Tatlong mukha ng ina sa mga nobela ni Lualhati Bautista
| dc.contributor.author | Garcia, Ma. Flora May Adaoag | |
| dc.date.accessioned | 2026-02-13T23:34:49Z | |
| dc.date.issued | 2003-03 | |
| dc.description.abstract | Ina, maliban kina Adan at Eba, bawat isa sa atin ay mayroon nito. Ibinigay sa ina ang taguring pinakaimportanteng babae sa buhay ng bawat tao. Sa inang ito nakasalalay ang buhay at ang bukas ng bawat anak na nailuluwal niya. Kung ang buhay na iniluwal ng ina ay nagtagumpay, utang ito sa ina, ngunit kung ang buhay na ito ay napariwara, ito ay dahil pa rin sa kanya. Ang pag-aaral na ito ay naglayong ilarawan ang tatlong mukha ng ina sa mga nobela ni Lualhati Bautista, si Dolores sa Gapo, si Amanda sa Dekada '70 at si Lea sa Bata, Bata Pa`no Ka Ginawa. Layunin ng pananaliksik na ito na bigyan ng katugunan ang mga sumusunod na tiyak na suliranin: 1. Sa tatlong nobela, anu-ano ang mga katangian ng ina bilang: a. asawa b. ina? 2. Sa anu-anong katangian nagkakatulad at/o nagkakaiba ang tatlong tauhan bilang a. asawa b. ina 3. Anu-anong mga katangian ang dapat taglayin ng isang ina ayon sa pamantayan ng nakararami? Taglay ba ng tatlong pangunahing ina ang mga katangiang Ito? Batay sa pag-aaral na isinagawa, bawat isa sa mga pangunahing ina sa mga nobela ni Lualhati Bautista ay nagsiganap ng dalawang tungkuling ibinigay sa kanila ng lipunan: bilang asawa at bilang ina- Ang mga inang ito ay nagkakaiba sa katangian bilang asawa dahil sila'y tumugon sa kalagayan nila bilang asawa. Subalit bilang ina, nagkakatulad sila kung ang pag-uusapan ay ang kanilang pagmamahal, pagkalinga at pagsuporta sa mga anak. Mula sa kinalabasan ng pag-aaral ay nabuo ang mga sumusunod na kongklusyon. Ang isang ina ay laging may dalawang tungkuling inaasahang gagampanan niya: una, ang kanyang pagiging asawa at pangalawa, ang kanyang pagiging ina. Mga Katangian ng Ina Bilang Asawa 1. May paghahangad na maging malaya sa kanyang desisyon. 2. Siya ay may hangaring magkaroon ng silbi sa kanyang sarili hindi lang yaong pagiging ina at asawa. 3. Nakikibahagi sa mas malaking lipunan. Mga Katangian ng Ina bilang Ina. Ang mga katangian ng ina bilang ina ay magluwal ng sanggol, bumuhay at mag-aruga, kumalinga, punong-abala sa mga gawaing ang sangkot ay mga anak, doktor, nars, guro, ingatyaman, tagahubog, kalaro, at kumpidante ng anak, kahati sa tagumpay, hirap at ginhawa,tagapagpagaan ng damdamin at buhay ng anak, lubusang nakakakilala sa anak, nakadarama at nakararamdam sa anumang nangyayari sa anak, at tagapagtanggol ng anak. Pagkakatulad at Pagkakaiba ng Tatlong Pangunahing Tauhan bilang Asawa 1. Ang bawat tauhan ay nagtataglay ng magkakaibang katangian bilang asawa dahil sa pagkakaiba-iba ng kalagayan nila bilang asawa. 2. Samantalang sina Lea at Dolores ay kapwa naghangad na manatili sa piling ng kani-kanilang asawa, si Amanda ay nagnais namang humiwalay nang tuluyan sa piling ng asawa. Pagkakatulad at Pagkakaiba ng tatlong pangunahing tauhan bilang Ina 1. Nagkakatulad ang tatlong ina bilang ina sa pagbibigay-halaga sa kani-kanilang mga anak. 2. Nagkakaiba sila sa paraan ng pagpapalaki sa kani-kanilang supling. Mga Katangiang dapat Taglayin ng isang Ina ayon sa pamantayan ng nakararami? Taglay ba ng tatlong pangunahing tauhang ina ang mga katangiang ito? Ang mga katangiang dapat taglayin ng isang ina ayon sa pamantayan ng nakararami ay ang mga sumusunod: Manganak, Magpasuso o magpakain, Magkaroon ng pisikal na ugnayan sa anak, Laging nandiyan para sa anak, Protektahan ang anak sa anumang sakit at kahirapan, Tagaturo at tagapayo ng anak, Nangangalaga sa lahat ng gawaing sangkot ang anak, May bukas na komunikasyon, Pinahahalagahan ang sarili, Tumatayong ama pag wala na ang ama, Matatag sa kabila ng pagsubok, Ina, hindi lang sa anak, kundi ina para sa iba. Tinataglay ng mga inang ito ang mga katangiang itinuturing na pamantayan ng nakararami, maliban sa katangiang pagkakaruon ng dangal, na mula sa pananaw ng mananaliksik ay di taglay ni Lea. Batay sa kinalabasan ng pag-aaral na ito, inihahanay ng mananaliksik ang mga sumusunod na mungkahi at tagubilin. 1. Magkaroon ng pagkakataon ang bawat mag-aaral sa elementarya at sekondarya na magbasa ng mga akdang tumatalakay sa ina upang higit nilang mapahalagahan at lubusang makilala ang kanilang mga ina. 2. Mabigyan ang mga mag-aaral ng pagkakataong magbasa ng mga nobela kahit ang mga ito ay mahahabang akda. 3. Mapahalagahan ang mga kontemporaryong nobela katulad ng pagpapahalaga sa mga sinaunang nobela. 4. Mabigyan din ng pagkakataon ang mga mag-aaral na makabasa at makasuri ng mga akdang tumatalakay sa kamalayang panlipunan upang higit silang makaangkop sa kanilang kapaligiran. 5. Na malaman ng bawat babaeng papasok sa pag-aasawa na ito ay hindi isang simpleng kasiyahan lamang, manapa ay malamang kaakibat ng pag-aasawa ang mabigat na tungkulin ng pagbuo ng pamilya. 6. Mabigyan ng pagkakataon ang mga babaeng mag-aaral na makapagbasa at makapagsuri ng mga akdang tumatalakay sa pagiging asawa at ina upang malaman nila ang naghihintay na responsibilidad kapag sila ay nagdesisyong pasukin ang pag-aasawa. 7. Na ang bawat babae ay huwag makuntentong maging pambahay na lang; kunin nila lahat ang mga oportunidad na inihahain sa kanila upang mapaunlad ang sarili. 8. Mabigyan din ng pagkakataon ang mga nagsisimulang manunulat na lumikha ng iba't ibang akdang magsisilbing inspirasyon sa iba tulad ng mga nobela ni Lualhati Bautista. | |
| dc.identifier.citation | Garcia, Ma. F.A(2003).Tatlong mukha ng ina sa mga nobela ni Lualhati Bautista.(Unpbulished master's thesis).University of the Cordilleras, Baguio City. | |
| dc.identifier.uri | https://dspace.uc-bcf.edu.ph/handle/123456789/509 | |
| dc.language.iso | en_US | |
| dc.title | Tatlong mukha ng ina sa mga nobela ni Lualhati Bautista | |
| dc.type | Thesis |