Master of Arts in Education major in Filipino
Permanent URI for this collectionhttps://dspace.uc-bcf.edu.ph/handle/123456789/119
Browse
Item Antas ng mga tanong sa markahang pagsusulit sa mataas na paaralang nasyonal ng Lungsod ng Baguio(2004-02) Guilanda, Myla Gabriel,Ang pagtatanong ay napakahalagang gawaing pangwika ng isang guro. Malaki ang naitutulong ng pagtatanong upang mapabuti ang proseso ng pagtuturo at pagkatuto. Isa ito sa mga instrumento sa pagtaya ng natutunan ng mag-aaral at sa paglinang ng kanilang pag-iisip. Dahil dito kailangang masuri ang mga tanong na ginagamit ng guro. Ang mga markahang pagsusulit ang pinagtuunan ng pansin sapagkat malaking papel ang ginagampanan ng mga tanong sa paggawa ng mga pagsusulit. Nilayon ng mananaliksik na anumang bunga ng pag-aaral na ito ay magsilbing gabay, patnubay at inspirasyon sa patuloy na pagpapaunlad ng pagtuturo tungo sa lubusang pagkatuto ng mga mag-aaral. Pangunahing layunin ng pag-aaral na ito na malaman ang antas ng mga tanong ng guro sa mga markahang pagsusulit sa asignaturang Filipino sa tatlong paaralang nasyunal sa Lungsod ng Baguio sa taong aralan 2002-2003. Tinangka ring sagutin ang mga sumusunod na suliranin: 1. Anu-anong antas batay sa pangkabatirang Taksonomiya ni Bloom ang ginamit na mga tanong pampanitikan sa mga markahang pagsusulit? 2. Anu-anong antas batay sa pangkabatirang Taksonomiya ni Bloom ang ginamit na mga tanong pangwika sa mga markahang pagsusulit? 3. Paano nagkakaiba ang mga antas ng tanong pampanitikang ginamit sa tatlong paaralan? 4. Paano nagkakaiba ang mga antas ng mga tanong pangwika na ginamit sa tatlong paaralan? Nangibabaw sa mga pagsusulit sa tatlong paaralan ang antas-kaalaman, antas-komprehensyon, at antas-aplikasyon. 1. Ginamit ang mga antas kaalaman, komprehensyon, aplikasyon at analisis sa mga tanong na pampanitikan sa mga markahang pagsusulit. 2. Ginamit ang mga antas kaalaman, komprehensyon, aplikasyon at analisis sa mga tanong pangwika sa mga markahang pagsusulit. 3. May makabuluhang pagkakaiba ang antas ng mga tanong na ginamit ng mga guro sa tatlong paaralan sa araling pampanitikan. Nagkakaiba ang mga ito sa antas at sa bilang ng mga tanong na ginamit sa mga pagsusulit. 4. May makabuluhang pagkakaiba ang antas n mga tanong na ginamit ng guro sa araling pangwika. Nagkakaiba ang mga ito sa antas at sa bilang ng mga tanong na ginamit sa mga pagsusulit. Mula sa kinalabasan ng pananaliksik na ito, naibigay ang mga sumusunod na kongklusyon: Ang mga guro sa sekondarya sa pampublikong paaralan ay nagbibigay-tuon sa paglinang sa mga kasanayan ng mga mag¬aaral sa mga faktwal na kaalaman, pag-unawa at aplikasyon. Ang mga ito ay sumusukat lamang sa mababang antas ng pag¬iisip. Hindi nabigyang pansin ang mga tanong na lumilinang sa mataas na antas ng pag-iisip tulad ng antas-analisis, antas-sintesis at antas-ebalwasyon. 1. Karamihan sa mga tanong pampanitikang ginamit ng guro sa mga markahang pagsusulit ay sumusukat lamang sa mga kakayahang pangkaalaman, pangkomprehensyon at pang-aplikasyon. Mangilan-ngilan lamang ang mga tanong na nagpahalaga sa kakayahang mag-analisa. 2. Ang antas ng mga tanong pangwikanq qinamit ng guro sa mga markahang pagsusulit ay sumu3ukat lamang sa mga kakayahang pangkaalaman, pangkomprehensyon at pang-aplikasyon. Mangilan-ngilan lamang ang mga tanong na nagpahalaga sa kakayahang mag-analisa. 3. Ang pagkakaiba ng antas ng mga tanong pampanitikang ginamit ng guro sa tatlong paaralan ay makabuluhan. Tinatanggap ang hipotesis na nagsasabing may makabuluhang pagkakaiba ang antas ng tanong sa tatlong paaralan. 4. Makabuluhan ang pagkakaiba ng antas ng mga tanong pangwika na ginamit ng guro sa tatlong paaralan kaya tinatanggap ang hipotesis na may makabuluhang pagkakaiba ang antas ng tanong sa tatlong paaralan. Mula sa pag-aaral, natuklasan ng mananaliksik ang malaking pangangailangang maiangat ang antas ng tanong na ginagamit ng mga guro at ang pangangailangang malinang sa mga guro ang pagkakaroon ng sapat na kaalaman at kasanayan sa pagbuo ng mga tanong. Iminumungkahi ang mga sumusunod: 1. Paggamit ng mga tanong na nasa antas-analisis, antas-sintesis at antas-ebalwasyon ng mga paaralang naging paksa ng pag-aaral, sa paggawa ng mga markahang pagususulit. 2. Pagpapadala ng mga guro sa mababa at mataas na paaralan sa mga seminar/worksyap tungkol sa paggawa ng mga pagsusulit at pamamaraan ng pagtatanong. 3. Na ipatupad ng mga ulongguro ang paggawa ng talahanayan ng Ispesipikasyon bago gurnawa ng pagsusulit nang sa ganoon ay makita kung paano nababahagi nang wasto ang mga tanong. 4. Na ang sining ng pagtatanong at paggawa ng pagsusulit ay gawing isang hiwalay na asignatura sa kurikulum sa kursong edukasyon upang matutukan ang kasanayan sa pagtatanong at paggawa ng pagsusulit. 5. Na magkaroon ng isang komiteng aalalay at mag-aaral ng mga pagsusulit bago ipagamit upang makita ang kahinaan at kahusayan ng mga ito. 6. Ang pagsasagawa ng malawakang pag-aaral tungkol sa sining at pamamaraan ng pagtatanong ng guro, ganoon din sa mga paksang may kinalaman sa mga teacher-made test, antas ng mga tanong na ginagamit ng mga guro sa interaksyong pangklase sa pampribadong paaralang sekondarya at kolehiyo.Item Antas ng mga tanong sa markahang pagsusulit sa mataas na paaralang nasyonal ng Lungsod ng Baguio(2004-02) Guilanda, Myla Gabriel,Ang pagtatanong ay napakahalagang gawaing pangwika ng isang guro. Malaki ang naitutulong ng pagtatanong upang mapabuti ang proseso ng pagtuturo at pagkatuto. Isa ito sa mga instrumento sa pagtaya ng natutunan ng mag-aaral at sa paglinang ng kanilang pag-iisip. Dahil dito kailangang masuri ang mga tanong na ginagamit ng guro. Ang mga markahang pagsusulit ang pinagtuunan ng pansin sapagkat malaking papel ang ginagampanan ng mga tanong sa paggawa ng mga pagsusulit. Nilayon ng mananaliksik na anumang bunga ng pag-aaral na ito ay magsilbing gabay, patnubay at inspirasyon sa patuloy na pagpapaunlad ng pagtuturo tungo sa lubusang pagkatuto ng mga mag-aaral. Pangunahing layunin ng pag-aaral na ito na malaman ang antas ng mga tanong ng guro sa mga markahang pagsusulit sa asignaturang Filipino sa tatlong paaralang nasyunal sa Lungsod ng Baguio sa taong aralan 2002-2003. Tinangka ring sagutin ang mga sumusunod na suliranin: 1. Anu-anong antas batay sa pangkabatirang Taksonomiya ni Bloom ang ginamit na mga tanong pampanitikan sa mga markahang pagsusulit? 2. Anu-anong antas batay sa pangkabatirang Taksonomiya ni Bloom ang ginamit na mga tanong pangwika sa mga markahang pagsusulit? 3. Paano nagkakaiba ang mga antas ng tanong pampanitikang ginamit sa tatlong paaralan? 4. Paano nagkakaiba ang mga antas ng mga tanong pangwika na ginamit sa tatlong paaralan? Nangibabaw sa mga pagsusulit sa tatlong paaralan ang antas-kaalaman, antas-komprehensyon, at antas-aplikasyon. 1. Ginamit ang mga antas kaalaman, komprehensyon, aplikasyon at analisis sa mga tanong na pampanitikan sa mga markahang pagsusulit. 2. Ginamit ang mga antas kaalaman, komprehensyon, aplikasyon at analisis sa mga tanong pangwika sa mga markahang pagsusulit. 3. May makabuluhang pagkakaiba ang antas ng mga tanong na ginamit ng mga guro sa tatlong paaralan sa araling pampanitikan. Nagkakaiba ang mga ito sa antas at sa bilang ng mga tanong na ginamit sa mga pagsusulit. 4. May makabuluhang pagkakaiba ang antas n mga tanong na ginamit ng guro sa araling pangwika. Nagkakaiba ang mga ito sa antas at sa bilang ng mga tanong na ginamit sa mga pagsusulit. Mula sa kinalabasan ng pananaliksik na ito, naibigay ang mga sumusunod na kongklusyon: Ang mga guro sa sekondarya sa pampublikong paaralan ay nagbibigay-tuon sa paglinang sa mga kasanayan ng mga mag¬aaral sa mga faktwal na kaalaman, pag-unawa at aplikasyon. Ang mga ito ay sumusukat lamang sa mababang antas ng pag¬iisip. Hindi nabigyang pansin ang mga tanong na lumilinang sa mataas na antas ng pag-iisip tulad ng antas-analisis, antas-sintesis at antas-ebalwasyon. 1. Karamihan sa mga tanong pampanitikang ginamit ng guro sa mga markahang pagsusulit ay sumusukat lamang sa mga kakayahang pangkaalaman, pangkomprehensyon at pang-aplikasyon. Mangilan-ngilan lamang ang mga tanong na nagpahalaga sa kakayahang mag-analisa. 2. Ang antas ng mga tanong pangwikanq qinamit ng guro sa mga markahang pagsusulit ay sumu3ukat lamang sa mga kakayahang pangkaalaman, pangkomprehensyon at pang-aplikasyon. Mangilan-ngilan lamang ang mga tanong na nagpahalaga sa kakayahang mag-analisa. 3. Ang pagkakaiba ng antas ng mga tanong pampanitikang ginamit ng guro sa tatlong paaralan ay makabuluhan. Tinatanggap ang hipotesis na nagsasabing may makabuluhang pagkakaiba ang antas ng tanong sa tatlong paaralan. 4. Makabuluhan ang pagkakaiba ng antas ng mga tanong pangwika na ginamit ng guro sa tatlong paaralan kaya tinatanggap ang hipotesis na may makabuluhang pagkakaiba ang antas ng tanong sa tatlong paaralan. Mula sa pag-aaral, natuklasan ng mananaliksik ang malaking pangangailangang maiangat ang antas ng tanong na ginagamit ng mga guro at ang pangangailangang malinang sa mga guro ang pagkakaroon ng sapat na kaalaman at kasanayan sa pagbuo ng mga tanong. Iminumungkahi ang mga sumusunod: 1. Paggamit ng mga tanong na nasa antas-analisis, antas-sintesis at antas-ebalwasyon ng mga paaralang naging paksa ng pag-aaral, sa paggawa ng mga markahang pagususulit. 2. Pagpapadala ng mga guro sa mababa at mataas na paaralan sa mga seminar/worksyap tungkol sa paggawa ng mga pagsusulit at pamamaraan ng pagtatanong. 3. Na ipatupad ng mga ulongguro ang paggawa ng talahanayan ng Ispesipikasyon bago gurnawa ng pagsusulit nang sa ganoon ay makita kung paano nababahagi nang wasto ang mga tanong. 4. Na ang sining ng pagtatanong at paggawa ng pagsusulit ay gawing isang hiwalay na asignatura sa kurikulum sa kursong edukasyon upang matutukan ang kasanayan sa pagtatanong at paggawa ng pagsusulit. 5. Na magkaroon ng isang komiteng aalalay at mag-aaral ng mga pagsusulit bago ipagamit upang makita ang kahinaan at kahusayan ng mga ito. 6. Ang pagsasagawa ng malawakang pag-aaral tungkol sa sining at pamamaraan ng pagtatanong ng guro, ganoon din sa mga paksang may kinalaman sa mga teacher-made test, antas ng mga tanong na ginagamit ng mga guro sa interaksyong pangklase sa pampribadong paaralang sekondarya at kolehiyo.