Ang apat na dimensiyon sa pagsukat sa binasa sa unang taon ng mataas na paaralan

dc.contributor.authorCortez, Daisy B.
dc.date.accessioned2026-02-12T05:22:00Z
dc.date.issued1990-04
dc.description.abstractBinubuo ng pag-aaral na matunghayan ng mga aytem sa pagsubok sa mga literal, paghinuha, mapanuri at paglalapat na dimensiyon sa pagbasa at kaugnay ang pagbibigay ng pagsubok sa mga mag-aaral sa unang taon upang makuha ang kasagutan sa mga sumusunod na tiyak na katanungan: 1. Anu-ano ang mga iskor na nakuha ng mga kalahok na mag-aaral sa kinalabasan na pagsubok sa bawat dimensiyon sa pagbasa? 2. Sa anong dimensiyon pinakamataas ang “mean” ng mga nakuhang iskor sa kinalabasan ng pagsubok? 3. Sa anong dimensiyon pinakamababa anq "mean" ng mga nakuhanq iskor sa kinalabasn nq pagsubok? Kinuha ang mqa seleksyong ginamit bilang lunsaran sa mga aklat na ginamit sa unang taon ng mga mag-aaral sa Baguio Colleges Foundation sa ilalim ng SEDP. Doon na rin isinagawa ang "dry-run" ng pagsubok a 60 na mag-aaral sa unang taon at ang nakuhanq average na oras sa pagsubok ay dalawang oras. Isinagawa ang test-retest sa 290 na mag-aaral sa unang taon ng Mataas na Paaralan ng Lungsod ng Baguio. Sa pamamaraang index of difficulty at index of discrimination, lumabas na 25 na aytem ang rejek - 17 na bahagdan - ng 147 na aytem. Upang mapantay ang dami ng mga aytem, ginawang 100 na aytem tig-25 na aytem 5a bawat dimensiyon. Sa pagsusuri ng kinalabasan ng unang pagsubok at mulinq pagsubok, napag-alamang pinakamataas ang "mean" ng mqa iskor sa literal na dimensiyon at pinakamababa ang "mean" ng mqa iskor sa mapanuri ng dimensiyon. Gumamit ng surbey sa larangan ng deskriptibong pananaliksik. Upang maipatupad ang pamamaraan, bumuo ng pagsubok sa literal, panghinuha, mapanuri at paglalapat na dimensiyon. Gumamit ng unang pagsubok, muling pagsubok at sa pagbabalido ng mga aytem sa unang pagsubok, ginamit ang instrumentong istatistikal sa aklat ni Robert Ebel sa pagkuha ng indices of difficulty and discrimination. Ginamit ang Pearson 's product - moment coefficient sa una at muling pagsubok. "Mean" ang qinamit sa mga iskor at ginamit ang percentile sa pagpapakahulugan ng mga nakuhang iskor. Kinuha ang bilang ng sampling sa pamamagitan ng pagtiyak sa kasapatan ng bilang ng mga mag-aaral sa pangkalahatang 1,030. Lumabas na 288 ang kinakailangang bilang ng mga mag-aaral sa naturang populasyon at ang pitong seksiyon ay may kabuuang 290 na mag-aaral. Sa pangkalahatan, pinakamarami anq mga aytem na ideyal (76 na aytem), na aytem anq tinatanggap ngunit mahirap. Sa 147 na aytem sa kabuuan, 25 aytem ang rejek. Sa 40 na aytem sa literal na dimensiyon, 13 na aytem ang rejek, anim (6) na aytem ang tinatanggap ngunit madali, isang aytem ang tinatanggap ngunit mahirap at 20 aytem ang ideyal. May 39 na aytem ang paghinuhang dimensiyon, 21 na aytem ang ideyal, 13 na aytem ang tinatanggap ngunit madali, isang (1) aytem antinatanggap ngunit mahirap at apat (4) na aytem ang rejek. May 738 na aytem ang mapanuring dimensiyon, 24 na aytem anq ideyal, anim (6) na aytem anq tinatanggap ngunit madali, apat. (4) anc tinatanggap ngunit manirap at apat (4) na aytem anq rejek. Sa paglalapat na dimensiyon ay lumabas na 11 na aytem anq ideyal at 11 na aytem ang tinatanggap bagamat madali habang apat (4) na aytem anq tinatanggap bagamat mahirap. May apat (4) na aytem ang rejek. Ginanap ang “dry-run” sa mga mag-aaral ng unang taon sa Mataas na Paaralan ng Baguio Colleges Foundation noong Disyembre 5, 1989 sa pamamagitan ng random sampling. Isinagawa ang pagsubok sa Mataas na Paaralan ng Lungsod ng Baguio sa pito (7) na seksiyon na may 290 na mag-aaral. Iniwasto ang mga talasagutan ng mga mag-aaral. Kinuha ang mga indeces of difficulty and discrimination at lumabas na 25 aytem ang rejek. Ibinigay anq muling pagsubok noong Enero 5, 1990 at iniwasto naman ang alga talasagutan ng mga mag-aaral. Kinuha ang co-efficient ng pagsubok - muling pagsubok. Muling sinuri ang pagsubok upang masagot ang mga katanungan sa pananaliksik. Pinakamataas na nakuhang iskor ng mga mag-aaraql ang 25 at ang pinakamababang iskor ay apat (4) sa literal na dimensiyon. Pinakamataas ang iskor na 24 sa paghinuhang dimensiyon at ang pinakambabang iskor ay dalawa (2) ganoon din sa mapanuring dimensiyon. Sa paglalapat na dimensiyon, pinakamataas na iskor ang 24 at ang pinakamababa ay apat (4). Batay sa kinalabasan ng pagsusuri, ang literal na dimensiyon ang pinakamataas na "mean" 14.93 ng mga iskor na nakuha ng mga mag-aaral at ang mapanuring dimensiyon ang may pinakamababang "mean" ng mga nakuhang iskor (12.59). Napakahalaga ang paqkakaroon nq pagtataya sa mga kagamitanq ipinababasa sa mga mag-aaral. Kailangang nakalilinang sa kaiSipan ng mqa mag-aaral ang mqa kagamitan. Napakahalaga rin ang pagkakaroon ng mga instrumento para sa pagsukat nq kakayahan ng mqa bata sa larangan ng pag-unawa sa binasa. Isang pangangailangan din ang pagpapadala ng mga guro sa mga seminar/workshop na may kinalaman sa programang pagbasa upanq malaman ang mga bagong palakad at matatalakay o mabigyanq kalutasan ang mga suliranin Ba pagtuturo nang sa gayon sama-samanq mapalaganap ang mqa bagong pal akad o pagbabago sa mga pamamaraan ng pagtuturo. Tungkulin ng mga gurong magpakabihasa sa pagtatanong upang mapalabas ang kritikal at mapanuring kaisipan ng mga mag-aaral sa kanilang binasa. Napakainam na bigyan ng sapat na panahon ang binasang seleksyon upang matalakay at mapag-usapang masinsinan ang binasa. Nararapat ding itugma ang mga kagamitan sa mga mag-aaral sa kanilang karanasan, kapaligiran at kaugalian upang sa gayon magiging kapaki-pakinabang at makahulugan ang pagbasa. Sa ganitong sitwasyon, mabigyan din ng kahalagahan ang binasa. Bilang panghuli, hindi rin maitatatwa anq kasahulan ng mga kagamitang pampagturo at pananaliksik sa larangan ng wikang Filipino at isang paghamon sa mga nagpapakadalubhasa sa wikang nabanggit ang pagkakaroon ng mga kagamitan lalo na sa mga maraming bahagi ng ating kapuluang pangalawang wika ang Filipino. Kailangan din ng mga administrador ang mga pag-aaral at mga surbey, mga pag-aaral na comparatibo at pagbuo ng mga kagamitan para sa "remedial reading". Matutulungan ang mga batang mahihina sa wikang Filipino at mapapayaman ang kanilang talasalitaan upang makasabay sa mga pagbabago sa larangan ng ating edukasyon na sa ngayon ay patungo na sa malawakang paggamit ng wikang Filipino anumang antas ng pag-aaral. Makakatulong ang mga pag-aara, pananaliksik at pagbuo ng mga kagamitang pampagturo at ganoon din sa "remedial reading" upang magkaroon ng katuparan ang mga isinasaan ng bagong plakad sa paggamit ng wikang Filipino sa makabagong edukasyon ng sambayang Filipino.
dc.identifier.citationCortez, D.B.(1990).Ang apat na dimensiyon sa pagsukat sa binasa sa unang taon ng mataas na paaralan.(Unpbulished master's thesis).University of the Cordilleras, Baguio City.
dc.identifier.urihttps://dspace.uc-bcf.edu.ph/handle/123456789/503
dc.language.isoen_US
dc.titleAng apat na dimensiyon sa pagsukat sa binasa sa unang taon ng mataas na paaralan
dc.typeThesis

Files

Original bundle

Now showing 1 - 1 of 1
No Thumbnail Available
Name:
G-ThD MAEd-Fil C818 1990.pdf
Size:
14.95 MB
Format:
Adobe Portable Document Format

License bundle

Now showing 1 - 1 of 1
No Thumbnail Available
Name:
license.txt
Size:
1.71 KB
Format:
Item-specific license agreed to upon submission
Description: