Master of Arts in Education major in Filipino
Permanent URI for this collectionhttps://dspace.uc-bcf.edu.ph/handle/123456789/119
Browse
2 results
Search Results
Item Komparatibong pag-aaral sa kabisaan ng Ingles at Flipino bilang midyum sa pagtuturo ng Araling Panlipunan II(2012-11) Espinueva, Blesilda Soriano.Ang ilang dekadang pagpapatupad ng Patakarang Bilinggwal sa Edukasyon ay lubos na nakaapekto sa paghulma ng paggamit ng Ingles at Filipino bilang midyum ng pagtuturo mula noong ipatupad ito. Kung babalikan ang ilang dekadang nakalipas hanggang sa kasalukuyan, mainit na paksa pa rin sa mga diskusyon at pagtatalo kung alin ang mas mabisang wikang panturo sa mga asignatura gaya ng Araling Panlipunan II. Ito ay sumasakop sa mga paksang may kinalaman sa sinaunang kabihasnan ng mga Asyano, heograpiya, pamamahala at kultura. Mahalagang maituro nang maayos ang mga ito dahil ito ang nagmumulat sa mga mag- aaral sa halaga ng pag-aaral ng kasaysayan at nagpapalalim din sa kanilang pag-unawa sa kanilang pagkakakilanlan. Upang maisagawa ito, mahalagang malaman kung sa aling wika mas mabisang ituro ang isang asignatura upang matiyak ang mabisang pagkatuto ng mga mag-aaral. Ang kabisaan ng pagtuturo ay madalas na ibinabatay sa antas ng pagkatuto ng mga mag-aaral. Isa sa mga paraan upang masukat ito ay ang resulta ng mga pagsusulit na ibinibigay ng Kagawaran ng Edukasyon at ng mga guro. Ang resulta ng mga pagsusulit at mga gradong ibinibigay ng guro sa pagtatapos ng bawat markahan ay naiimpluwensyahan ng iba't ibang salik gaya ng wikang ginagamit sa pagtuturo na isa sa mga tiningnan sa pag-aaral na ito. Ang paraan ng pagtuturo ng isang asignatura gamit ang isang wika kasama ang pagsasaalang-alang sa kaalaman at kasanayan ng mag-aaral sa wikang mas pamilyar sa kanya ay nakaaapekto nang malaki sa pagganap ng bawat mag-aaral. Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa antas ng kabisaan ng Ingles at Filipino bilang wikang panturo sa Araling Panlipunan II. Pinagtuunan ng pag-aaral ang pagtuklas ng mga kasagutan sa mga sumusunod na katanungan: 1. Ano ang antas ng pagkatuto sa Araling Panlipunan II ng mga mag-aaral sa mga piling paaralang sekondarya sa Dibisyon ng Baguio ayon sa: a. resulta ng achievement test, b. sariling pag-aantas, at c. grado ng mga mag-aaral? 2. Ano ang pagkakaiba ng antas ng pagkatuto ng mga mag-aaral sa Araling Panlipunan II batay sa resulta ng achievement test, grado, at sariling pag-aantas ayon sa: a. wikang panturo, at b. unang wika ng mga mag-aaral? 3. Ano ang tindi ng mga suliranin ng mga guro sa paggamit ng wikang Ingles at Filipino bilang midyum sa pagtuturo ng Araling Panlipunan II? 4. Ano ang mungkahing programa para sa kalutasan ng mga suliranin sa paggamit ng wikang Ingles at Filipino sa pagtuturo ng Araling Panlipunan II? Pagkatapos ng pagsusuri sa mga datos, lumabas ang mga sumusunod na resulta ng pag-aaral: 1. Katamtaman ang antas ng pagkatuto ng mga mag-aaral sa Araling Panlipunan II batay sa resulta ng National Achievement Test at grado nila sa Araling Panlipunan II ngunit mataas naman kung pagbabatayan ang sariling pag¬aantas ng mga mag-aaral. Makikita na mas marami sa mga mag¬aaral na may bilang na 1,754 a 77% ang may katamtamang masteri batay sa resulta ng NAT. Gayundin, 105 o 43.55% ang nakakuha ng gradong 81-86% na nangangahulugan ng katamtamang antas ng pagkatuto. Samantala, lumabas na ang kabuuang mean ng pagkatuto ng mga mag-aaral batay sa kanilang sariling pag-aantas ay 2.75 na nangangahulugang mataas. 2. May makabuluhang pagkakaiba ang resulta ng National Achievement Test ayon sa wikang panturong ginagamit sa Araling Panlipunan II na pinatunayan ng tabular computed value na 12.240 na mas mataas sa level of significance na 0.000. Samantala, hindi makabuluhan ang pagkakaiba ng antas ng pagkatuto ng mga mag-aaral batay sa kanilang mga grado dahil sa lumabas na tabular computed value na 0.441 na mas mababa kaysa sa level of significance na 0.661. Gayundin, hindi makabuluhan ang pagkakaiba ng antas ng pagkatuto ng mga mag-aaral ayon sa kanilang sariling pag-aantas batay sa lumabas na kabuuang tabular computed value na 0.019 na mas mababa kaysa sa level of significance na 0.985. Samantala, may makabuluhang pagkakaiba ang grado ng mga mag-aaral na ang unang wika ay Filipino at Ingles kung pagbabatayan ang resulta ng post hoc analysis kung saan ang mean difference ay .393 na may significance value na .037 (P<0.05) at masasabing higit na mataas ang antas ng pagkatuto ng mga mag-aaral na Filipino ang unang wika kaysa sa mga mag¬aaral ng Ingles ang unang wika. 3. Matindi ang epekto ng mga suliranin ng mga guro sa kabisaan ng pagtuturo kaugnay ng paggamit ng wikang Ingles at Filipino bilang midyum sa pagtuturo ng Araling Panlipunan II. 1. Hindi pa ganap na natamo ng mga mag-aaral ang mga inaasahang kasanayan o tunguhing dapat nilang matamo sa Araling Panlipunan II. 2. Nakaiimpluwensya ang wikang panturo sa antas ng pagkatuto ng mga mag-aaral sa Araling Panlipunan II samantalang hindi nakaiimpluwensya ang unang wika sa antas ng pagkatuto ng mga mag-aaral sa Araling Panlipunan II. 3. Nakasasagabal ang mga suliranin ng mga guro sa kabisaan ng pagtuturo ng Araling Panlipunan II. 4.Nangangailangan ng programang tutugon sa mga suliranin ng mga guro gamit ang wikang Ingles at Filipino sa pagtuturo ng Araling Panlipunan. Mula sa mga natuklasang resulta at nabuong kongklusyon, iminumungkahi ng mananaliksik ang mga sumusunod: 1.Cross-match na pagsusuri sa mga pangangailangang pampagkatuto (learning needs) ng mga mag-aaral at sa kasalukuyang lapit (approaches) gayundin sa nilalaman ng asignatura upang matukoy kung ang mga ito ay may makabuluhan at tumutugon sa pangangailangang pampagkatuto ng mga mag-aaral. 2. Pagsasagawa ng pagbabalik-aral at modipikasyon sa kasalukuyang silabus o hanay ng mga aralin upang matugunan ang mga pangangailangan at maiakma/maiangkop ito sa kakayahan ng mga mag-aaral. 3.Pagtukoy sa kaligirang pangwika ng mga mag-aaral sa pagsisimula pa lamang ng klase nang sa gayon ay matugunan ang pangangailangan ng mga mag-aaral na bahagi ng klaseng iba-iba ang wikang ginagamit. 4. Paggamit ng wikang pinakapamilyar at pinakamalapit sa pag-unawa ng mga mag-aaral gaya ng unang wika at Filipino. 5.Pagpapalimbag ng higit na marami pang aklat o sangguniang makatutugon sa pangangailangan ng mga guro para sa higit na malawakang pagtalakay at mabisang pagtuturo sa mga mag-aaral. 6. Pagpapatupad ng mungkahing programa para sa kalutasan ng mga suliranin sa paggamit ng wikang Ingles at Filipino sa pagtuturo ng Araling Panlipunan II.Item Estilo sa nalikhang tula ng mga kadeteng nasa ikaapat na antas sa Philippine Military Academy.(2011-04) De Castro, Johnna JamandronAng pananaliksik ay nakatuon sa pagtuklas sa estilo ng paglikha ng tula ng mga kadeteng nasa ikaapat na antas sa Philippine Military Academy, TP 2010-2011, Siklab-diwa class 2014. Iba't iba ang estilo sa nalikhang tula ng bawatmakata, kung kaya't iba't Mang taglay na bisa mayroon ang mga ito. Ang istilo ay nagkakaiba-iba kahit na iisang paksa lamang ang tinatalakay na para bang sumasabay sa pagbabago at paglipas ng panahon. Magkagayunman, kinikilala pa rin ang pagsulat ng tula bilang isang sining na maaaring manlibang, mangaral, manuri o manudyo. Ang mga kadete ay kinabakasan ng kasanayang sumulat ng tula. Pinabubulaanan nito na ang mga militar ay mga robot - manhid at walang pakiramdam. Ang mga kadete ay karaniwan ding nilalang na nakakaramdam ng iba’t ibang damdamin. At ito'y naibubulalas ng mga kadete sa pamamagitan ng pagsulat ng tula. Ang mga tula ay kinabakasan ng pagtutugma, pagtatalinghaga, pagsasagisag at pagtatayutay gamit ang diskors. Ang mga Ito ay kumakatawang estilo na tinangkang tuklasin ng mananaliksik. Naglalayon itong tumugon sa mga sumusunod: 1. Makikilala ang estilong nangingibabaw sa nalikhang tula ng mga kadeteng nasa ikaapat na antas. 2. Matutukoy ang uri ng diskors na nangingibabaw sa nalikhang tula ng mga kadeteng nasa ikaapat na antas sa PMA. 3. Matutukoy ang kaugnayan ng estilo sa antas ng kahusayan sa nalikhang tula ng mga kadeteng nasa ikaapat na antas. 4. Makapagmumungkahi ng mga gawaing pangklase na magiging mabisang panghikayat upang mapaunlad ang estilo sa paglikha ng tula ng mga kadeteng nasa ikaapat na antas. Ang pag-aaral na ito ay nagtangkang matuklasan ang estilo ng paglikha ng tula ng mga kadeteng nasa ikaapat na antas. Ninais ding masagot ang mga tiyak ng suliranin katulad ng mga sumusunod: 1. Ano ang estilong nangingibabaw sa nalikhang tula ng mga kadeteng nasa ikaapat na antas? Haypotesis: Ang kadalasang estilong nangingibabaw sa nalikhang tula ng mga kadeteng nasa ikaapat na antas ay ang paggamit ng pagtutugma. 2. Ano ang uri ng diskors na nangingibabaw sa nalikhang tula ng mga kadeteng nasa ikaapat na antas ng PMA? Haypotesis: Ang uri ng diskors na nangingibabaw sa nalikhang tula ng mga kadeteng nasa ikaapat na antas ay paglalahad. 3.Ano ang kaugnayan ng estilo sa antas ng kahusayan sa nalikhang tula ng mga kadeteng nasa ikaapat na antas? Haypotesis: May makabuluhang kaugnayan ang estilo sa antas ng kahusayan sa paglikha ng tula ng mga kadeteng nasa ikaapat na antas. 4. Anong gawaing pangklase ang mabisang makahihikayat upang mapaunlad ang estilo sa paglikha ng tula ng mga kadeteng nasa ikaapat na antas? Pangunahing ginamit ang pamamaraang deskriptib at korelasyunal upang matuklasan ang estilo ng mga kadete at kaugnayan ng estilo sa antas ng kanilang kahusayan sa paglikha ng tula. Ang mga respondente ay kinatawan ng 50 kadete na sumulat nq tigtatatlong malalayanq tula. Systematic random sampling ang ginamit sa pagpili ng mga respondenteng kabilang sa pag-aaral. Ginamit ang pamamaraang deskriptib sarbey upang matuklasan ang nangingibabaw na estilo at uri ng diskors. Ang pagbabahagdan ay batayan kung ano anq nangingibabaw n d estilo at madalas gamiting uri ng diskors. Ginamit ang pamamaraang korelasyunal upang malaman ang kaugnayan ng estilo sa antas ng kahusayan. Ginamit ang Pearson's R upang masubok ang haypotesis na may makabuluhang kaugnayan ang estilo sa antas ng kahusayan sa paglikha ng tula ng mga kadeteng nasa ikaapat na antas. Ang mga sumusunod ang mga pangunaning natuklasan sa pag-aaral: 1. Iba't ibang estilo ang ginamit ng mga kadete sa kanilang nalikhang tula: a. Nangibabaw ang pagtutugma na sangkap ng kariktan, pumangalawa ang pagtatayutay, pumapangatlo ang larawang diwa at panghuii ang pagsasagisag. b. Sa pagpapakahulugan higit na nagamit ang denotasyon kaysa konotasyon. 2. Pinakagamitin ang paglalahad sa mga nalikhang tula ng mga kadeteng nasa ikaapat na antas, pumangalawa ang pagsasalaysay at panghuli ang paglalarawan. 3. Lumabas sa pagsusuri na ang estilo at antas ng kahusayan sa paglikha ng tula ay may makabuluhang kaugnayan sa bawat isa. Batay sa kinalabasan ng pagsusuri, ang mga sumusunod ay mga nabuong kongklusyon: 1. Ang paglikha ng tula ay isang sining na kababakasan ng pansariling estilo at/o orihinalidad kung kaya't nagkakaiba-iba ang kinalabasang bisa na dapat umayon sa prinsipyo ng kawastuhan sa larangan ng linggwistiks at retorika. 2. May epekto ang pagpasok ng mga makabagong teknolohiya lalo na ng panonood sa telebisyon at paggamit ng kompyuter sa pagkakalantad ng mga kadete na naging sanhi ng malimit na paggamit ng diskors na palahad. 3. Ang kahusayan sa paglikha ng tula ay hindi lamang nakasalalay sa salik ng linggwistiks kundi pagsaalang- alang din sa mga salik na may kaugnayan sa retorika kung saan saklaw nito ang paggamit ng estilo. Batay sa mga natuklasan ng mananaliksik ay nabuo ang mga sumusunod na rekomendasyon upang mapabuti ang kasanayan ng mga kadeteng nasa ikaapat na antas sa paglikha ng tula. 1. Bago tuwirang pasulatin ang mga kadete ng kanilang tula nararapat muna silang magkaroon ng batayang kaalaman sa mga sangkap at estilong patula. 2. Magkaroon ng mga gawaing pang klase na tatalakay sa iba't ibang uri ng diskors tulad ng pagsasalaysay, paglalarawan, paglalahad at pangangatwiran. Bigyan ng mga huwarang akda ang mga kadete sa bawat uri ng diskors bago sila pasulatin upang magkaroon sila ng gabay sa mabisang paglikha ng isang tula. 3. Dapat maging isang hamon sa mga guro sa Filipino ang pagiging mapanlikha, mapamaraan at maalam kung papaano ituturo at hihikayatin ang mga mag-aaral na lumikha ng isang tula. 4. Maging bukas sa makabagong paglikha ng tula tulad ng paggamit ng mga teknolohiya upang higit na malantad, mapabuti at mabihasa ang pagkakasanib ng estilo sa kasanayang sumulat. 5. Iminumungkahi ang isa pang pag-aaral na nakakatulad nito kung saan ang pokus ay sa baryasyon ng estilo sa pagkakalikha ng tula upang mas mabisa at masining ang kalalabasang akdang patula.