College of Teacher Education

Permanent URI for this communityhttps://dspace.uc-bcf.edu.ph/handle/123456789/10

Browse

Search Results

Now showing 1 - 1 of 1
  • Thumbnail Image
    Item
    Mga piling katha ni Amor Cico : bisang paglalarawan at pahambing na pagsusuri
    (2006-03) Agbuya, Jenny Magalong,
    Bawat araw na dumaratal sa buhay ng tao ay nagbabago. Lahat ng pangyayari sa buhay ng bawat isa ay kaakibat ang malawak na konseptong ito. Ang pag-aaral na Ito na nakapokus sa mga piling maikling katha ni Amor Cico ay tumutugon at naglalayong makita at muling balikan ng tanaw at pansin ang mga kaisipan, kaugalian at pagpapahalaga na unti unti ng nililimot dulot ng nabanggit na pagbabago. Sa ikalilinaw ng pagsisiyasat na kinapapalooban ng anim na mga maikling kwento ng manunulat na si Amor Cico, sasagutin ang mga sumusunod na katanungan: 1. Anu-anong paksa ang napapaloob sa mga piling kwento ni Amor Cico? 2. Anu-anong istilo sa pagsulat ng may-akda ang ginamit sa paglalahad ng mga pangyayari sa mga piling akda? 3. Anu-anong tradisyon at kulturang kaakibat ng moralistiko, sikolohikal at sosyolohikal na pagdulog ang maaaring paghambingin upang maging lunsaran ng magandang kaasalan ng mga kabataan? 1. Ayon sa naging resulta ng pag-aaral, narito ang mga paksa sa bawat kuwento: Sa kwentong Maetan Panibeg nanguna ang paksang maghintay ng tamang panahon at kilalaning mabuti ang taong nais pag-ukulan ng panghabambuhay na pagmamahal. Ang Naibong Na Panibeg ay may paksang, maling akala, maling pananabik at nasayang na pagod dahil sa maling akala. Ang Betang Mb Pa Labat ay kinapapalooban ng mga paksang paghangang naudlot dahil sa maling akala at iluwa kapag napaso. Ang Aguik Itan, kwento na kinatatampukan ng paksang pagbibigayan at pagkakaunawaan ng tunay na magkaibigan sa panahong kailangan ng matatag na samahan. Ang Agui Ya Anggad Pagew ay may mga paksang natutungkol sa kapatid ng puso ang dibdib, ang kapatid ng tuksuan ay isang lambingan at tulak ng bibig kabig ng dibdib. Ang Ugaw Ni Tan ay kuwento na may mga paksang may gatas pa sa labi ang pag-ibig at makapaghihintay ang tunay na pag-ibig. 2.Ayon sa naging resulta ng pag-aaral,narito ang mga istilong nangibabaw sa bawat kwento: Sa kwentong Maetan Panibeg, nangibabaw ang istilong kumbensyonal. Ang Naibong Ya Panibeg ay may kumbensyonal at patumbalik isipan. Ang Betang Mo Pa Labat ay may kaayusang kumbensyonal. Ang Aguik Itan ay ginamitan ng may-akda ng mga istilong balak sa hinaharap at kombensyonal. Sa Agui Ya Anggad Pagew, nangibabaw naman ang istilong patumbalik isipan. Sa kwentong Ugaw Ni Itan, nanguna naman ang istilong daloy ng kamalayan. 3. Ang mga tradisyon at kulturang kaakibat ng moralistiko, sosyolohikal at sikolohikal na pagdulog ang maaaring paghahambing upang maging lunsaran ng kaasalan ay: Sa kwentong Maetan Panibeg nangibabaw ang kultura at tradisyon ng mga Pangasinense sa paniniwala sa mga sabi¬sabi o tsismis ng mga kapitbahay at pagsunod sa kagustuhan ng mga magulang na kaakibat ng moralistikong pagdulog. Sa kwento namang Betang Mo Pa Labat at Aguik Itan, masasalamin dito ang kultura at tradisyon ng mga Pangasinense partikular sa mga kabataan, ang pagiging padalus-dalos sa kanilang pagdedesisyon at sa paniniwala nilang "kapag napaso ay iniluluwa" na kaakibat din ng moralistikong pagdulog. Samantala, sa mga kwento namang Naibong Ya Panibeg, Agui Ya Anggad Pagew at Ugaw Ni Tan, masasalamin dito ang tradisyon at kulturang makalumang panliligaw ng mga Pangasinense na kaakibat ng sosyolohikal na pagdulog. Napatunayan din sa pag-aaral na ito, na bagamat ang anim na kwentong sinuri ay kinapapalooban ng moralistiko, sikolohikal at sosyolohikal na pagdulog, sosyolohikal na pagdulog ang siyang nangibabaw mula sa kabuuan ng pagsisiyasat. Napatunayan na ang napiling akda ni Amor Cico ay may mga paksaing natutungkol sa paghihintay ng tamang panahon kung pag-ibig ang pinag-uusapan dahil makapaghihintay ang pag-ibig. Nangibabaw naman ang istilong pinuputol ang wakas ng kuwento at ang istilong kumbensyonal na palasak din sa ibang akdang pampanitikan. Napatunayan din sa pag-aaral na ang mga tradisyon at kultura ng mga Pangasinense gaya ng magandang samahan ng mga magkapitbahay, pagsunod sa mga magulang at makalumang paraan ng panliligaw ay naging palasak sa anim na kwento. Kinapalooban naman ng moralistiko, sikolohikal at sosyolohikal na pagdulog ang bawat akda para mailarawan nang maayos ang mga nabanggit na tradisyon at kultura. Nangibabaw ang sosoyolohikal na pagdulog sa pag-aaral na ito. Batay sa nga naging resulta ng pag-aaral na ito, iminumungkahi ng mananaliksik ang mga sumusunod na tagubilin: 1. Na gamitin ng mga guro sa dalubhasaan at pamantasan ang nabanggit na mga paksa sa kanilang pagtatalakay ng mga akdang pampanitikan sa loob ng kanilang klase upang mapalawak at mahasa ang kanilang kaalaman ng mga mag-aaral sa larangan ng pagsusulat. At maging gabay sa pagbuo ng maikling kwentong kanilang naranasan sa kani-kanilang bayan. 3. Na bigyang-pansin ang mga kultura at tradisyon ng mga Pangasinense sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga akdang pampanitikan ng Wikang Panggalatoc. 4. Na isama sa kurikulum ng mga pamantasan at idagdag bilang isang asignatura sa pagtalakay sa kasaysayan, kultura at tradisyon ng mga Pangasinense. 5. Na gamitin bilang hanguan ng mga guri ng panitikan ang mga maikling kwento sa pagtuturo upang maikintal nila sa isipan ng kanilang mga mag-aaral ang mga kultura at tradisyon ng mga Pangasinense para maging sagisag ng kanilang idetidad. 6. Na maging lunsaran nq mga quro ng ibat ibang istratehiya sa pagtuturo ng panitikan upang maging masigla at kapakipakinabang ang talakayan at magkaroon pa lalo ng interes ang mga mag-aaral na pag-aralan and mga Panitikang Pangasinan.