Panida, Ma. Jenny P.,2026-02-121995-10Panida, M.P.(1995).Isang pagsusuri sa mga pagpapahalagang natamo sa pag-aaral ng panitikang Filipino.(Unpbulished master's thesis).University of the Cordilleras, Baguio City.https://dspace.uc-bcf.edu.ph/handle/123456789/499Ang pagsusuri sa natamong pagpapahalaga sa pag-aaral ng Panitikang Filipino ng mga mag-aaral na babae at lalaki sa Dalubhasaang BCF ang pinag-ukulan ng pag-aaral. Natuklasan sap ag-aaral na ang mga kabataang mag-aaral na babae at lalaki sa Dalubhasang BCF ay may natamong pagpapahalaga sap ag-aaral ng ispiritwal, pagpapahalaga sa katotohanan, pag-big, kalusugan, pananagutang panlipunan, pang-ekonomikong pagsasarili, nasyonalismo, at pandaigdig na pagsasarili. Ang mga pagpapahalagang nabanggit ay nakalahad din sa Balangkas ng Edukasyong pagpapahalaga ng DECS na siyang naging batayan ng talatanungang ginamit. Natuklasan na sa panahon ng kasalukuyan bilang sakop sap ag-aaral ng panitikan higit na nakatamo ng pagpapahalaga ang mag-aaral. Napag-alaman ding may makabuluhang pagkakaiba ng mga pagpapahalagang natamo ng mga mag-aaral na babae at lalaki sa iba’t ibang sakop sa pag-aaral ng panitikan. Ang kinalabasan ng pag-aaral na ito, na may pagpapahalagang natamo ang mga kabataang mag-aaral na babae at lalaki sap ag-aaral ng Panitikan ay tumutugma sa layunin ng pamahalaan ukol sa pagkampanya sa program ana pagpapabuti sa moral na nakalahad sa Proklamasyon Bilang 62 na pinagtibay ng Pangulong Fidel V. Ramos. Ito rin ay may kaugnayan sa inilahad ng seksyon 13 ng Artikulo II ng konstitusyon ng 1987 ukol sa pagkilala ng pamahalaan sa mahalagang tungkulin ng kabataan sa paghubog ng isang nasyon kaya nararapat lamang na magtaglay sila ng mga pagpapahalagang makabuluhan sa pagsasakatuparan nito. Sa isinagawang pag-aaral, tinukoy ng mananaliksik ang mga pagpapahalagang nakapaloob sa mga aralin sa mga aklat pampanitikan. Inihanda at binuo ang instrumenting ginamit upang malikom ang mga natutuhang pagpapahalaga ng mga mag-aaral sap ag-aaral ng panitikan. Inihanay sa inihandang questionnaire checklist ang mga pagpapahalaga na ibinatay sa balangkas ng edukasyong pagpapahalaga ng DECS ukol s apitong pambuod na pagpapahalaga at ang mga kaugnay na pagpapahalaga nito gayundin ang panahon ng panitikan na kinapapalooban nito. Kumuha ng sampung mag-aaral ang mananaliksik mula sa tatlong departamento sa dalubhasaang BCF na ginamit sa pagsubok at sila na rin ang kinapanayam para sa pagbabalido ng instrumento. Sa pagkuha sa mga naging tagatugon ay inalam ng mananaliksik ang talaan ng pangalan ng lahat ng mga mag-aaral sa Departamento ng Edukasyon, Sining at Agham at Komersyo na kumuha ng Panitikan sa Ikalawang Semestre ng Taong-paaralan 1994-1995. Tinuos ang tiyak na bilang ng mga naging kalahok na siyang ginamit sa malawakang pag-aaral at inihiwalay ang mga naging tugon ng mga babae at lalaking mag-aaral upang makita ang pagkakaiba ng pagpapahalagang kanilang natamo. Ginamit ang paraang random sampling sa pagkuha ng mga kalahok para sa paglikom ng mga datos at ang “lottery sampling” o “fishbowl technique” na anyo nito ang tuwirang ginamit. Inalam din ng mananaliksik ang mga instrumenting istatistikal na ginamit upang higit na madali ang pag-unawa at pagpapakahulugan sa mga nalikom na datos. Ang “mean of combined groups” ang ginamit sa pagtutuos ng pinagsamang mean ng pagpapahalaga ng babae at lalaking mag-aaral sa iba’t ibang panahong sakop sa pag-aaral ng panitikang Filipino. Ang “Spearman’s Coefficient of Correlation with Tied Ranks” naman ang ginamit sa pagtutuos ng pagkakaiba ranggo ng mga pagpapahalagang natamo sap ag-aaral ng panitikan ng mga mag-aaral na babae at lalaki. Binigyan din ng kaukulang pagpapakahulugan ang t-test sa pamamagitan ng paghahambing ng tinuos na t sa nakatalang t sa antas .05 ng pagiging makabuluhan. Pinili ang antas na ito dahil ito ang katamtamang antas na nababagay sa ginawang pag-aaral. Ayon sa kinalabasan ng pag-aaral, ang asignaturang panitikan Filipino ay mabuting lunsaran upang maipagpatuloy ang layunin ng DECS ukol sa paglinang at paghubog sa mga pagpapahalagang nakapaloob sa balangkas ng edukasyong pagpapahalaga ng DECS sa kabataan. Higit ding naikintal sa mga kabataan ang pag-ibig at pananalig sa Diyos na kailangan sa makabagong panahon. Ang kasalukuyang panahon na sakop sa pag-aaral ng panitikan ay higit na nabigyan ng pansin ng mga mag-aaral. Napag-alaman na ang pagpapahalaga sa pang-ekonomikong pagsasarili, nasyonalismo at pandaigdig na pagkakaisa ang higit na naikintal sa kanilang isipan sa panahong ito dahil ito ay may kinalaman sa realidad. Natuklasan din na may makabuluhang pagkakaiba ang pagpapahalagang natamo ng mga mag-aaral na babae at lalaki sa pag-aaral ng panitikan. Batay sa kinalabasan ng pag-aaral, iminumungkahi ng mananaliksik na kailangang higit pang maipamulat sa mga kabataang mag-aaral sa kolehiyo na ang panitikang Filipino ay isang makabuluhang asignaturang kailangan nilang pahalagahan. Dapat ding isaalang-alang ng mga guro ang kahalagahan ng pitong pambuod na pagpapahalaga na nakapaloob sa Balangkas ng Edukasyong Pagpapahalaga ng DECS. Nararapat ding panatilihin ang mga pagpapahalagang masasalamin sap ag-aaral ng panitikan lalung-lalo na ang pang-ispiritwal na kailangan ng isang makabagong panahon. Kailangan ding maging mapanuri ang mga guro sa mga gagamiting lunsarang akda at magkaroon ng malawakang pagsusuri sa mga ito. Ang “role playing” bilang paraan ng pagbabatid sa mga pagpapahalaga ay Mabuti rin. Nararapat ding ipagpatuloy na linangin sa mga kabataan ang pag-ibig sa bayan at ang pagpapahalaga sa pagtitipid. Kaialangang maipaunawa sa mga kabataan na ang mga pagpapahalagang kanilang natutuhan ay hindi maluluma at dapat lamang na manguna ang mga edukador sa pagkampanya at pagpapatibay sa programa ng pagpapabuting moral. Kailangan pa ng higit na mahabang panahon sap ag-aaral ng panitikang Filipino upang mapatnubayan ang mga kabataang kumuha nito. Ang asignaturang Filipino 2a o kontemporaryong panitikan ay nararapat lamang na maisama sa kurikulum ng lahat ng departamento sa mga dalubhasaan. Iminumungkahi ring magsafawa ng isa pang-pagaaral na naglalayong tuklasin o alamin kung nagkakasama o nagkakatugma ang teorya at pagsasagawa ukol sa mga pagpapahalagang natutuhan ng mga mag-aaral.en-USIsang pagsusuri sa mga pagpapahalagang natamo sa pag-aaral ng panitikang FilipinoThesis