Master of Arts in Education major in Filipino

Permanent URI for this collectionhttps://dspace.uc-bcf.edu.ph/handle/123456789/119

Browse

Search Results

Now showing 1 - 3 of 3
  • Thumbnail Image
    Item
    Ang apat na dimensiyon sa pagsukat sa binasa sa unang taon ng mataas na paaralan
    (1990-04) Cortez, Daisy B.
    Binubuo ng pag-aaral na matunghayan ng mga aytem sa pagsubok sa mga literal, paghinuha, mapanuri at paglalapat na dimensiyon sa pagbasa at kaugnay ang pagbibigay ng pagsubok sa mga mag-aaral sa unang taon upang makuha ang kasagutan sa mga sumusunod na tiyak na katanungan: 1. Anu-ano ang mga iskor na nakuha ng mga kalahok na mag-aaral sa kinalabasan na pagsubok sa bawat dimensiyon sa pagbasa? 2. Sa anong dimensiyon pinakamataas ang “mean” ng mga nakuhang iskor sa kinalabasan ng pagsubok? 3. Sa anong dimensiyon pinakamababa anq "mean" ng mga nakuhanq iskor sa kinalabasn nq pagsubok? Kinuha ang mqa seleksyong ginamit bilang lunsaran sa mga aklat na ginamit sa unang taon ng mga mag-aaral sa Baguio Colleges Foundation sa ilalim ng SEDP. Doon na rin isinagawa ang "dry-run" ng pagsubok a 60 na mag-aaral sa unang taon at ang nakuhanq average na oras sa pagsubok ay dalawang oras. Isinagawa ang test-retest sa 290 na mag-aaral sa unang taon ng Mataas na Paaralan ng Lungsod ng Baguio. Sa pamamaraang index of difficulty at index of discrimination, lumabas na 25 na aytem ang rejek - 17 na bahagdan - ng 147 na aytem. Upang mapantay ang dami ng mga aytem, ginawang 100 na aytem tig-25 na aytem 5a bawat dimensiyon. Sa pagsusuri ng kinalabasan ng unang pagsubok at mulinq pagsubok, napag-alamang pinakamataas ang "mean" ng mqa iskor sa literal na dimensiyon at pinakamababa ang "mean" ng mqa iskor sa mapanuri ng dimensiyon. Gumamit ng surbey sa larangan ng deskriptibong pananaliksik. Upang maipatupad ang pamamaraan, bumuo ng pagsubok sa literal, panghinuha, mapanuri at paglalapat na dimensiyon. Gumamit ng unang pagsubok, muling pagsubok at sa pagbabalido ng mga aytem sa unang pagsubok, ginamit ang instrumentong istatistikal sa aklat ni Robert Ebel sa pagkuha ng indices of difficulty and discrimination. Ginamit ang Pearson 's product - moment coefficient sa una at muling pagsubok. "Mean" ang qinamit sa mga iskor at ginamit ang percentile sa pagpapakahulugan ng mga nakuhang iskor. Kinuha ang bilang ng sampling sa pamamagitan ng pagtiyak sa kasapatan ng bilang ng mga mag-aaral sa pangkalahatang 1,030. Lumabas na 288 ang kinakailangang bilang ng mga mag-aaral sa naturang populasyon at ang pitong seksiyon ay may kabuuang 290 na mag-aaral. Sa pangkalahatan, pinakamarami anq mga aytem na ideyal (76 na aytem), na aytem anq tinatanggap ngunit mahirap. Sa 147 na aytem sa kabuuan, 25 aytem ang rejek. Sa 40 na aytem sa literal na dimensiyon, 13 na aytem ang rejek, anim (6) na aytem ang tinatanggap ngunit madali, isang aytem ang tinatanggap ngunit mahirap at 20 aytem ang ideyal. May 39 na aytem ang paghinuhang dimensiyon, 21 na aytem ang ideyal, 13 na aytem ang tinatanggap ngunit madali, isang (1) aytem antinatanggap ngunit mahirap at apat (4) na aytem ang rejek. May 738 na aytem ang mapanuring dimensiyon, 24 na aytem anq ideyal, anim (6) na aytem anq tinatanggap ngunit madali, apat. (4) anc tinatanggap ngunit manirap at apat (4) na aytem anq rejek. Sa paglalapat na dimensiyon ay lumabas na 11 na aytem anq ideyal at 11 na aytem ang tinatanggap bagamat madali habang apat (4) na aytem anq tinatanggap bagamat mahirap. May apat (4) na aytem ang rejek. Ginanap ang “dry-run” sa mga mag-aaral ng unang taon sa Mataas na Paaralan ng Baguio Colleges Foundation noong Disyembre 5, 1989 sa pamamagitan ng random sampling. Isinagawa ang pagsubok sa Mataas na Paaralan ng Lungsod ng Baguio sa pito (7) na seksiyon na may 290 na mag-aaral. Iniwasto ang mga talasagutan ng mga mag-aaral. Kinuha ang mga indeces of difficulty and discrimination at lumabas na 25 aytem ang rejek. Ibinigay anq muling pagsubok noong Enero 5, 1990 at iniwasto naman ang alga talasagutan ng mga mag-aaral. Kinuha ang co-efficient ng pagsubok - muling pagsubok. Muling sinuri ang pagsubok upang masagot ang mga katanungan sa pananaliksik. Pinakamataas na nakuhang iskor ng mga mag-aaraql ang 25 at ang pinakamababang iskor ay apat (4) sa literal na dimensiyon. Pinakamataas ang iskor na 24 sa paghinuhang dimensiyon at ang pinakambabang iskor ay dalawa (2) ganoon din sa mapanuring dimensiyon. Sa paglalapat na dimensiyon, pinakamataas na iskor ang 24 at ang pinakamababa ay apat (4). Batay sa kinalabasan ng pagsusuri, ang literal na dimensiyon ang pinakamataas na "mean" 14.93 ng mga iskor na nakuha ng mga mag-aaral at ang mapanuring dimensiyon ang may pinakamababang "mean" ng mga nakuhang iskor (12.59). Napakahalaga ang paqkakaroon nq pagtataya sa mga kagamitanq ipinababasa sa mga mag-aaral. Kailangang nakalilinang sa kaiSipan ng mqa mag-aaral ang mqa kagamitan. Napakahalaga rin ang pagkakaroon ng mga instrumento para sa pagsukat nq kakayahan ng mqa bata sa larangan ng pag-unawa sa binasa. Isang pangangailangan din ang pagpapadala ng mga guro sa mga seminar/workshop na may kinalaman sa programang pagbasa upanq malaman ang mga bagong palakad at matatalakay o mabigyanq kalutasan ang mga suliranin Ba pagtuturo nang sa gayon sama-samanq mapalaganap ang mqa bagong pal akad o pagbabago sa mga pamamaraan ng pagtuturo. Tungkulin ng mga gurong magpakabihasa sa pagtatanong upang mapalabas ang kritikal at mapanuring kaisipan ng mga mag-aaral sa kanilang binasa. Napakainam na bigyan ng sapat na panahon ang binasang seleksyon upang matalakay at mapag-usapang masinsinan ang binasa. Nararapat ding itugma ang mga kagamitan sa mga mag-aaral sa kanilang karanasan, kapaligiran at kaugalian upang sa gayon magiging kapaki-pakinabang at makahulugan ang pagbasa. Sa ganitong sitwasyon, mabigyan din ng kahalagahan ang binasa. Bilang panghuli, hindi rin maitatatwa anq kasahulan ng mga kagamitang pampagturo at pananaliksik sa larangan ng wikang Filipino at isang paghamon sa mga nagpapakadalubhasa sa wikang nabanggit ang pagkakaroon ng mga kagamitan lalo na sa mga maraming bahagi ng ating kapuluang pangalawang wika ang Filipino. Kailangan din ng mga administrador ang mga pag-aaral at mga surbey, mga pag-aaral na comparatibo at pagbuo ng mga kagamitan para sa "remedial reading". Matutulungan ang mga batang mahihina sa wikang Filipino at mapapayaman ang kanilang talasalitaan upang makasabay sa mga pagbabago sa larangan ng ating edukasyon na sa ngayon ay patungo na sa malawakang paggamit ng wikang Filipino anumang antas ng pag-aaral. Makakatulong ang mga pag-aara, pananaliksik at pagbuo ng mga kagamitang pampagturo at ganoon din sa "remedial reading" upang magkaroon ng katuparan ang mga isinasaan ng bagong plakad sa paggamit ng wikang Filipino sa makabagong edukasyon ng sambayang Filipino.
  • Thumbnail Image
    Item
    Larawan ng kababaihan sa mga nobela ni Lualhati Bautista : isang pagsusuri
    (1991-05) Picpican, Caridad M.,
    Pinag-ukulan ng pagsusuri sa pag-aaral na ito ang mga nobela ni Lualhati Bautista na nagkamit ng gantimpalang Palanca upang mailantad ang mga pangyayaring nagluwal ng larawan ng kababaihan batay sa pananaw ng isang kontemporaryong nobelistang babae. Natuklasan sap ag-aaral na ang tatlong nobela ay larawan ng kani-kanilang panahon sapagkat ang bawat isa ay naglalantad ng mga pangyayari sa panahong ang mga ito ay nasualt. Ang mga pangyayaring nauugnay sa lipunan, sa pulitika at sa ekonomiya ay binigyang-buhay ng may-akda sa pamamagitan ng mga babaeng tauhan na nagpamalas ng kani-kanilang sariling larawan. Sa paglalahad at paglalarawan ng nobelista ng mga pangyayari, itinampok niya ang diwa ng pagbabago. Ang pagbabagong naganap sa kababaihan ay bunga ng mga suliranin sa limpunang kanilang ginagalawan. Ang mga suliraning ito ang nagmulat sa mga tauhan sa mga tunay na nagaganap sa kanilang kapaligiran at gumising sa kanilang kamalayan panilipunan. Sa kanilang pagkamulat, bawat isa ay kumilos upang makapag-ambag para sa pagbabago ng lipunang kanilang ginagalawan. Dahil dito, sila ay nagpakita ng kanilang sariling kaakuhan at halaga hindi lamang bilang isang mamamayan kundi bilang miyembro ng itinuturing na mahinang kasarian- ang kababaihan. Sa ganitong paraan, pinatunayan ng bawat nobela ang kahalagahan ng kababaihan sa pagbuo ng isang maunlad na lipunan na siyang isinasaad ng Artikulo II, Seksyon 14 ng Saligang Batas ng Pilipinas. Nabigyan ng mag-akda ng element ng realism ang kanyang mga nobela sa pamamagitan ng paggamit niya ng mga tunay na pangyayari sa bansa at sa pagbibigay niya sa kanyang mga piksyunal na tauhan ng kanyang sariling mga katangian o katangian ng mga ibang tao subalit sa pag-unlad ng bawat nobela, ang ang mga tauhan ay nagkaroon na ng sariling kaakuhan. Gayundin, ginamit niya ang lingua franca na nakatulong din nang Malaki upang maging makatotohanan ang pagbibigay-buhay sa kanyang mga tauhan. Sa isinagawang pag-aaral, binasa ng mananaliksik ang tatlong nobela ni Lualhati Bautista na nagkamit ng gantimpalang Palanca sa mga taong 1979-80 (‘Gapo), 1980-81. (Dekada ’70) at 1983-84 (Bata, Bata… Paano ka Ginawa?). Sa pagbabasa ng mananaliksik, binigyang pansin ang diwa ng bawat nobela, ang paglalarawan at pagbibigay-buhay ng nobelistan sa mga tauhan at ang mga pangyayaring inilahad hindi lamang sa bawal nobela kundi gayundin ang pagkakaugnay-ugnay ng mga pangyayari sa tatlong nobela. Ang ilang aklat at mga isinagawang pag-aaral na nagtataglay ng katulad na diwang matatagpuan sa mga nobela ni Lualhati Bautista ay siniyasat din ng mananaliksik para lalong maging makahulugan ang pag-aaral. Nakatulong din nang Malaki ang isinagawang pakikipanayam sa may-akda para lalong maunawaan ang kabuuan ng mga nobela at ang mahalagang kaisipan ng may-akda. Bukod sa mga nabanggit, hindi naiwasang gamitin ng mananaliksik ang ilang pagdulog sa pagsusuri sapagkat ang mga ito ay kailangan upang buong-husay na maisagawa ang pag-aaral. Dito, ginamit ng mananaliksik ang pagdulog pangkasaysayan at pamaraang sosyo-kultural sapagkat sa pamamagitan ng mga ito, ang mga makasaysayang panyayari sa bawat nobela nauugnay sa lipunan, pulitika at ekonomiya ay binigyang-kahulugan sa paniniwalang ang bawat nobela ay larawan ng kanyang panahon. Ayon sa kinalabasan ng pag-aaral, ang mga panyayaring pampulitika, panlipunan at pang-ekonomiya na inilahad sa tatlong nobela ay nakaapekto nang malaki sa mga tauhan. Ang mga pangyayari ay siyang gumising sa kamalayan ng bawat isa at nagtulak sa kanilang kumilos para sa malawakang pagbabago. Sa ganitong paraan, sila ay nagpamalas ng natatanging larawan na nagpapatunay na sila ay may napakahalagang papel na dapat gampanan para sa pagbabago at pagpapabuti ng lipunang kanilang ginagalawan. Lumalabas din sa pagsusuri na dahil sa paglalantad ng mga nobela ni Lualhati Bautista ng mga makatotohanang pangyayari na nauugnay sa mga suliraning panlipunan, maaaring mauri ang mga ito bilang panitikang nagpoprotesta. Ngunit dahil ang kanyang mga nobela ay hindi lamang naglalantad ng mga suliraning panlipunan kundi nagbibigay din ng mga solusyong makalulutas sa mga suliranin, mauuri ring panitikang rebolusyunaryo ang mga ito. Ang mga ito ang nagbigay sa mga nobela ng matinding realismo. Batay sa kinalabasan ng pag-aaral, iminumungkahi ng mananaliksik na dapat pagtuunan ng pansin at pag-aralan ang mga nobelang tumatalakas sa mga napapanahong paksa tulad ng mga suliraning panlipunan at ang pagsibol ng natatanging larawan ng kababaihan upang magising ang kamalayang panlipunan ng mga mambabasa at upang mamulat din ang kababaihan sa katotohanang sila ay namumuhay sa papel na dapat gampanan. Maaari ring magamit na material ang mga nobela ni Lualhati Bautista sa mataas na paaralan lalung0lalo na sa ikaapat na taon at sa mga asignatura sa kolehiyo upang mapahalagahan din ng mga mag-aaral ang mahalagang diwang inilahat ng mga ito. Gayundin, ang pagsusuri sa mga nobela sa ibang aspekto ay iminumungkahi upang ang katangiang pampanitikan ng mga nobela ay mailabas bilang pagpapahalaga sa mga akdang ito na nagkamit ng gantimpalang Palanca.
  • Thumbnail Image
    Item
    Isang pagsusuri sa mga pagpapahalagang natamo sa pag-aaral ng panitikang Filipino
    (1995-10) Panida, Ma. Jenny P.,
    Ang pagsusuri sa natamong pagpapahalaga sa pag-aaral ng Panitikang Filipino ng mga mag-aaral na babae at lalaki sa Dalubhasaang BCF ang pinag-ukulan ng pag-aaral. Natuklasan sap ag-aaral na ang mga kabataang mag-aaral na babae at lalaki sa Dalubhasang BCF ay may natamong pagpapahalaga sap ag-aaral ng ispiritwal, pagpapahalaga sa katotohanan, pag-big, kalusugan, pananagutang panlipunan, pang-ekonomikong pagsasarili, nasyonalismo, at pandaigdig na pagsasarili. Ang mga pagpapahalagang nabanggit ay nakalahad din sa Balangkas ng Edukasyong pagpapahalaga ng DECS na siyang naging batayan ng talatanungang ginamit. Natuklasan na sa panahon ng kasalukuyan bilang sakop sap ag-aaral ng panitikan higit na nakatamo ng pagpapahalaga ang mag-aaral. Napag-alaman ding may makabuluhang pagkakaiba ng mga pagpapahalagang natamo ng mga mag-aaral na babae at lalaki sa iba’t ibang sakop sa pag-aaral ng panitikan. Ang kinalabasan ng pag-aaral na ito, na may pagpapahalagang natamo ang mga kabataang mag-aaral na babae at lalaki sap ag-aaral ng Panitikan ay tumutugma sa layunin ng pamahalaan ukol sa pagkampanya sa program ana pagpapabuti sa moral na nakalahad sa Proklamasyon Bilang 62 na pinagtibay ng Pangulong Fidel V. Ramos. Ito rin ay may kaugnayan sa inilahad ng seksyon 13 ng Artikulo II ng konstitusyon ng 1987 ukol sa pagkilala ng pamahalaan sa mahalagang tungkulin ng kabataan sa paghubog ng isang nasyon kaya nararapat lamang na magtaglay sila ng mga pagpapahalagang makabuluhan sa pagsasakatuparan nito. Sa isinagawang pag-aaral, tinukoy ng mananaliksik ang mga pagpapahalagang nakapaloob sa mga aralin sa mga aklat pampanitikan. Inihanda at binuo ang instrumenting ginamit upang malikom ang mga natutuhang pagpapahalaga ng mga mag-aaral sap ag-aaral ng panitikan. Inihanay sa inihandang questionnaire checklist ang mga pagpapahalaga na ibinatay sa balangkas ng edukasyong pagpapahalaga ng DECS ukol s apitong pambuod na pagpapahalaga at ang mga kaugnay na pagpapahalaga nito gayundin ang panahon ng panitikan na kinapapalooban nito. Kumuha ng sampung mag-aaral ang mananaliksik mula sa tatlong departamento sa dalubhasaang BCF na ginamit sa pagsubok at sila na rin ang kinapanayam para sa pagbabalido ng instrumento. Sa pagkuha sa mga naging tagatugon ay inalam ng mananaliksik ang talaan ng pangalan ng lahat ng mga mag-aaral sa Departamento ng Edukasyon, Sining at Agham at Komersyo na kumuha ng Panitikan sa Ikalawang Semestre ng Taong-paaralan 1994-1995. Tinuos ang tiyak na bilang ng mga naging kalahok na siyang ginamit sa malawakang pag-aaral at inihiwalay ang mga naging tugon ng mga babae at lalaking mag-aaral upang makita ang pagkakaiba ng pagpapahalagang kanilang natamo. Ginamit ang paraang random sampling sa pagkuha ng mga kalahok para sa paglikom ng mga datos at ang “lottery sampling” o “fishbowl technique” na anyo nito ang tuwirang ginamit. Inalam din ng mananaliksik ang mga instrumenting istatistikal na ginamit upang higit na madali ang pag-unawa at pagpapakahulugan sa mga nalikom na datos. Ang “mean of combined groups” ang ginamit sa pagtutuos ng pinagsamang mean ng pagpapahalaga ng babae at lalaking mag-aaral sa iba’t ibang panahong sakop sa pag-aaral ng panitikang Filipino. Ang “Spearman’s Coefficient of Correlation with Tied Ranks” naman ang ginamit sa pagtutuos ng pagkakaiba ranggo ng mga pagpapahalagang natamo sap ag-aaral ng panitikan ng mga mag-aaral na babae at lalaki. Binigyan din ng kaukulang pagpapakahulugan ang t-test sa pamamagitan ng paghahambing ng tinuos na t sa nakatalang t sa antas .05 ng pagiging makabuluhan. Pinili ang antas na ito dahil ito ang katamtamang antas na nababagay sa ginawang pag-aaral. Ayon sa kinalabasan ng pag-aaral, ang asignaturang panitikan Filipino ay mabuting lunsaran upang maipagpatuloy ang layunin ng DECS ukol sa paglinang at paghubog sa mga pagpapahalagang nakapaloob sa balangkas ng edukasyong pagpapahalaga ng DECS sa kabataan. Higit ding naikintal sa mga kabataan ang pag-ibig at pananalig sa Diyos na kailangan sa makabagong panahon. Ang kasalukuyang panahon na sakop sa pag-aaral ng panitikan ay higit na nabigyan ng pansin ng mga mag-aaral. Napag-alaman na ang pagpapahalaga sa pang-ekonomikong pagsasarili, nasyonalismo at pandaigdig na pagkakaisa ang higit na naikintal sa kanilang isipan sa panahong ito dahil ito ay may kinalaman sa realidad. Natuklasan din na may makabuluhang pagkakaiba ang pagpapahalagang natamo ng mga mag-aaral na babae at lalaki sa pag-aaral ng panitikan. Batay sa kinalabasan ng pag-aaral, iminumungkahi ng mananaliksik na kailangang higit pang maipamulat sa mga kabataang mag-aaral sa kolehiyo na ang panitikang Filipino ay isang makabuluhang asignaturang kailangan nilang pahalagahan. Dapat ding isaalang-alang ng mga guro ang kahalagahan ng pitong pambuod na pagpapahalaga na nakapaloob sa Balangkas ng Edukasyong Pagpapahalaga ng DECS. Nararapat ding panatilihin ang mga pagpapahalagang masasalamin sap ag-aaral ng panitikan lalung-lalo na ang pang-ispiritwal na kailangan ng isang makabagong panahon. Kailangan ding maging mapanuri ang mga guro sa mga gagamiting lunsarang akda at magkaroon ng malawakang pagsusuri sa mga ito. Ang “role playing” bilang paraan ng pagbabatid sa mga pagpapahalaga ay Mabuti rin. Nararapat ding ipagpatuloy na linangin sa mga kabataan ang pag-ibig sa bayan at ang pagpapahalaga sa pagtitipid. Kaialangang maipaunawa sa mga kabataan na ang mga pagpapahalagang kanilang natutuhan ay hindi maluluma at dapat lamang na manguna ang mga edukador sa pagkampanya at pagpapatibay sa programa ng pagpapabuting moral. Kailangan pa ng higit na mahabang panahon sap ag-aaral ng panitikang Filipino upang mapatnubayan ang mga kabataang kumuha nito. Ang asignaturang Filipino 2a o kontemporaryong panitikan ay nararapat lamang na maisama sa kurikulum ng lahat ng departamento sa mga dalubhasaan. Iminumungkahi ring magsafawa ng isa pang-pagaaral na naglalayong tuklasin o alamin kung nagkakasama o nagkakatugma ang teorya at pagsasagawa ukol sa mga pagpapahalagang natutuhan ng mga mag-aaral.