Master of Arts in Education major in Filipino
Permanent URI for this collectionhttps://dspace.uc-bcf.edu.ph/handle/123456789/119
Browse
1 results
Search Results
Item Antas ng pokus ng pandiwa sa wikang Aklanon at Filipino : isang pahambing na pagsusuri(1989-11) Flores, Fermina C.Ang naging pangunahin layunin ng pananaliksik na ito’y paghambingin ang antas ng pokus ng pandiwa sa dalawang wika-Aklanon at Filipino. Tinangkang masagot ang pagkakatulad ng Filipino at Aklanon sa ugnayang pambalarila ng pandiwa sa paksa ng pangungusapi; and pagkakahawig ng pokus ng pandiwa kung ito’y ginagamit sa pangungusap; and pagkakatulad ng mga panlaping makadiwa at ang paraan ng pagkakabit ng panlaping makadiwa sa Filipino at Aklanon. Gumamit ng pahambing na pagsusuri, mga kaalamang pangliggwistika at mga impormanteng kinapanayam sa pagtalakay ng paksa ang may-akda. Ginawan din ng mga hulwaran o modelong pangungusap na siyang pinagbatayan ng pagtalakay sap ag-alam ng pagkakatulad ng mga panlaping makadiwa, ang paraan ng pagkakabit ng mga panlapi at antas ng pokus ng pandiwa. Natuklasan sap ag-aaral na ito na may pagkakatulad sa paraan ng pagkakabit ng panlaping makadiwa sa salitang ugat; sa ugnayang pambalarila ng pandiwa, sa pokus ng pandiwa sa pangungusap at sa mga panlaping makadiwa sa dalawang wikang nabanggit- Filipino at Aklanon. Iminungkahi na ipagpatuloy pa ang pag-aaral sa suliranon ng pagtuturo ng pokus ng pandiwa para sa paggawa ng naaangkop na kagamitang pampagtuturo. Ang pag-aaral na ito’y gumamit ng pahambing na pagsusuri. Ang kaalamang linggwistika, mga nakalimbag na aklat gaya ng Makabagong Balarilang Filipino nina Santiago, Alfonso at Tiangco, Makabagong balarila ng Filipino ni Teresita Ramos, Linguistics Across Cultures ni Robert Lado, The Four Focus Transformation of Tagalog ni Teodoro Llamzon, at marami pang nakalimbag na aklat panlinggwistika ang ginamit ng mananaliksik sap ag-aaral na ito. Ang mga aklat na nabanggit at iba pa ay matutunghayan sa talaan ng mga sanggunian sa likuran ng aklat na ito. Nakatulong din ang kaalaman ng may-akda sapagkat ito ang kanyang unang wika (Aklanon) at ang kaalaman din ng ilang mga impormante sa pagtatalakay sa paksa. Ang mga impormanteng ito ay kinapanayam ng may-akda sa pamamagitan ng tape recorder at mga kwestyunaryo. Tinalakay at binigyan ng katuturan ang mga salitang ginamit sa pananaliksik at binigyan ng mga halimbawa ang mga salitang-ugat sa Aklanon at Filipino. Binanghay din ang pandiwa sa tatlong aspekto. Binigyan din ng halimbawa sa iba’t ibang antas ng pokus ng pandiwa sa wikang Aklanon at Filipino. Ginamit ng may-akda ang pamraan sa paghahambing ng dalawang istrakturang panggramatika. Ginawan ng aktwal na paghahambing sa dalawang wika- and Aklanon at Filipino, sa pamamagitan ng mga hulwaram o ng pagtalakay sa pag-alam ng pagkakatulad o pagkakapareho ng mg mga panlaping makadiwa, ang paraan ng pagkakabit ng mga panlapi at antas ng pokus ng pandiwa. Pagkatapos ng maingat at masusing pagsasaalang-alang sa mga datos ng pag-aaral, ang mananaliksik ay naglahad ng mga sumusunod na konklusyon: Ang wikang Aklanon at Filipino ay may pagkakatulad, sa anyo, kahulugan, at balangkas ng pangungusap na may pokus ng pandiwa. Ang pagkakatulad ng anyo at kahulugan ay sa pamamagitan ng panlaping makadiwa na ikinabit sa salitang-ugat na pandiwa. Nagkakatulad din sa balangkas ng pangungusap na may pokus ng pandiwa sa pangungusap na may simuno at panaguri. Aang pagkakatulad ng anyo at kahulugan ng panlaping makadiwa ay sa pamamagitan ng pokus ng pandiwa, sa pokus actor, /mag-/, /-um/ at /mang-/, sa pokus sa layon , /i-/ at sa pokus ng kaganapan, /-an/. Ang pagkakatulad ng balangkas ng pangungusap na may pokus ng pandiwa, ay sa pamamagitan ng pokus actor, pokus layon, pokus sa kaganapan, pokus sa kalanaanan, at pokus sa sanhi. Natuklasan din ng may-akda na may panlaping makadiwa na Filipino at Aklanon na may pagkakaiba ng anyo ngunit magkatulad ng kahulugan sa sandalling ikinabit ang mga panlaping ito sa salitang-ugat na pandiwa at ginamit sa pangungusap. Ang mga panlaping Aklanon na may pagkakaiba ng anyo sa Filipino ngunit magkakatulad ng kahulugan ay sa pamamagitan ng pandiwang nasa: una: pokus sa layon, /-in/ na may katumbas na /gin-/ sa Aklanon; ang panlaping /pa-, -an,/ na may katumbas na /pa-, -e/ sa Aklanon; ang panlaping /-han/ na may katumbas na /-nan/ at /-ne/ sa Aklanon. Pangalawa: ang pokus sa ganapan, ang mga panlaping /pa-, -an/ na may katumbas na /-an/ sa Aklanon; ang panlaping /-han/ na may katumabas na /-nan/ at /-ne/ sa Aklanon. Pangatlo: ang pokus sa kalaanan, ang mga panlaping /ipag-/ na may katumbas na /-an/ Sa Aklanonon, at panlaping /i-/ na may katumbas na /-hi/ at /-han/ sa Aklanon, at pang-apat: ang pokus sa sanhi, ang panlaping /ika-/ ay may katumbas na /gin-, -an/ sa Aklanon. Natuklasan din ng may-akda na ang balangkas ng pangungusap sa Filipino na nasa anyong pautos at nagtatglay ng pandiwang kasing-anyo ng pawatas ay may pagkakatulad sa balangkas ng pangungusap sa Aklanon. Ang pagkakatulad sa balangkas ng pangungusap na nasa anyong pautos ay sa pamamagitan ng pandiwa na nasa pokus sa layon, pokus sa ganapan at pokus sa kalaanan. Ang mga natuklasan sap ag-aaral na ito ay iminungkahi na; una: para sa mga mag-aaral na gumagawa ng tesis, dapat ipagpatuloy ang masusing pananaliksik sa unang wika ng mag-aaral, hindi lamang ang wikang Aklanon kundi maging ang iba’t ibang diyaleto ng ating bansa, sapagkat ito ay nakakatulog sa pagpapagaan ng pagtuturo ng wikang Filipino bilang pangalawang wika sa paaralan at sa pagpapalaganap ng wikang ito, bilang wikang Pambansa. Pangalawa: para sa mga guro na nagtuturo sa lalawigang Aklan, upang mapadali ang pagkakatuto ng mag-aaral, gamitin ang nabuong padron o hulwarang pangungusap batay sa isinagawang pag-aaral tungkol sa iba’t ibang pokus ng pandiwa. Pangatlo: para sa mga gurong Aklanon na nagtuturo ng Filipino sa mga pook na di-Tagalog tulad ng Baguio, iminungkahi rin ng may-akda na gamitin ang mga padron o hulwarang pangungusap tungkol sa iba’t ibang pokus ng pandiwa. Pang-apat: para sa lahat ng mga gurong nagtuturo ng Filipino, iminungkahi rin ng may akda na gamitin ang nabuong padron o hulwarang pangungusap tungkol sa iba’t ibang pokus ng pandiwa sapagkat naging mabisa ito sa may-akda sa pagtuturo niya ng iba’t ibang pokus ng pandiwa. Panlima: sa mga dalubwika o linggwistika, iminungkahi ng may-akda na ipagpatuloy ang pagsasaliksik sa Aklanon at iba pang kapatid na diyalekto ng Lalawigang Aklan at iba pang kapait na diyalekto ng Lalawigang Aklan upang matuklasan ang iba pang pagkakatulad nito hindi lamang sa antas ng pokus ng pandiwa kundi maging sa balangkas ng salita at pangungusap. Pang-anim: sa mga naglalayong mag-aral sa antas ng pokus ng pandiwa sa Aklanon, iminungkahi a isama ang pokus na instrumental sa isasagawang pag-aaral at Pampito: para sa mga mag-aaral na gumagawa ng tesis, iminungkahi nap ag-aralan ang mga suliranin sa pagtuturo ng iba’t ibang pokus ng pandiwa upng mabatid ang wastong pamamaraan sa pagtuturo nito at sa pagsasagawa ng naaangkop na mga kagamitang pampagtuturo.