mag-aaral ang kinuha sa U.B. Elementary Laboratory School. Sa labinlimang aytem na ibinigay sa unang pagsubok, sampu ang itinira para sa pangwakas na pagsubok. Upang matiyak ang kabisaan ng sampung aytem na ibinigay sa 120 kalahok, binigyan silang muli ng gayunding pagsubok ngunit gumamit ang mananaliksik ng uring tama o mali. Ito’y ginawa upang matuklasan kung may panghuhulang naganap sa unang pagsubok. Bawat set ng mga sagot sa tatlong paaralan ay ginawan ng kaukulang pagtutuos at pagpapakahulugan. Ang bawat paghahambing ay ginawan ng kaukulang pagtutuos. Ginamit ang pagsusulit na t para sa magkaugnay na kalahok sa paghahambing ng kasanayan sa wika at sa kinalabasan ng pagsubok ayon sa tagapagsalaysay. Ang t-test ay binigyan ng kaukulang pagpapakahulugan sa pamamagitan ng paghahambing ng tinuos na t sa nakatalang t sa antas .05 ng pagiging makabuluhan. Pinili ang .05 na antas dahil ito ang katamtamang antas na nababagay sa ginawang paghahambing. Ayon sa kinalabasan ng pag-aaral, masasabing ang paggamit ng teyp rekorder ay malaking tulong sa pagtuturo. Hindi mahihirapan ang isang guro sa kanyang pagtuturo kung siya’y gagamit ng teyp rekorder paminsan-minsan. Natuklasan din ng mag-aaral na kasiya-siya ang disiplina ng mga bata kung magkakaroon ng ganitong uri ng pagtuturo. Napag-alaman na pantay ang pag-unawa ng mga babae at lalaki sa dalawang wika. Natuklasan ding higit ang pag¬unawa ng mga batang di-Tagalog sa wikang Filipino kaysa sa wikang Ingles. Nalaman ding higit ang pag-unawa ng mga batang di-Tagalog kalahok batang tagapagsalaysay kaysa sa matandang tagapagsalaysay. Talagang madali ang pag-unawa sa isang kasing-gulang anumang wika ang gamitin. Batay sa kinalabasan ng pag-aaral iminumungkahi ng mag-aaral na dapat ding bigyan ng pagkakataong makapag-salaysay ang mga bata dahil sa higit na nauunawaan ng mga bata ang salaysay ng kapwa bata. Dapat ding magkaroon ng paghahambing ng pag-unawa sa pakikinig at pagbasa ng mga mag-aaral sa ibait-ibang baitang. Magkaroon din ng tiyak na layunin kapag nakikinig sa isang salaysay sapagkat higit na nauunawaan ng mga bata ang babasahin kapag may tiyak na layunin. Dapat ding magkaroon ng higit pang mabisa at makabuluhang palatuntunan rig pag-unawa sa pakikinig sa paaralan. Dapat din nating isaisip na dahil sa ang mga batang di-Tagalog ay may higit na pag-unawa sa wikang Filipino, ang mga guro ay dapat bigyang-diin ang kasanayan sa pakikinig sa ingles dahil sa ito ay pangalawang wika rin ng mga mag-aaral tulad ng Filipino.Item Antas ng pokus ng pandiwa sa wikang Aklanon at Filipino : isang pahambing na pagsusuri(1989-11) Flores, Fermina C.Ang naging pangunahin layunin ng pananaliksik na ito’y paghambingin ang antas ng pokus ng pandiwa sa dalawang wika-Aklanon at Filipino. Tinangkang masagot ang pagkakatulad ng Filipino at Aklanon sa ugnayang pambalarila ng pandiwa sa paksa ng pangungusapi; and pagkakahawig ng pokus ng pandiwa kung ito’y ginagamit sa pangungusap; and pagkakatulad ng mga panlaping makadiwa at ang paraan ng pagkakabit ng panlaping makadiwa sa Filipino at Aklanon. Gumamit ng pahambing na pagsusuri, mga kaalamang pangliggwistika at mga impormanteng kinapanayam sa pagtalakay ng paksa ang may-akda. Ginawan din ng mga hulwaran o modelong pangungusap na siyang pinagbatayan ng pagtalakay sap ag-alam ng pagkakatulad ng mga panlaping makadiwa, ang paraan ng pagkakabit ng mga panlapi at antas ng pokus ng pandiwa. Natuklasan sap ag-aaral na ito na may pagkakatulad sa paraan ng pagkakabit ng panlaping makadiwa sa salitang ugat; sa ugnayang pambalarila ng pandiwa, sa pokus ng pandiwa sa pangungusap at sa mga panlaping makadiwa sa dalawang wikang nabanggit- Filipino at Aklanon. Iminungkahi na ipagpatuloy pa ang pag-aaral sa suliranon ng pagtuturo ng pokus ng pandiwa para sa paggawa ng naaangkop na kagamitang pampagtuturo. Ang pag-aaral na ito’y gumamit ng pahambing na pagsusuri. Ang kaalamang linggwistika, mga nakalimbag na aklat gaya ng Makabagong Balarilang Filipino nina Santiago, Alfonso at Tiangco, Makabagong balarila ng Filipino ni Teresita Ramos, Linguistics Across Cultures ni Robert Lado, The Four Focus Transformation of Tagalog ni Teodoro Llamzon, at marami pang nakalimbag na aklat panlinggwistika ang ginamit ng mananaliksik sap ag-aaral na ito. Ang mga aklat na nabanggit at iba pa ay matutunghayan sa talaan ng mga sanggunian sa likuran ng aklat na ito. Nakatulong din ang kaalaman ng may-akda sapagkat ito ang kanyang unang wika (Aklanon) at ang kaalaman din ng ilang mga impormante sa pagtatalakay sa paksa. Ang mga impormanteng ito ay kinapanayam ng may-akda sa pamamagitan ng tape recorder at mga kwestyunaryo. Tinalakay at binigyan ng katuturan ang mga salitang ginamit sa pananaliksik at binigyan ng mga halimbawa ang mga salitang-ugat sa Aklanon at Filipino. Binanghay din ang pandiwa sa tatlong aspekto. Binigyan din ng halimbawa sa iba’t ibang antas ng pokus ng pandiwa sa wikang Aklanon at Filipino. Ginamit ng may-akda ang pamraan sa paghahambing ng dalawang istrakturang panggramatika. Ginawan ng aktwal na paghahambing sa dalawang wika- and Aklanon at Filipino, sa pamamagitan ng mga hulwaram o ng pagtalakay sa pag-alam ng pagkakatulad o pagkakapareho ng mg mga panlaping makadiwa, ang paraan ng pagkakabit ng mga panlapi at antas ng pokus ng pandiwa. Pagkatapos ng maingat at masusing pagsasaalang-alang sa mga datos ng pag-aaral, ang mananaliksik ay naglahad ng mga sumusunod na konklusyon: Ang wikang Aklanon at Filipino ay may pagkakatulad, sa anyo, kahulugan, at balangkas ng pangungusap na may pokus ng pandiwa. Ang pagkakatulad ng anyo at kahulugan ay sa pamamagitan ng panlaping makadiwa na ikinabit sa salitang-ugat na pandiwa. Nagkakatulad din sa balangkas ng pangungusap na may pokus ng pandiwa sa pangungusap na may simuno at panaguri. Aang pagkakatulad ng anyo at kahulugan ng panlaping makadiwa ay sa pamamagitan ng pokus ng pandiwa, sa pokus actor, /mag-/, /-um/ at /mang-/, sa pokus sa layon , /i-/ at sa pokus ng kaganapan, /-an/. Ang pagkakatulad ng balangkas ng pangungusap na may pokus ng pandiwa, ay sa pamamagitan ng pokus actor, pokus layon, pokus sa kaganapan, pokus sa kalanaanan, at pokus sa sanhi. Natuklasan din ng may-akda na may panlaping makadiwa na Filipino at Aklanon na may pagkakaiba ng anyo ngunit magkatulad ng kahulugan sa sandalling ikinabit ang mga panlaping ito sa salitang-ugat na pandiwa at ginamit sa pangungusap. Ang mga panlaping Aklanon na may pagkakaiba ng anyo sa Filipino ngunit magkakatulad ng kahulugan ay sa pamamagitan ng pandiwang nasa: una: pokus sa layon, /-in/ na may katumbas na /gin-/ sa Aklanon; ang panlaping /pa-, -an,/ na may katumbas na /pa-, -e/ sa Aklanon; ang panlaping /-han/ na may katumbas na /-nan/ at /-ne/ sa Aklanon. Pangalawa: ang pokus sa ganapan, ang mga panlaping /pa-, -an/ na may katumbas na /-an/ sa Aklanon; ang panlaping /-han/ na may katumabas na /-nan/ at /-ne/ sa Aklanon. Pangatlo: ang pokus sa kalaanan, ang mga panlaping /ipag-/ na may katumbas na /-an/ Sa Aklanonon, at panlaping /i-/ na may katumbas na /-hi/ at /-han/ sa Aklanon, at pang-apat: ang pokus sa sanhi, ang panlaping /ika-/ ay may katumbas na /gin-, -an/ sa Aklanon. Natuklasan din ng may-akda na ang balangkas ng pangungusap sa Filipino na nasa anyong pautos at nagtatglay ng pandiwang kasing-anyo ng pawatas ay may pagkakatulad sa balangkas ng pangungusap sa Aklanon. Ang pagkakatulad sa balangkas ng pangungusap na nasa anyong pautos ay sa pamamagitan ng pandiwa na nasa pokus sa layon, pokus sa ganapan at pokus sa kalaanan. Ang mga natuklasan sap ag-aaral na ito ay iminungkahi na; una: para sa mga mag-aaral na gumagawa ng tesis, dapat ipagpatuloy ang masusing pananaliksik sa unang wika ng mag-aaral, hindi lamang ang wikang Aklanon kundi maging ang iba’t ibang diyaleto ng ating bansa, sapagkat ito ay nakakatulog sa pagpapagaan ng pagtuturo ng wikang Filipino bilang pangalawang wika sa paaralan at sa pagpapalaganap ng wikang ito, bilang wikang Pambansa. Pangalawa: para sa mga guro na nagtuturo sa lalawigang Aklan, upang mapadali ang pagkakatuto ng mag-aaral, gamitin ang nabuong padron o hulwarang pangungusap batay sa isinagawang pag-aaral tungkol sa iba’t ibang pokus ng pandiwa. Pangatlo: para sa mga gurong Aklanon na nagtuturo ng Filipino sa mga pook na di-Tagalog tulad ng Baguio, iminungkahi rin ng may-akda na gamitin ang mga padron o hulwarang pangungusap tungkol sa iba’t ibang pokus ng pandiwa. Pang-apat: para sa lahat ng mga gurong nagtuturo ng Filipino, iminungkahi rin ng may akda na gamitin ang nabuong padron o hulwarang pangungusap tungkol sa iba’t ibang pokus ng pandiwa sapagkat naging mabisa ito sa may-akda sa pagtuturo niya ng iba’t ibang pokus ng pandiwa. Panlima: sa mga dalubwika o linggwistika, iminungkahi ng may-akda na ipagpatuloy ang pagsasaliksik sa Aklanon at iba pang kapatid na diyalekto ng Lalawigang Aklan at iba pang kapait na diyalekto ng Lalawigang Aklan upang matuklasan ang iba pang pagkakatulad nito hindi lamang sa antas ng pokus ng pandiwa kundi maging sa balangkas ng salita at pangungusap. Pang-anim: sa mga naglalayong mag-aral sa antas ng pokus ng pandiwa sa Aklanon, iminungkahi a isama ang pokus na instrumental sa isasagawang pag-aaral at Pampito: para sa mga mag-aaral na gumagawa ng tesis, iminungkahi nap ag-aralan ang mga suliranin sa pagtuturo ng iba’t ibang pokus ng pandiwa upng mabatid ang wastong pamamaraan sa pagtuturo nito at sa pagsasagawa ng naaangkop na mga kagamitang pampagtuturo.