Master of Arts in Education major in Filipino
Permanent URI for this collectionhttps://dspace.uc-bcf.edu.ph/handle/123456789/119
Browse
Item Ang pagtuturo ng ekonomiks sa Pines City National High School : isang pagtataya(2008-08) Banheh, Lucia ChanAng buhay ay pinaiinog ng Ekonomiks. Lahat ng gawain, mula sa tahanan, sa paaralan at sa mas malaking lipunan ay apektado ng pananalapi at ng iba't ibang yaman. Dahil dito, kinakailangang maipamulat ang mahahalagang konsepto ng Ekonomiks sa kabataan dahil may malaki silang pananagutan sa ating pamayanan. Maisasagawa ang pagpapamulat na ito sa paaralan sa pamamagitan ng mahusay na pagtuturo ng Ekonomiks. Inaasahang ang pagtuturo nito ay magdudulot ng kasiyahan at kagustuhang matutuhan ang Ekonomiks; na magiging praktikal sa pagtugon sa mga pangangailangan at kagustuhan ng bawat mag-aaral at guro upang makasunod at makabahagi sa patuloy na mahahalagang pagbabagong nagaganap sa ating lipunan sa kasalukuyan. Pangunahin sa mga ito ang pagbabagong pang-ekonomiko na lubhang nakaaapekto sa pag- unlad ng bansa, at sa kabuuan, ang daigdig. Ang tesis na ito ay kinapapalooban ng Pagtuturo ng Ekonomiks sa Pines City National High School: Isang Pagtataya. Hangarin nitong masagot ang mga katanungan sa pagtuturo ng Ekonomiks ng taong Panuruan 2007 -2008. Ang pag-aaral na ito ay nagbibigay ng kasagutan sa mga sumusunod na mga katanungan: 1. Gaano kalawak ang naabot sa mga layuning Instruksyunal ng pagtuturo ng Ekonomiks sa Pines City National High School? Haypotesis: Naabot ang mga layuning Intruksyunal ng Pagtuturo ng Ekonomiks sa Pines City National High School. 2. Gaano kadalas ang paggamit sa mga Instruksyunal na Teknik sa pagtuturo ng Ekonomiks sa Pines City National High School? Haypotesis: Madalas ang paggamit ng mga iba't ibang Instruksyunal na teknik sa pagtuturo ng Ekonomiks sa Pines City National High School. 3. Ano ang antas ng kasapatan ng mga kagamitang. Panturo na ginamit sa pagtuturo ng Ekonomiks sa Pines City National High School? Haypotesis: Sapat ang mga kagamitang panturo na ginamit sa pagtuturo ng Pines City National High School. 4. Ano ang antas ng kalagayan ng mga suliraning kinakaharap ng pagtuturo ng Ekonomiks sa Pines City National High School? Haypotesis: Bahagyang malubha ang kalagayan ng mga Suliraning kinakaharap ng pagtuturo ng Ekonomiks sa Pines City National High School? Ang mga datos na nakalap mula sa pananaliksik na ito ay nahango mula sa paggamit ng mga katanungan at pakikipanayam ng guro sa mga kapwa guro. Ang 'descriptive-survey method' ang ginamit sa paraan ng pananaliksik. Ang statistical na kagamitan na ginamit ay ang average weighted mean'. Batay sa pananaliksik, nabuo ang mga sumusunod na kinalabasan: 1.Lubhang naabot ang mga layuning Instruksyunal ng pagtuturo ng Ekonomiks sa Pines City National High School. 2.Laging ginagamit ang mga iba't ibang Instruksyunal na teknik sa pagtuturo ng Ekonomiks sa Pines City National High School. 3.Sapat ang mga kagamitang panturo na ginamit sa pagtuturo ng Ekonomiks sa Pines City National High School. 4.Bahagyang malubha ang kalagayan ng mga suliraning kinakaharap ng pagtuturo ng Ekonomiks sa Pines City National High School. Mula sa mga kinalabasan ng pag-aaral, nabuo ang mga sumusunod na panlahat: 1.Nakatuon ang pokus ng mga guro sa kanilang layunin sa pagtuturo ng Ekonomiks kaya't ang mga gawaing pagkatuto na inihahanda nila para sa mga mag-aaral ay angkop. 2. Ang mga guro sa Pines City National High School ay mapamaraan upang mapabuti ang kanilang pagtuturo ng Ekonomiks. 3.Nakatutulong ang kasapatan sa Kagamitang panturo sa pagkamit ng mga guro ng kanilang layunin sa pagtuturo. 4.Sa kabila ng pagsisikap ng pamunuan ng Pines City National High School na malutas ang kakulangan ng mga kagamitang instruksyunal, nananatili pa rin itong suliranin na dapat na pagtuunang pansin sa pagtuturo ng Ekonomiks. Batay sa kinalabasan ng pag-aaral na ito, iminumungkahi ang mga sumusunod: 1.Kailangang panatilihin sa lubhang naabot ang mga Layuning Instruksyunal ng pagtuturo ng Ekonomiks sa Pines City National High school. 2. Kailangang ipagpatuloy at panatilihin ang laging paggamit ng mga iba-ibang teknik sa pagtuturo ng Ekonomiks. Ang mga teknik na madalas ginagamit ay dapat ding itaas sa antas na laging ginagamit. 3. Kailangang magkaroon ng karagdagang kagamitan sa pagtuturo at ipagpatuloy ang paglikom ng kagamitang instruksyunal. Sa ganito, maaabot ang antas na tunay na sapat. Ang antas na kulang sa sapat ay dapat ding pataasin kaya't pag-ibayuhin ang paggamit ng pelikula, audio at programmed instruction 4. Kailangang panatilihin ang patuloy na pagdagdag ng pagkamit ng mga aklat upang makamit ang ratio na isa-sa-isa o isang aklat sa isang mag-aaral. Nararapat bigyang-pansin ng pamunuan ng Pines City National High School at ng Department of Education ang kwalipikasyong edukasyunal ng mga guro upang hindi na ito maging suliranin ng mga guro. Bagama't ito ay may antas na bahagyang malubha, makabubuti kung ito ay hindi na maging isa pang suliranin. Dapat pang dagdagan ang seminar ng mga guro sa Ekonomiks. Gayundin, dapat pag-ibayuhin ng mga guro ang paggamit ng Filipino bilang midyum. Nararapat bigyan ng mas malawak na tungkulin ang mga ulong-guro sa mga Annexes ng Pines City National High School upang hindi laging nakaatang sa balikat ng punung-guro ang pamamahala sa buong paaralan. Sa gayon, higit na magiging maayos ang pamamahala sa mga annexes dahil may iba-iba rin namang pangangailagan at suliranin ang bawat isa sa mga ito. 5. Ang sistema ng pagsasanay o pagsubok ay baguhin sa pamamagitan ng pagbibigay ng iba't ibang uri ng pagsubok tulad ng praktikal na eksamen,portfolio, atbp. 6. Dapat makalikha ng iba pang makabuluhan gawain upang mahikayat ang mga mag-aaral na gawin ang buong kakayahan sa pag-aaral.